Chapter 18 - Second Time

1.2K 30 0
                                    

August 7, 2024 (5:00 PM, 1800 Hours)
Meredith's POV

Umupo ako sa sofa ng living room sa mansyon. Katatapos ko lang sa pagbihis. Iniisip ko si Hanz at ang ginawa niya. Binuwis niya ang kanyang buhay para lang mapalayo ako sa pahamak. Malaking sakripisyo na yung nagawa niya para sakin. So I decided to return the favor.

Pumunta ako sa kusina. Alam kong nagbibihis pa si Hanz sa itaas. Hinanda ko ang mga gamit sa panluto. Binuksan ko ang malaking fridge at nakita ang ibat-ibang klase ng ingredients.

"For Hanz..." Sabi ko sa sarili.

Hanz's POV

Kaharap ko ang reflection ng sarili ko sa salamin. Hindi pa ako nakasuot ng tshirt. Nakatingin ako sa tama ng bala na nasa tiyan ko. Hindi na ako dinala sa clinic para ipatanggal yung bala. Ako na mismo ang nag-alis nito mula sa aking katawan pagdating namin dito. Natakpan ko na ng bandage ang sugat.

"Buti nga at hindi pa ako bumigay!" Sabi ko sa repleksyon ng aking sarili.

Hinawakan ko ulit ang sugat. Alam kong gagaling din ito dahil sa kakaibang dugo na dumadaloy sa aking katawan.

Kinuha ko na ang nakahandang tshirt sa ibabaw ng desk. Sinuot ko ito at tumingin ulit sa salamin. Okay ka lang Hanz, walang mangyayaring masama...tapos na ang laban, sa ngayon.

Lumabas na ako ng kuwarto at nagplanong bumaba, pero huminto ako sa hagdan at tumingin sa itaas. Hindi ko pa nga napuntahan ang third floor sa ngayon. Alam kong marami ang nakatago dun, pero utos kasi ni Dan na wag munang pumunta sa itaas o magsalita tungkol dito sa mga kasama ko ngayon. He says its prohibited yet until he visits.

Hindi ko maiwasan na puntahan ang third floor. Ang huling akyat ko dun ay five months ago, pero ang nakita ko lang ay isang mahabang hallway na may maraming pinto, at lahat nakalock. Pinasama kasi ako ni Dan dahil may kukunin daw siya sa panahong iyon at kailangan daw niya ng tulong sa pagbuhat ng mga gamit. Aakyat sana ako ulit, pero nalanghap ko ang masarap na amoy. It smelled like beef steak. Nagtaka ako kung sino ang nasa kusina, pero natandaan ko na si Meredith lang ang kasama ko pag-uwi namin.

Bumaba ako agad para hanapin ang pinanggagalingan ng amoy ng masarap na luto.

Meredith's POV

Niluluto  ko na ang beef na nakalagay dun sa ref. Yun lang kasi ang nakita kong masarap na lutuin. Pinagbutihan ko ang pagluluto para masarap yung magiging dinner ni Hanz. At least, I could return the favor, though in a very little way.

Tapos na akong magluto. Linagay ko ito sa plato at hinanda ang lamesa. Hindi pa nakarating si Erwin eh, kaya dalawang plato pa lang ang hinanda ko para sa amin ni Hanz. Speaking of Erwin, I haven't seen him since this morning. Baka may meeting siya kasama ang Superior.

Luto na rin ang kanin na nasa rice cooker. Kumuha ako nito gamit ang isang sandok at inilagay naman ito sa oval-shaped plate. Handa na lahat! At perfect timing, bumaba na si Hanz.

Nakatitig siya sa handa na nasa mesa. He looked surprised. Parang ngayon pa lang niya nalaman na marunong pala akong magluto.

"Ikaw ba naghanda nito Meredith?" Tanong niya kahit obvious naman.

I raised an eyebrow, "May kasama ba tayong iba? Syempre ako na nagluto niyan!"

"Hindi ko kasi inakala na marunong ka palang magluto. Saan mo ba natutunang magluto ng ganyan?"

Napahinto ako. Sinubukan kong tandaan ko saan ko natutunan ang pagluluto. Wala akong natatandaan.

"Pasensya na, pero....hindi ko nga rin alam kung pano ko natutunang magluto ng ganyan!" Mahinang sagot ko.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now