A Decade Love

569 7 0
                                    

A Decade Love

I never thought 'crush' or 'puppy love' would last a lifetime

It was way back grade one nung nag transfer ako ng school, new friends and new surrounding. Napaka introvert kong tao kasi pinalaki ako ng parents ko na ang alam lang ay aral aral aral tapos nakita kita sa sulok ng room tahimik nahihiya akong kausapin ka kasi ang tahimik mo din yie bagay kasi tayo char, nakakausap lang kita pag may mga group work tapos ang tipid mo din mag salita kaya sabi ko tititig nalang ako.

Nag grade 2 tayo pareho tayo nakapasok sa section 1, ganon padin hanggang silay nalang ako sa ganda mo. Dumaan mga taon nagkaroon ka ng mga manliligaw landing pagibig lang ang haharot ng mga boys sa school ganon tapos ako torpeng dakila kaya iyak nalang ako sa tabi huhuhu, tapos graduation day natin ng elementary, class valedictorian ka, salutatorian naman ako pero di padin tayo ganon kaclose sabi ko sa sarili ko nag goals natin kung tayo sana kaso hindi e torpe ko, landing ewan lang hahaha.
Natatakot ako na baka dumating panahon na lumipat ka ng school pero hindi nangyari kaya ayun patuloy ang pagsulyap sa ganda mo, gusto ko magpakalalaki kasi high school na tayo, gusto ko sabihin na crush kita kahit ibusted mo ko basta nasabi ko feelings ko pero para akong tanga hindi ko nagawa kasi naging mag bestfriend tayo. Totga ba? Hindi hahaha kasi sinarili ko nalang yung pagkakaroon ko ng gusto ko sayo, nawala ako sa honors kaya nung gradiation natin ikaw padin valedictorian inlab na inlab talaga ako sayo, kinilig pa ako ng narinig ko pangalan ko sa speech mo feeling ko vip ako para sayo yie.

Kaso natapos graduation natin, nawalan ako ng balita sayo nalaman ko nalang nakapasok ka sa dream school mo at mabuti ka naman at ganon din naman sakin, LDR na tayo, wala na yung crush ko wala na akong motivation mag aral, hindi ka nadin nagcchat sakin or kamusta lang kaya hinayaan ko nalang.

Pero sadyang mapag laro ang tadhana, after 6 years kasama graduation, nakrus landas natin, shookt ako bes, pano ko nalamaj na ikaw yun? Stalker mo ko sa FB hehehe, ang saya nga naman kasi pareho tayo ng company, kahit na magkaiba tayo ng department okay lang atleast malapit ka na ulit sakin.

Awkward ng first encounter natin kasi ang tagal din ng pamnahon na di tayo nagkausap pero nung mga panahong iyon hindi na crush ang tingin ko sayo, mahal na kita, binigyan ako ng isa pang chance ni mr.cupid na magtagpo tayo para gawin lahat ng mga hindi ko nagawa noon and I got the balls to confess to you after months na nagkita ulit tayo and you accepted my confession.

Love is so great, isa lang masasabi ko, pag para sayo para sayo, pag kayo talaga para sa isa't isa gagawa at gagawa ang tadhana para magkita kayo.

Ps: hi lil stitch ko happy anniversary. Wala akong gift eh pwede na ba 'to. Hahaha i love you.
Big bear
2013

Secret Files PHWhere stories live. Discover now