Her Smile Was Her Goodbye

371 4 0
                                    

Her Smile Was Her Goodbye

I was 25 and she was 22 when we decided to get married. Bakit ang bilis? I loved her too much. Sa judge kami kinasal. Ayaw ng mama ko sa kanya nung una but I didn't bother to ask why anyway. Masaya kami, maalaga, malambing, maganda, matalino at mahal na mahal ako. Ganun din naman ako sa kanya. Napakaswerte ko sa kanya. Masaya kaming nagsama... nung una.

Dalawang taon. Dalawang taon naming sinubukang magkaanak. Nagpakonsulta na kami sa ibat ibang OB Gyne, pati ako para lang magkaanak kami. Pero hindi talaga ako binigyan ng anak nung panahong yun. Pero nag antay pa rin ako, kami.

Hanggang sa nagbuntis nga sya. I was so happy, we were happy. Everyone was happy. I was a proud father to be. But our happiness was short-lived. Nakunan sya. Para akong pinagsakluban ng langit ng mangyari yun. Alagaan yung pinagbubuntis nya, hindi nya pa magawa? I was so mad. Sinisisi ko sya, kasi andun na pero nawala.

Hindi ako naging lasenggo pero naging babaero ako. Kaliwat kanan. Pinapatulan ko lahat ng babaeng lumalapit sakin, every girl who was willing to spread her legs for me. Hindi ako nag abalang itago ang ebidensya. Tinatawag ko lang sya pag kailangan ko sya, sa kama. Sinusubukan nya akong kausapin pero lagi ko syang binabara, naging napakamainitin ng ulo ko sa kanya. Isang beses, napagbuhatan ko sya ng kamay dahil sa nabasag nyang pinggan. Hindi sya umimik. Tahimik lang syang umiiyak habang sinusumbat ko yung pagkawala ng anak namin.

Nagpatuloy to ng isang taon. Isang gabi, umuwi akong sobrang init ng ulo ko. Nakita ko syang nagtutupi ng damit. Ng makita nya ako, ngumiti sya sakin. Mas lalong uminit ang ulo ko, bigla ko nalang syang sinampal. Binulyawan, sinumbatan at hinila papunta sa kwarto. I forced myself to her that night. Iyak lang sya ng iyak. Nanlaban sya nung una hanggang tumigil na sya. Pagkagising ko, nakita ko yung pasa sa gilid ng labi nya. Bigla akong nakonsensya. Umalis ako para maghanap ng apartment.

Apat na buwan akong nawala. Umuwi lang ako dahil may naiwan akong plates na kailangang tapusin. Pag uwi ko, andun si mama. Nakangiti sya habang nag uusap sila. Pero ng makita nya ako, bigla nalang nawala yun. Napahawak sya sa tyan nya kaya napatingin ako dun. Lumaki, as in malaki.

Bigla akong naexcite. Pero nawala yun ng maalala ko yung ginawa ko sa kanya. Pinagalitan ako ni mama. Kesyo iniwan ko raw yung asawa ko ng mag isa kahit buntis at kambal pa.

Tumira ulit ako sa bahay. Kumuha ng makakasama nya para di na talaga sya magkikilos. Tumigil nako sa pambababae at naisipan kong bumawi sakanya. Pero naging ilag sya. Sobrang ilag nya. Nainis ako. Sabi ko sa kanya, "Alagaan mo yang pinagbubuntis mo ngayon, pag yan nawala mas mabuting mawala ka na rin,"di lang sya umimik.

But still I was trying. 8 months na yung tyan nya nung kinakausap nya nako ng maayos. Buntis na pala sya nung umuwi ako nun. Bigla na naman akong nakonsensya, muntik ng mawala ulit yung mga anak namin at yun ay dahil sakin. Pinangako ko na aayos na ako. Aayosin ko yung relasyon namin lalo na pag nanganak na sya.

Then her due date came. Pero lumampas ng dalawang araw kaya naisipan naming i CS na lang sya para mas safe yung delivery nya. 2:03 and 2:05 ng hapon a boy and a girl was delivered safely via caesarian section. Sobrang saya ko. Naming lahat. I mouthed I love you to her, she just smiled and told me she loves me too.

Nakita ko kung pano sya pumikit ng nakangiti nung natapos na syang i CS. Nakita ko nung bigla nalang tumunog yung lifeline nya. Biglang nagkagulo. Pinalabas ako kahit ayoko. I panicked. We were panicking. Bakit kailangan kong lumabas?May mga tinawag na doctor. I prayed while crying so hard. Everyone did.

Nahirapan sila. Kakatahi lang ng sugat nya sa tyan. Yet they were reviving her.

2:32 she was announced dead. She died. Nagwala ako, begging the doctors to try again and save her, paulit ulit kong tinatawag yung pangalan nya, I cried so hard. Nung nakalapit ako sa kanya, hindi ko sya kayang hawakan and when I did. Niyakap ko sya ng mahigpit. I said sorry over and over again. I told her I love her over and over again. Hindi nya pa oras. Hindi nya pa dapat oras. Hindi pa ako nakakabawi. Hindi ko pa sya napapakasalan sa simbahan. Hindi nya pa nakakasama yung mga anak namin. Hindi pa dapat, I was hoping she could hear me and come back to life. But she didnt.

Our supposed to be celebration of life, turned into mourning of her death. She gave me what I wanted, not just a child but children. But I lost who I needed that time. Her.

She breathed her last with a smile, she didnt managed to say goodbye. Or was her smile, her way of saying goodbye?

Cherish everything and every moment you have with the person you love. Never waste a chance and tell her/him you love her. You never know, when will be the last time that you would see her/him again.

I asked myself, "was she happy when she died?". I know she was. She would want us to celebrate her life.

Drei
Fine Arts, Architecture and Design
2009
Others
College

Secret Files PHWhere stories live. Discover now