Chapter 2 - Unbelievable

3.3K 84 0
                                    

August 4, 2024

Nagising na ako bago pa nag 5am. I stood up from my wooden bed. Wala ngang kahit mattress lang ang nakapagbigay ng comfort.

Dumeretso ako sa kwarto ng aking ina upang tingnan siya, pero wala pa siya dun. Bumaba ako upang tignan kung nandoon siya, pero wala talaga siya sa bahay namin.

Naamoy ko ang sarili ko na amoy pawis. Mula kahapon pa tong mga damit na sinusuot ko ngayon. A yellow dirty t-shirt with some damages and brown thigh-level shorts.

Pumunta ako sa banyo upang maligo. Pagtanggal ko t-shirt ko ay napansin ko yung malaking scar sa abdomen ko. Para itong hiniwa ng malaking blade. Sabi nga ng tatay ko, Demon daw yung may gawa nito. Wala akong masyadong maalala. Naligo na ako.

Nagbihis na ako sa itaas ng sira-sirang grey t-shirt at skirt, at bumaba ulit. Umupo ako sa sofa. Nakatitig ako sa patay na TV, pero may napansin akong bagay sa mesa na nasa harap ko.

Kinuha ko ito. Parang sunglasses yata. Kanino kaya to? Bago ako nakagawa ng iba, naalala ko lahat ng nangyari kagabi. Naalala ko kung kanino to nanggaling. Mula ito sa lalaking baliw na nagsasabing may dudukot daw sakin!......LoL

May kumatok na sa pintuan ko. Alam kong si Erwin na ito. Binuksan ko ang pinto. Tama nga ang hula ko. Si Erwin nga. Pinapasok ko siya sa loob.

"Meredith! Gusto mo ba ng corned beef? Nakabili kasi ako ng isang lata...isasabay sana natin sa tinapay!" Nakangiti niyang offer sakin.

"Corned beef? Eh hindi nga ko yan natikman for the last 3 years! Salamat talaga Erwin!" I happily accepted.

Kumuha siya ng kutsilyo mula sa kusina at sinimulang buksan ang lata. Binutasan niya ang isang dulo at dahan-dahang ginagalaw upang gumawa ng bilog na linya.

Habang naghihintay ako, tinanong ko siya, "Erwin, lumalabas ka ba sa gabi?"

"Hindi naman, bakit?" Sagot niya habang pinapatuloy pa rin niya ang pagbukas ng lata.

Napatawa ako, "Ehehe...wala lang!"

Despite the situation last night, nagawa ko pa ring tawanan ito.
He finished slicing a circle above the can, and it turned into a loose open lid.

Kumuha na siya ng maliit na pinggan. Ilalagay na sana ni Erwin ang corned beef dito pero pinigilan ko siya, "Teka lang, lulutuin ko muna yan upang mas masarap"

"Marunong kang magluto? Buti ka pa...18 years old na ako pero hindi pa ako marunong magluto" sabi niyang nakangiti pa rin.

Tumawa ako at sinabihan siya, "Okay lang yan Erwin...matututo ka ring magluto someday! Eh pwede ko naman turuan ka..."

"Okay lang ba na tuturuan mo akong magluto? Mahirap kasi akong turuan" napatawang tanong niya.

Ngumiti ako. I exclaimed, "PROMISE! Tuturuan kitang magluto someday! Wag lang ngayon dahil may trabaho ka pa"

"Haha sige! Tatandaan ko yan ha?" Erwin said as he grinned.

Ilang minuto ang nakalipas, naluto na yung corn beef. Inilagay ko ito sa maliit na pinggan na kinuha ni Erwin. Ginamit na rin namin yung kutsilyo sa paghiwa sa tinapay. Kumain na kami.

"Erwin," I called him while chewing a bread with corn beef, "Bakit mo pa bang magawang dalhan ako ng pagkain, kahit para sa iyo naman yung perang kailangan mo?"

Ngumiti si Erwin, "Ehh alam mo naman diba? Wala na akong pamilya. Yung mga magulang ko, kinain na sila ng mga Biomorphs at mga Demonyo-"

"Oo alam ko," pinigilan ko siya, "Wag mo nang sabihin yung maselan mong karanasan dahil masasaktan ka lang diyan"

Rosethorn Academyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن