Chapter 20 - Rising

1K 26 0
                                    

Hanz's POV

Hawak ko ang aking cellphone. Dinayal ko ang numero ni Dan. Nagring ito, at narinig ko na ang boses niya.

Ako ang nagsimula ng usapan, "May balita ka na ba tungkol sa imbestigasyon?"

Sumagot siya, "Hindi pa ako nakapagsimula. Wag kang mag-alala. Sisimulan ko rin yan agad pagdating ko diyan"

"Pagdating? Anong ibig mong sabihin?"

"Na assign ako diyan sa Rosethorn. May lilipat kasing mga bagong heneral dun sa Warsa. Sabi ng council elders, kailangan daw nila ng isang pinuno na magbabantay dun sa Rosethorn. Yung tungkol sa pagkawala ng class, mas nauna pa sila kaysa satin!"

"Sinasabi mo ba na bago pa natin ito napansin, ay alam na nila ang problemang ito?"

"They discovered it two days before we knew it ourselves!"

"Pano naman nangyari yan?"

"May nagreport daw mula sa Rosethorn tungkol dito"

"Buti nga at alam na nila ito!"

Naging tahimik ng ilang sandali, at iniba na ni Dan ang topic, "Uyy, nabalitaan ko na nabaril ka daw sa tiyan?"

Nagulat ako matapos itong marinig mula sa kanya, "Oo...totoo nga yan, pero saan mo ba nalaman?"

"Basta...buti nga at hindi mo binitawan!"

"Kaya nga eh!" Tumingin ako sa ibaba, sa tiyan ko kung saan ang tama ng bala, "Pasalamat tayo sa Diyos dahil kinaya ko pa itong pigilan"

"Haha pinagdasal kaya kita!"

"Uyy Dan, tungkol kay Meredith?"

"Bakit? Anong meron? Oo nga pala. Nasaktan ba siya kahit isang sugat?"

"Wala. Ligtas siya. Kundi dahil sa kanya, talagang mabibitawan ko ito. Mabuti pala siyang kaibigan no?"

"Buti nga. Alam ko rin na mabuti siyang tao"

"Kaya nga unti-unti akong nahuhulog para sa kanya eh!"

Pagbitaw ko sa mga salitang iyon, may dumaan na hangin sa aking mukha. Naramdaman ko ang pagdaloy nito. Sumagot na si Dan, "Alam mo naman diba na hindi yan maaaring mangyari?"

Umiba ang pakiramdam ko. Naalala ko ang isang bagay. Ang bagay na kumuha sa aking kalayaan. Ang bagay na pumipigil sakin tuwing may gusto akong abutin.

"Alam ko yun Dan. Pero kahit meron ako nito, sigurado akong gusto ko si Meredith!"

Wala akong narinig matapos ang ilang segundo, at dun na siya sumagot ulit, "Bumibigay ako ng babala sa iyo Hanz. Concerned lang ako sa problema ng kalusugan mo, at hindi ko rin gusto na madamay si Meredith. Mag-ingat ka lang!"

"Oo. Iingatan ko ang aking sarili tuwing lalapit ako sa kanya. Alam ko kung ano ang sakit ko Dan!"

"Buti nga..."

At natapos na ang aming usapan. Bumalik na ako sa itaas at inisip ang aking kalusugan. Gusto ko si Meredith, at hindi ako magpapapigil.

Meredith's POV

"Ano ba'ng problema niyo? Wala naman kaming kasalanan sa inyo ha?" Galit na tanong ni Maya.

Marami nang mga estudyante ang tumingin samin. Kahit nagdadala sila ng tray, ay nakakaagaw pansin ang tampuhan ng aming mga grupo.

Tinitigan ng sama ni Rhiyana si Maya, "I just can't believe that you receive credits from missions that you didn't even score from. Talagang sumasama lang kayo dun para sumikat!"

Rosethorn AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora