Chapter 32 - Cooldown

747 27 0
                                    

September 3, 2024 (0737 Hours)
Meredith's POV

"It's the first time in years na walang pasok ang Rosethorn!" Sigaw ni Sunny habang naglalakad kami papunta kina Maya.

"Well, dahil nga ito sa pagsalakay ng Warsa kahapon, kaya dineklara ni Superior Sylvia na walang pasok ngayon dahil aayusin daw ng Shadow Council ang sistema ng Rosethorn!" Paliwanag ni Maya.

Dumating na kami sa bahay ng kaibigan namin. Umupo kami sa sofa at naghintay kay Maya na naghahanda pa ng snacks. Pagkalipas ng dalawang minuto ay bumalik na siya na may dalang tatlong baso ng orange juice at isang bowl ng chips.

"Salamat ha dahil pinapunta mo kami dito?" Sabi ni Sunny sa may-ari ng bahay.

Nagpasalamat rin ako sa kanya. She responded, "Ahh..wala 'to girls. Naisip ko lang kasi kung pwede ba tayong mag bonding ng kahit ilang sandali lang. Salamat rin naman dahil tinanggap niyo ang invitation ko!"

Kumain kami at nagkuwentuhan tungkol sa mga karanasan namin in the past few weeks. Ilang topics ang bumitaw at dumating kami sa relasyon namin ni Hanz. Si Sunny pa nga ang unang nag-open ng topic na ito.

"Alam mo ba MJ, bago nung first date ninyo ni Hanz, dito siya unang lumapit sakin!" Sulpot ni Maya, "Pumunta talaga siya sa bahay na ito para lang humingi ng tulong sakin. Eh, wala naman akong nagawa. Tinawag ko si Sunny, at dun...binigyan kami ng funds ni Hanz para mabook yung restaurant para lang sa inyong dalawa. Ang suwerte mo naman MJ! Master Assassin pa, Major pa yung rank, at saka, mayaman pa yung boyfriend mo!"

"Eh hindi naman dahil dun na sinagot ko siya ng oo ," I tried to explain, "Pinili ko siya dahil alam kong maganda ang kalooban niya. Akala ko nga, masungit at serious siya noong first meet namin, pero hindi pala. When I got to know him better, he was gentle, kind, caring and sweet.....marunong siyang magmahal. Mauunawain at hindi agad-agad nawawalan ng pasensya. He might look cold, but he's got a heart of gold. Yan ang Hanz na kilala ko. Ganyan ang lalaki na minamahal ko!"

"Haha buti ka pa girl, masaya, ako...broken," nagbiro si Maya, "Sana ganyan si Evan noong may kami pa!"

"Evan?" I got curious.

"Oo...si Evan!" Dugtong naman ni Sunny, "Boyfriend siya ni Maya last year, pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil kay Evan!"

"Diba hindi to dapat pinag-uusapan?" I got conernced, "Baka hindi magandang pakinggan para sayo Maya-"

"Hindi...okay lang...sige ituloy mo Sunny, total, matagal naman yun eh!" Pumayag si Maya na ikuwento ito.

"Sure ka ba diyan?No regrets?" Siniguro ko.

"It's fine...go Sunny. Tell her everything!"

"Sure...basta, makinig ka ng mabuti MJ!" Sabi niya sakin, "Last Year, 2023...Bago pa naging Marksman si Maya ay nakita niya  pinakaperpektong lalaki sa buong mundo. Hindi siya sumali sa mga misyon, para lang makasama niya si Evan. Classmates sila noon. Palaging magkatabi ng upuan, masaya, palaging tumatawa. Masasabi mo talagang perpekto sila para sa isat-isa. Then one day, Evan confessed his feelings, and asked Maya out. Ito naman ang gusto ng kaibigan natin, so, she said Yes. They dated, until they decided to enter the next stage. They became couples. Masaya nga sila. Halos anim na buwan na sila sa kanilang relasyon, pero on a very dark day, bigla nalang umiba ang lahat. Nakita ni Maya na may kasamang iba si Evan. Nadatnan pa nga niya ang boyfriend niya na humahalik sa ibang babae. And that was when Maya changed. Napansin ni Evan na alam na pala ni Maya ang totoo, na may minamahal na siyang iba bago pa niya nakuha ang puso ni Maya. Ginawa ni Evan ang lahat para maayos lang silang dalawa ni Maya. Iniwan nga niya ang ibang babae para lang maibalik ang relasyon nila ni Maya, pero wala na talaga. Sinaktan niya si Maya. That's when me and Maya left the Nightwalkers and decided to pair with me instead of joining clans or squads. Naging cautious na itong bestfriend natin na tila naliligaw na yung puso! That was all...THE END"

"Wow...parang ibang version yung narinig ko ah? It sounded like a fairy tale!" Pinalakpakan ni Maya si Sunny.

Tumawa siya, "Well, we are living in the Fantasy Era though. Kahit ano, pwede nang magkatotoo. Demigods, angels, demons, aliens, zombies, magic, lahat sila, totoo na ngayon!"

Tumawa kaming tatlo. Nagpatuloy kami sa storytelling. Habang masaya kami sa bahay ng kaibigan namin, naisip ko si Hanz. Kinuha ko yung cellphone mula sa aking bulsa.

Nagtext ako kay Hanz;

Mahal, nandito ako sa bahay ni Maya...sorry if late akong nagtext. Saka, walang pasok sa Rosethorn. Suspended daw sa ngayon for maintenance. If you need me, just text or call back...Luv U Mahal <3

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now