"NOT YOUR TYPICAL PROPOSAL"

7.9K 23 0
                                    


"NOT YOUR TYPICAL PROPOSAL"

Di ako sweet na tao at di rin ako madiskarte or imaginative. Sabi nga ng girlfriend ko wala daw akong kasusta sustanya, pagdating sa mga surprises eh singko daw ako agad, pabiro naman pagkakasabi nya pero alam kong may laman hahahaha! But before ako magtuloy sa story ng confession na to I would like you all to know that me and Hannah (my girlfriend...) we've been together for 6yrs now. Together through ups and downs and through thick and thin. I can definitely say na she's the one for me, I want her to be the mother of my soon to be basketball team hahaha! Kaya I decided na magpropose na sa kanya kase we're both ready to settle.

March 4, niyakag ko sya sa enchanted kingdom. Dun ko balak mag propose. Sobrang kabado ako kase first of all, di ako marunong tapos second takot ako sa rides at heights pero I swallowed my fear just for her, gustong gusto nya kase sa mga amusement park, walang kinatatakutan tong babaitang to eh. Nasa loob na kami ng EK, unli rides si girl. Sinakyan muna namin yung mga mild lang, carousel, bump car, yung mga pambata lang. Then after a while yung mga makalaglag balls na, flying fiesta, xtreme, etc. Then sabi nya mag space shuttle kami, yun yung pinaka ayaw ko sa lahat, rollercoaster. Yun yung last ride namin and I've decided na dun ako magppropose. Nakasakay na kami. Sa may unahan kami pmwesto para daw may thrill jusko. Para akong maluluha sa kaba ang taas shet!

N.V

Ako: Mahal, may sasabihin ako.

Hannah: Ano yon mahal?

Ako: Will you...

Tas biglang umarangkada yung rollercoaster.

Ako: putaaaaaaaaaaaa!!!

Hannah: Anoooooo?!! Wooooh!!!

Ako: pukingina mo Hannah talagaaaaaaaa!!!

Hannah: HAHAHAHAHAHA! I LOVE YOU TOO MAHAL!!!

Ako: I LOVE YOU MORE PERO TANGINA MOOOOO!

tas nakarating sa dulo yung rollercoaster. Medyo bumagal kala ko tapos na.

Hannah: Mahal hahahahaha!

Ako: tapos narin! Tara na auq na bes.

Nginitian lang ako ni Hannah tas naalala ko yung sssabihin ko.

Ako: Hannah, will you...

Tas nakarinig ako ng *Tssss* sabay biglang patalikod naman tangina pero this time sasabihin ko na para matapos na.

Ako: Marry meeeeeeeeeee!!!

Hannah: HAAAAAAA???

Ako: WILL YOU MARRY ME????!!!!!

Hannah: ANOOOO?!!

AKO: HANNAH WILL YOU MARRY ME!!!! PUTA ISA PAAAA TATANGALIN KO YANG HARNESS MO!

Hannah: HAHAHAHA NARINIG KO! YES MAHAL, YESSSSSS!!!

Ako: MAMAYA NA YUNG SINGSING DI KO ALAM KUNG BUHAY PA KO PAGKABABAAAAAAA!

Tas yon na nga natapos na rin yung impyerno. Pagkababa namin, sinuot ko yung singsing sabay suka. Hahahaha!

Sa October kasal namin.

I love you Hannah! I'm so happy, we'll be together, forever. I love you.

Ferdie
2010
Others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now