Chapter 12 - Reassignment

1.3K 52 0
                                    

August 6, 2024
Dan's POV (1400 Hours)

Kabababa ko pa lang sa isang Thrusterwing mula Tolevo, ang syudad kung saan nakatayo ang Rosethorn Academy. Nasa isang mapatag na damuhan na ako, na nooy soccer field ng lumang paaralan bago ang Demon Wars.

Naglakad ako papunta sa basketball court. May mga naglalakad na mga estudyante sa paligid, at matapos nila akong makita ay huminto sila at matuwid na nakatayo.

Tinaas nila ang kanilang mga kanang kamay para bigyan ako ng saludo.

"At ease soldiers. Go on with your tasks!" Utos ko sa kanila.

Nagpatuloy sila sa kanilang mga gawain. Papunta na sana ako sa office ko nang bigla nalang akong sinalubong ng school secretary.

May mga hawak siyang papeles. Nagsalita siya, "General Callaghan, may natanggap po tayong utos mula sa Capital Shadow Council dun sa New York"

Binigay niya sakin ang mga papeles. Binasa ko ang mga ito. Dalawang pahina lang ito ng isang report mula sa mga matataas na pinuno ng Shadow Council Capital.

Tumingin ako sa secretary, "Ililipat nila ako sa Rosethorn? Anong problema? Nalimutan nilang maglagay ng reason ah?"

"Ahh oo nga pala" kinuha niya yung smartphone niya at may pinindot. Nagpaliwanag siya ulit, "Late pong nasend yung Reason sir. Sabi nila, may ililipat daw dito na tatlong bagong Heneral mula sa Tokyo, California at London Branch. Kaya kayong tatlong namumuno ngayon dito ay ma-aassign muna sa ibang branch"

"Well at least dun ako sa Rosethorn ililipat!"

"Handa na po lahat ang iyong mga gamit sir. Shall I alert the school of your arrival?"

Nag-isip ako ng ilang sandali, at sinagot ko ang tanong niya, "Wag lang muna Miss Kaye. I'll make it a surprise. Ibigay mo lang sakin ang Transfer Forms para may maipapakita ako sa kanila pagdating ko dun. Magpapahinga muna ako ng ilang araw or weeks!"

"As you wish General. I'll send you the papers right away!"

"Thank you Miss Kaye!"

Umalis ang secretary para kunin yung mga ibang papeles. Tumingin na naman ako sa labas, kung saan ako bumaba mula sa Thrusterwing.

I'll be back W.A.R.S.A., I'll be back...

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Miss Kaye dala ang isang folder na may laman na mga papers. May dalawa na ring mga Shadows na bumubuhat sa dalawang malalaking bag na sa tingin ko ay mga gamit ko sa opisina ang nasa loob.

May dumating na na Thrusterwing at umakyat na ako sa loob. Bago umalis ang eroplano ay inutusan ko ang piloto, "Kuya, ibahin mo muna yung destinasyon ko sa ngayon. Hindi ako dederetso dun sa Rosethorn, may pupuntahan lang muna ako!"

"Sige po Heneral, masusunod!" Sagot ng piloto.

Lumayag na ang aircraft at nagtungo na kami sa aking pupuntahan. It'll be easy then...when I'll arrive...


Maya's POV

"Lakas ni Hanz ha? Kaya nga palang bagay siya maging second in command ni Heneral Dan!" Sunny complimented.

Hinihintay lang namin ang susunod na teacher. Bago pa lang kasing lumabas yung Physics teacher namin, si Professor Alvin. Yung topic namin dito ay tungkol sa epekto ng bigat ng aming weapons, at kung gaano ito nakakaapekto sa performance namin in battle.

Nakatayo lang ako sa harap ni Sunny. Nasa katabing upuan naman si MJ.

"Indeed. Ang galing nga niya. Kahit nag-iba pa ng anyo si Evan ay nagawa pa niyang taluhin siya" dagdag ni MJ.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now