Chapter 49 - The Night With Him

590 19 0
                                    

October 12, 2024 (2100 Hours)
Meredith's POV

Ito na ang pangatlong araw namin dito, walang gulo, walang problema. Nagtataka nga ako kung bakit kami nageenjoy, kung kailan kami dapat mangamba. Pero wala namang problema sa desisyon ni Erwin. Habang nagsasaya kami dito ay natatanggal mula sa aming isip ang mga problema namin.

Katabi ko si Erwin ngayon sa isang bench na nakaharap sa beach, kung saan hinihigop namin ang mga milkshakes na binili gamit ang mahahabang straw. Nakatitig lang kami sa mga nagna-night swimming sa dagat.

"May party ngayong 12 midnight...sabi nila, masaya daw iyun!" Biglang nagsalita si Erwin.

I looked at him in the eye suspiciously while grinning. I reacted, "Pupunta lang ako dun kapag pupunta din ka!"

"Syempre, dadalo ako sa party. Once in a lifetime lang kaya ito!"

Tinulak ko siya ng mahina sa balikat, "Tama ka diyan...kung hindi dahil sayo, hindi sana tayo masaya ngayon!"

"Kahit hinahabol na tayo ng buong mundo, nagawa pa rin nating magtago!"

"Haha oo nga! A toast, for our successful hiding! Cheers!"

Binangga namin ang cups ng aming milkshakes at tumawa. Naisip ko tuloy ang party mamaya. Talagang magiging masaya ito dahil kaming dalawa lang ni Erwin at wala nang ibang manggugulo.

"Anong oras ba ulit ang party?" Tinanong ko siya.

"12am, midnight!"

"Sige," tumayo ako at hinila ang kamay niya upang patayuin rin siya, "Magbihis na tayo! Kailangan nating pumunta dun ng maaga!"

"Ano?" Tumawa siya, "Nababaliw ka na ba? It's still nine! We still got three hours 'til the party!"

"Ehh, ano nga ba ang gagawin natin ngayon?"

Lumaki ang ngiti niya. Matapos kong ubusin ang aking milkshake ay bigla nalang niya akong binuhat. Nagulat ako, pero tunawa pa rin habang nakahiga na ako sa pagitan ng kanyang mga kamay. Sinusuntok ko ang mga braso niya matapos kong malaman na papunta na pala kami sa isang malaking pool na wala pang tao, kahit sa paligid man.

"Erwin!" Sambit ko habang tumatawa, "Bitawan mo ako!"

"Pilitin mo muna ako!"

Pagdating namin sa harap ng pool ay tinapon niya ako sa tubig. I ended up wet. I swam up at nakita ko na siyang tumatawa.
Sinigawan ko siya, "Ikaw ha? Kung gusto mo akong itapon sa tubig, sumama ka rin sakin!"

"Sige, teka lang!"

Naliligo ako sa pool suot ang jeans at blouse na binili ko. Wala akong pake. Basta, masaya ako dito kasama si Erwin. Tumingin ako sa aking kasama na nakatayo pa sa tabi ng pool. Hinubad niya ang kanyang suot na T-shirt, at dun ko na naramdaman ang kakaibang feeling.

I can see myself in the water that my cheeks are red. Pants na lang din ang suot ni Erwin, at kitang-kita mula sa aking pwesto ang kanyang eight-pack abs. His pectorals were muscular than any normal person. His biceps were amazing.

"Hoy, MJ! Papunta na ako diyan! TABI!" Babala niya matapos siyang tumakbo papunta sa gitna ng pool.

Tumalon siya at nagkaroon ng malaking splash sa gitna. Tinakpan ko ng ilang sandali ang aking mga mata, at pagkatapos ay nakita ko na si Erwin na lumalangoy sa harap ko.

"Tayo lang dalawa ang nandito, so make any noise as long as you want!" Lumapit siya sakin.

Tumawa ako, "Pwede ba tayong maligo kahit hindi tayo bumayad sa lobby?"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now