Chapter 62 - The Largest Wave

458 13 0
                                    

December 2, 2024 (0700 Hours)
Meredith's POV

"Set Rosethorn Academy to full alert! We can't allow them to penetrate Tolevo!" Utos ni Sylvia sa lahat ng mga officials ng Rosethorn. Nagtatakbuhan na ang lahat ng mga Shadows sa paaralan. Dumating na ang lahat ng mga Warsa Shadows dito.

"Hanz, go protect Meredith under the school's underground bunkers! They wont find you there!" Utos ni Aimee samin, "The access code to the underground system's blast door is 5067, remember that!"

"Kayo, saan ba kayo pupunta?" Tinanong ko siya habang hinhila na ako ni Hanz.

"It's my duty to protect you! It's our top priority!" She suddenly winked at me.

Xyndicate's top priority is to protect me. Nakangiti siyang nakatitig samin habang lumalayo na kami ni Hanz.

"Pasensya na Mery, pero kailangan ka kitang dalhin sa isang ligtas na lugar!" Wala na akong magawa kundi sumabay sa kanya sa paglakad.

Pumunta kami sa loob ng school canteen. Lumingon si Hanz sa kusina ng cafeteria at pumunta siya dun habang hawak yung kamay ko. Binuksan niya ang pinto sa kusina at sinalubong kami ng maraming kitchenware at steel tables.

"Dito Mery! Ito ang passage papunta sa underground system ng paaralan!" Binuksan niya ang isang pinto na may sign.

Authorized Personnel Only. Do Not Enter.

Ito ang nabasa ko sa signboard na nakasabit sa pinto. Binuksan ito ni Hanz at nakita namin ang hadanan na papunta sa baba. Madilim ang daan. Pulang ilaw lang ang nagbibigay ng konting liwanag. Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan at inabutan kami ng limang minuto bago pa namin marating ang isang malaking bakal na gate. 

Isa itong sliding gate. Makapal at blast proof. May biohazard sign na nakaukit sa gitna nito.

"So the rumors were true," biglang bumulong si Hanz sa gitna ng katahimikan.

"Rumors?" Napatanong ako sa kanya. Pinuntahan niya ang isang computer at binuksan niya ito. Habang may pinipindot siya sa keyboard ay tinanong ko siya ulit, "Anong rumors nga ba ang tinutukoy mo?"

"Isa itong Insurgence lab noon," paliwanag niya, "Basta...kailangan na nating pumasok!"

He typed on the keyboard the code Aimee gave us. Narinig namin ang isang malakas na beep, at biglang bumukas yung malaking bakal na humaharang sa entrance. Both went into opposite directions providing us the only entrance. It made a weird screech as it opened. Huminto ito at lumantad ang isang maliwanag na daan.

Pumasok kami sa loob at nagbeep na naman ang gate. Sumara na naman ito at naiwan kami sa loob. Kami lang dalawa ni Hanz.

"Ano ngayon?" Tinanong ko siya.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa nakita niya ang isang pinto na may sign na sinulatan ng "VIP Quarters". Pumasok kami ni Hanz dito at tumapak kami sa loob ng isang magandang kuwarto.

May nakita siyang sofa at pinaupo niya ako. Dun na niya sinagot ang tanong ko kanina, "We'll wait here. Tatawag lang daw si Aimee satin kung ligtas na. Wag kang mag-alala. Ligtas tayo dito!"

*
*
*
Aimee's POV

"Nakapwesto na ba ang mga tauhan mo Sylvia?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa rooftops.

"All of them are ready Aimee. Don't worry, pati na rin ang mga Warsa Shadows, handa na silang lahat!" Sagot niya.

Dumating na kami sa itaas ng building at tumayo kami sa tabi ng ilang Shadow Marksmen. Nakaluhod na sila at nakatutok ang mga baril sa ere.

"Shayne, give us a status report about the enemy's location!" Nagsalita si Sylvia sa kanyang radyo.

Habang abala siya sa kanyang tawag, natandaan ko ang sinabi ng staff ko sa Black Mountain a few hours ago.

"Something's not right," tumingin sakin si Sylvia matapos kong tong sinabi, "The enemy was supposed to get here about an hour ago according to my men!"

"Maybe they're late?" She replied.

"Commander! We're detecting something!" Sumigaw samin ang isang sniper at agad kaming pumunta sa kanya.

"Ang kalaban na ba iyan?" Tanong ko sa kanya.

Kinuha ni Sylvia ang isang holotab mula sa isang Shadow at tiningnan namin ang screen. Pinakita nito ang mga pulang dots ng kalaban. Unti-unting lumalapit ang mga dots samin. Isang kilometro na ang layo ng mga ito mula sa aming posisyon, pero wala pa rin kaming nakikita na kahit isang airship ng kalaban.

"Nasaan na ba sila?" Tanong samin ng ilang sundalo.

Sylvia was confused, "Tama ka Aimee. Parang may mali dito!"

"Bogey spotted!" Bumaril ang isang sniper at may natamaan siya. Bumagsak sa rooftop ang isang bagay.

Para itong laruan. Hindi, isa pala itong drone nang nilapitan namin. Umuusok na ito at nakita naman namin ang tama ng bala sa battery nito.

"Shit.....it's a trick!" Sumigaw si Sylvia at pinakita niya sakin ang pulang dot ng bumagsak na drone.

Maya-maya pa ay may narinig kaming ingay mula sa himpapawid. Tumingin kami sa itaas at nakita namin ang maraming drone kagaya sa bumagsak na isa. Lumagpas lang ang mga ito sa ibabaw namin at wala namang nangyari. Maya-maya pa ay nawala na ang mga ito.

Biglang umingay ang aking communication device. Pinindot ko ito at narinig ang boses ng isang babae. Sumigaw ito sa kanyang radyo, "COMMANDER! RALANDAN IS UNDER ATTACK! I REPEAT! RALANDAN IS UNDER ATTACK! We're detecting a thirty gunships, three flagships and a lot of transports! They're trying to fly over the walls but we're not letting them, so now they're trying to breach it by putting a hole into it!"

"ANO?" Lumakas ang kutob sa aking dibdib. Nakadama ako ng matinding takot. Sumigaw ako kay Sylvia, "We've been deceived! The radar signatures were all but just diversions!"

Namutla ang superior. Parang nawalan siya ng hangin nang tinanong niya ako, "Ano ba ang gagawin natin?"

"Hindi ko rin alam, nag-iisip pa ako!" Binalot ako sa takot habang nag-iisip ng paraan.

Nagbigay siya ng payo sakin, "We need to transfer all of the Shadows there right now. Your town is at risk!"

Kinagat ko ang aking labi, "At iiwan nalang ang Rosethorn? The top priority is Meredith!"

"And let a thousand people die in Ralandan?"

Hindi ko siya agad nabalikan ng statement. Sinabi ko sa kanya, "Fine! Since Meredith is safe in the bunker, order all of the Shadows around Tolevo to go to Ralandan right now by any means necessary! Ralandan is the Philippines' Shadow School Capital! We can't let the Guardians take over that town again!"

Rosethorn AcademyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ