Meredith's Shards #2

649 22 0
                                    

September 5, 2024 - 8:39pm

Pumasok na ng maaga sa kanyang kuwarto si Hanz dahil sa pagod. Nasa loob na rin ako ng sariling bedroom for the same reason.

Naaantok na ako. Humiga na ako at tumingin sa kisame. Kinuha ko yung cellphone ko at nagpatugtog ng soft music. Nakinig ako dito, at dahan-dahan na akong nahuhulog sa pagtulog. Pagkatapos ng ilang segundo, everything was black.
*
*
*
*
*
Ivy...
*
*
*
*
*
"Meredith!"

Tinawag ako ng boses ni Lina. Umikot ako at nakita siyang nakatayo sa gitna ng kalsada ng impyernong syudad.

Lumapit ako sa kanya at nagtanong, "Ano po?"

"Magtago ka sa loob ng isang building. Dali! Baka makita ka niya!" Utos niya sakin.

"At bakit ko ba naman gagawin iyan?"

"Just hurry. Magtiwala ka sakin. BILIS!" Tinaas niya ang kanyang boses at dun na akong napilitang sumunod sa kanya.

Nakita ko ang isang sirang book store at nagtago sa loob. Tumingin ako sa labas ng malaking butas sa pader ng book shop. May aninong naglalakad palapit kay Lina. Paglapit ng nito, at naging malinaw na hindi siya isang tao. Ito ang babaeng demonyo, na may balat na parang armor ng dragon. Umiilaw ang kanyang mata sa ilalim ng madilim na langit. Nag-iba ng anyo si Lina at naging Hunter siya. Dun na lumabas ang simbolo niya sa kanyang mukha. Lumabas ang kanyang blood rays at naging scythe.

Tumakbo ang halimaw papunta kay Lina. Naghintay lang ang kakampi ko hanggang sa tumalon ang kalaban niya. Tinaas ng babaeng halimaw ang kanyang kanang kamay na may matutulis na kuko, pero tumalsik siya pabalik sa kinaroroonan niya.

Pagtingin ko kay Lina ay nakataas na ang kanyang kaliwang palad at umiilaw ito sa kulay na pink na may halong blue. Tumayo ulit ang kalaban niya. Tinaas nito ang dalawang kamay, at lumutang sa himpapawid ang mga tipak ng simento at bato sa paligid niya. Hinanda ni Lina ang kanyang sarili. The demon lady pointed her palms at Lina, and the debris and rocks were thrown at her like bullets. Gumawa si Lina ng force field para maiwasan ang mahikang ginamit ng kalaban. Napaatras siya dahil sa lakas ng pagtama ng mga ito sa kanyang mahiwagang shield.

Napansin ng impakto na hindi tinatamaan si Linq, kaya pinahinto niya ang pagbato ng mga bagay. Tinaas ulit niya ang dalawang kamay at naglabasan ang mga blood rays mula sa kanyang katawan. Anim na pulang ahas ang lumabas. Tinapat ulit niya ang kanyang mga palad kay Lina, at lumipad ang mga binuo niyang blood rays papunta sa kakampi ko. Ginawa ulit ni Lina ang force field, pero huli na ito. Natamaan siya ng dalawa sa mga matutulis na blood rays sa kamay at paa. Napaluhod ang kanyang isang tuhod dahil sa biglaang pagtama. Parang nanghihina na yung kaibigan ko.

Naglakad papunta kay Lina ang kalaban. Nilapitan talaga siya ng halimaw. Huminto ito sa harap niya at hinablot ang tela ng kanyang hood. Hinila niya to pababa, pero imbes na matanggal ay napatingin si Lina sa mukha ng halimaw.

"Shi-re-na-ya...Ivy...." Narinig ko ang kakaibang boses ni Lina, pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"You never knew me!" Sumigaw ang halimaw sa kakaiba rin niyang boses.

Umilaw ang simbolo sa mukha ni Lina sa kada syllable na sasabihin niya, "Ri-ne-suzo-ken....Ivy....Kenustrisjetsu!"

Nanlaki yung mata ng kalaban. Tatakbo sana siya palayo, pero sa isang iglap ay lumabas ang tatlong pink blood rays na parang buntot mula sa likod ni Lina. Tumama ang mga ito sa dalawang kamay at gitna ng katawan ng kalaban, and they went right through her. Hindi makagalaw ang kalaban dahil nakasabit na siya sa mga buntot ni Lina. Tumayo ang kaibigan ko at tinaas ang kanyang scythe. Dun na niya hinampas ang matulis na dulo nito sa ulo ng kalaban niya. Tumalsik ang dugo na parang lava, at hindi na ulit gumalaw ang demonyo. Naglaho ang mga buntot ni Lina at nahulog ang katawan ng kalaban. Nag-iba ulit siya ng anyo at naging tao ulit.

Tumingin siya sakin at tinaas ang isang thumbs-up. Dun ko na naisip na ligtas nang lumabas. Lumapit ako kay Lina, na nakatayo sa katawang unti-unti na ring naglaho.

"Ano ba yan? I mean...sino ba yan, Lina?" Tanong ko sa kanya.

"I want to tell you, but I can't do it right away. You need to find out yourself Meredith!" Hinawakan niya ang balikat ko habang sinabi niya ito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tinutulungan na kita. Everything about you has something to do with the past!"

"Hindi yan ang tinutukoy ko. Tinatanong po kita kung sino yang halimaw na iyan!" Tinuro ko ang naglalahong katawan.

"Next time she appears, observe carefully how I kill her. Then look at the scars of the past, and you'll find a piece of you! Pasensya na, pero wala nang oras ngayon! I'll see you next time, Iv...I mean I've got things to do!"

Nawala lahat. Naglaho ang syudad. Unti-unting nawawala ang paligid. Nawala na rin si Lina. Everything was breaking like glass and floating upwards.
*
*
*
*
*
Binuksan ko ang mga mata ko at umupo sa kama. Humabol ako ng hinga at hindi nag-isip ng ibang bagay. Inalala ko talaga ang sinabi niya sakin at inulit ko pa ito.

"Next time she appears, observe carefully how I kill her. Then look at the scars of the past, and you'll find a piece of you!"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now