Chapter 15 - Trigger

1.2K 41 0
                                    

August 7, 2024 (9:40AM - 0900 Hours)
Dan's POV

Nasa mansyon na ako ni Mark. Lumapit ako sa gate at binuksan ito through voice recognition. Pumasok ako at nakamasid ako sa hardin ng amo ko noon na halos hindi nawawalan ng bulaklak.

Pumasok na ako sa bahay. Alam kong dito na nakatira silang tatlo. Hindi ako tumuloy sa itaas. Hindi pa naman ako matutulog dito eh. May isang gabi pa ako sa hotel na tinutuluyan ko ngayon. Umupo nalang ako sa sofa sa maputing sala. Nakatitig ako sa TV na hindi naman ko binuksan.

"Wala daw ang Swordsman sa Class Tree ng Rosethorn branch!"

Hindi pa nawala sa isip ko ang sinabi ni Hanz sakin. Nagtataka ako kung bakit ganyan ang patakaran ng Rosethorn. Kapag wala ang Swordsman class, walang estudyante doon ang maaaring maging Knight. Impossible! May mali sa branch na iyon!

Tatawag sana ako sa Shadow Council pero naalala ko ang misyon na ginaganap ngayon nina Hanz. Okay lang ba kaya sila?... Tatawagan ko sana si Hanz pero hindi ko tinuloy, baka makompromiso ko pa sila sa kanilang sinasagawang misyon.

"Walang Swordsman Class...hmmm!"

I had a finger down on my chin. Kailangan kong malaman kung ano ang balak nila. Pati na rin ang Guidance counselor, hindi nagsasabi tungkol sa pagkawala ng tinutukoy kong class.

"Mamaya na yan ang problema sa class. Basta ang mahalaga, ligtas si Meredith! Kahit isang sugat lang, hindi niya dapat makuha!" Sabi ko sa aking sarili.

Si Meredith, ang huling pagasa ng Rosethorn. Kaya namin siya dinukot dahil diyan. At dahil sa kahalagahan niya samin, hindi siya dapat masaktan!

Lumabas na ako ng bahay. Tumuloy na ako sa hotel. Pumara ako ng taxi patungo sa aking tinutuluyan. Nagdasal ako na sana okay lang sina Hanz at Meredith.

Meredith's POV

Lumabas na ako ng dressing room na naka ripped jeans at pink blouse. Hinanap ko si Superior Sylvia at nagpasalamat sa kanya. Nagpasalamat na rin ang iba sa kanya pagkatapos nilang magbihis.

"Wag kayong magpasalamat samin!" She said confidently, "Pera lang naman ng Rosethorn ang ginamit natin eh!"

"They won't care either if we spend too much!" Dugtong ni Levi, "Ang pera na nasa banko ng branch ay para lang naman sa mga weapons na mas malaki pa ang halaga kaysa mga branded na damit na sinusuot niyo ngayon!"

Hindi na namin pinansin ang mga sinabi nila. Nagpasalamat pa rin kami dahil naisip nila ang planong ito.

Handa na kaming lahat. Inutusan na kami ng mga Superior na lumabas at maghanap ng sari-sariling taxi kada unit. Dahil apat lang kami sa unit namin, nagkakasya pa rin kami sa isang taxi na pinara ni Maya.

"Sa Caplan's Hotel and Casino po!" Sabi ni Maya sa driver.

Tatlo kaming babae na nasa backseat. Si Hanz ay nakaupo sa tabi ng driver. Umandar na ang sasakyan. Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto na naman ito dahil sa traffic. Paulit-ulit ang pagtakbo hinto nito dahil sa trapiko.

Dumaan kami sa mahabang tulay. Nang malagpasan na namin ito ay nasa ibang isla na naman kami. Sa wakas ay narating na namin ang hotel. Huminto ang taxi sa gilid ng daan at nakita namin ang malalaking letters na nagsasabing "Caplan's Royal Hotel and Casino"

Nagbayad si Hanz. Lumabas na kaming tatlo na nasa likod. Tumayo kami sa harap ng entrance ng hotel. Sumali na samin si Hanz. Maya maya pa ay dumating na naman ang dalawa pang taxi, sakay ang anim na miyembro ng isa pang squad. Pagkatapos nilang magbayad ay nagpunta sa amin ang kanilang lider.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now