Chapter 46 - Escape

516 18 0
                                    

October 10, 2024 (0900 Hours)
Meredith's POV

I woke up in the middle of the road, where the aircraft crashed. Pinapaligiran na kami ng mga residente. Nakita ko si Erwin na kinakausap ang dalawang piloto.
Nilapitan ko sila. Pagdating ko ay tapos na ang kanilang usapan at hinila na ako ni Erwin. Nagtaka ako, at bago pa kami nakalayo ay nagpaalam sa amin ang isa sa mga piloto, "Mauna na kayo ni Erwin. We'll hold the enemy back for as long as we can!"

"Wag na po kayong mag-alala miss. Kayo po ang priority ng Xyndicate!" Sabi pa ng isang piloto.

Nakaalis na kami ni Erwin. Inutusan niya akong tumakbo. Nakalayo na kami sa kalye at nakapasok na sa mga maliliit na eskinita sa isang lungsod sa Boracay.

"Ilang minuto ba akong nawalan ng malay?" Tinanong ko si Erwin.

"Mga five minutes matapos ang crash! Pero himala, wala kang sugat o kahit anong galos man. Ang weird pa nga, dahil bigla nalang nag-glow ng kulay pula ang iyong mga ugat!"

"Pula? Bakit, ano bang meron dun?"

"May kakaiba kang kapangyarihan Meredith. Alam namin niyang lahat!"

"Kung alam mo, anong klaseng kapangyarihan ba ang nasa loob ko?"

"Pasensya na, pero hindi ako pwede sumagot niyan. Kailangan mong hanaping mag-isa ang sagot!"

Matapos ang usapan namin ay huminto si Erwin sa harap ng pintuan ng isang bahay. Kinatok niya ito at hinanda ang kanyang Shadow Badge. Binuksan ng may-ari ang pinto at pinakita ni Erwin ang kanyang badge, "Shadow Army. Kailangan muna naming pumasok sa inyong bahay!"

Tinaas ng babae ang dalawang kamay na parang hinoldap at tumabi para padaanin kami. Inutusan siya ni Erwin na isara ang pinto at ginawa naman niya. Nasa loob na kami ng bahay at pinaupo niya ako sa sofa. Nagulat ang ibang miyembro ng pamilya na nakatira sa bahay. Pinuntahan ni Erwin ang babae, "Salamat po ate. Hindi po kami magtatagal dito. Kapag may kakatok po na Guardian, ay sana po, hindi niyo bubuksan para isuko kami!"

"Wag kang mag-alala hijo," sagot ng babae, "Sumusuporta naman kami sa Shadow Army, at hindi sa mga walang-hiyang nakaputi!"

"Bakit po ba, may masama ba kayong karanasan sa kanila ate?" Tanong ni Erwin.

"Matagal na iyon, pero pinilit nila kaming magbayad ng buwis para sa pagprotekta sa amin ng isang linggo. Karamihan sa mga tagarito ay walang gusto sa kanila. Sige, iiwan muna namin kayo diyan. Baka may pag-uusapan kayong mahalaga!"

Umakyat ang babae sa itaas kasama ang kanyang pamilya. Naiwan kami sa sala. It felt like Manila all over again, but there's no time to feel that moment a little longer.

"Meredith, may dala ka bang kahit anong bagay diyan na pwedeng ma-track ng kalaban? Phone, radio, or any device na may kakayahang mag-transmit ng signal?"

"Wala naman...naiwan lahat sa base!"

"Good. So before we leave, I'll need you to grab a weapon, even a kitchen knife from the kitchen!" Payo niya sakin.

"Hindi na kailangan. May blood weapon na ako!"

"Anong blood weapon?"

"Scythe ni Lina Lionheart!"

"Aghh," wala siyang nasabi ng ilang segundo matapos niya tong marinig, at nagpatuloy, "Sige...ready na pala tayo! We'll take the backdoor!"

Tinawag ni Erwin ang pamilya at pinayagan nang bumaba. Nagtanong siya kung meron bang backdoor ang kanilang bahay, at tinuro ng babae ang pintuan na nasa kusina. Muling nagpasalamat si Erwin, at inutusan na niya akong tumayo at sumunod sa kanya. Nagpasalamat din ako sa pamilya, at umalis na pagkatapos nito.

Nasa ibang eskinita na naman kami at tumingin ang mga tao sa paligid samin. Agad kaming umalis. Tinanong ako ni Erwin habang tumatakbo kami, "Marunong ka bang mag-Shadowmeld?"

"Yung Invisibility spell?"

"Oo"

"Pasensya na pero hindi ko kayang icast ang spell na iyan!"

"Ahhh...sige...mag-iisip nalang ako ng ibang plano!"

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Nakita ni Erwin ang isang truck na may maraming karga na gulay. Paalis na ito. Inutusan niya akong tumalon sa likod at susunod siya. Nung malapit na ako ay agad akong tumalon.  I landed on the green cabbages, saka rin si Erwin. Umandar na ang sasakyan at umalis na. Pinahiga ako ni Erwin, at siya na ang tumingin sa kalsada. Hindi ko napigilan ang aking sarili sa pagtingin. Sumilip ako at nakita ang tatlong Guardians sa kalye na tinatanong ang mga tambay.

"Buti nga ay hindi nila tayo nakitang sumakay dito!" Sabi ni Erwin sakin habang inusod ang ilang repolyo palayo.

I sighed and leaned on the vegetables. Hindi alam ng driver na nandito pala kami sa kanyang sasakyan. Mabuti nga dahil hindi niya kami napansin. Kung nakita pa niya kaming sumakay dito ay siguradong hihinto ang sasakyan para pababain kami ng nagmamaneho nito. Sinisira ko na kasi ang ilan sa mga gulay eh.

"So saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko kay Erwin.

Tumingin siya sa labas ng sasakyan, "Kung saan hihinto ang sasakyang ito, dun na rin tayo bababa!"

*
*
*
*
*

(1000 Hours)
Hanz's POV

Naglalakad na ako sa kalye ng isang lungsod sa Boracay matapos akong bumaba mula sa Thrusterwing na sinakyan ko. Nakita ko ang isang grupo ng mga tao sa unahan. May usapang nagaganap. Nilapitan ko sila. Paglapit ko ay napatitig sila sakin. Naka Shadow Uniform kasi ako. Yung typical na kulay itim na robes at gear.

"Excuse me po," tinanong ko ang isang mataba na lalaki, "Pero may nakita po ba kayong mga Guardians dito? Napansin po kasi namin e na parang gumagawa sila ng gulo!"

"Ahhh...yung mga nakaputi? May nakita po kaming mga anim o siyam na pumasok sa eskinita pong ito!" Tinuro niya ang maliit na daan sa kanilang tabi, "Parang hinahabol po kasi nila ang dalawang nakaitim kagaya niyo!"

"Ahhh...sige, salamat po sa inyong tulong," aalis na sana ako pero tinanong pa nila ako.

"Bakit po ba kayo nagtanong?" Tanong naman ng isang babae.

Ngumiti ako sa kanila, "Pasensya na po, pero hindi ko po magawang sagutin ang tanong ninyo!"

Iniwan ko na sila at pumasok sa eskinita. Pinindot ko yung comm na nakasabit sa tenga ko at tinawagan si Dan, "Dan, may nakita daw silang nakaitim kagaya natin. Siguro si Meredith na iyon at ang dumukot sa kanya!"

"So ang nagligtas sa kanya mula sa base ni Rave ay isa ring Shadow?" Sumagot siya.

"Posible rin iyan. Tatawagan lang kita mamaya. May nakikita akong kalaban sa unahan!" Pinatay ko na ang comm matapos kong matagpuan ang isang grupo ng mga Guardians.

Nakabantay sila sa harap ng isang bahay. Naglakas loob akong lapitan sila, at nabigla naman ang mga ito.

Rosethorn AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang