Chapter 23 - Chaos Knight

1K 29 1
                                    

Meredith's POV

Apat ang kalaban na nasa harap namin ngayon, habang tatlo lang kami. Nasa iisang field nalang kami. It's the Team Battle, kung saan ang buong teams na ang magkakaharap. Malungkot pa rin ako dahil sa pagkatumba si Maya. Napansin ko kasi na parang umiiyak siya bago bumato ng emerald si Evan sa kanyang baril.

"The Lost Heartz will be battling outnumbered. Would anyone want to volunteer?" Tanong ng announcer sa mga manonood.

Lumapit si Hanz sakin at tinawag niya si Sunny. Paglapit niya samin ay nagsimula nang magsalita si Hanz, "Since tatlo lang tayo ngayon, we'll sketch us a plan! Anong nasa isip niyo ngayon na dapat nating gawin para manalo tayo?"

"Sumuko na lang tayo Hanz. Wala naman tayong pag-asa. Apat sila habang tatlo lang tayo!" Malungkot na sabi ni Sunny.

Kumunot ang noo ni Hanz. Pinagsabihan niya si Sunny, "Sa tingin mo magiging masaya si Maya kung malaman niyang sumuko tayo? Alam kong gusto niyang manalo Sunny, kaya gawan na natin to ng paraan!".

"Ba't mo ba masasabi iyan? Eh hindi naman talaga tayo sigurado kung-"

"Pag-isipan mo ng mabuti Sunny. Kaibigan mo siya. Kaya dapat mong gawin ang lahat para sa kanya, manalo man o hindi, at least!"

Yumuko siya. Inakbayan ko siya to comfort her, at tumingin ako kay Hanz, "We'll take them on as a team, one by one. Ikaw ang bahala sa offensives, kami na ni Sunny ang gagawa sa defensives. Okay lang ba?"

Nag-isip siya. Tumingin siya ulit sa grupo nina Evan. Nakatayo lang sila, naghihintay. Hindi nga man nila naisip na gumawa ng plano. Humarap ulit sakin si Hanz, "Block any attacks that get on me okay? Ako na ang magpapatulo sa kanilang mga dugo!"

I nodded. Tumingin si Hanz kay Sunny. Hinawakan niya ang balikat ni Sunny at nagpayo, "Sunny. Magagawa natin to ha? Magtiwala ka lang samin at sa sarili mo! Para ito kay Maya!"

Binitawan niya si Sunny at bumalik na siya sa kanyang pwesto. Pinabalik ko na rin si Sunny sa kanyang pwesto. Humanda na kami para sa laban.

"Since no one has volunteered for this round, the match will begin! If anyone changes their mind, you could volunteer on Round 2 for The Lost Heartz!" Sabi ng announcer sa lahat.

May dumating na babae sa gitna namin. Dala niya ang dalawang watawat. Tinaas niya ang kulay pula. Inilabas ko na ang aking sandata. Ganun rin ang ginawa ni Hanz. Pinaapoy naman ni Sunny ang kanyang mga kamay. Kulay dilaw ang apoy na lumalabas mula sa kanyang mga kamay.

Tinaas na ng babae ang green flag. Tumingin ako kay Sunny. Nakatingin siya sakin at kay Hanz. Lumingon ako kay Hanz na nakabantay sa mga kalaban na nasa harap namin. Sa wakas, ay binaba na ng babae ang dalawang flag.

Sumigaw ang mga manonood. Hindi na kami naghintay pa. Agad kaming tumakbo papunta kay Hanz. Nasa likod ko lang so Sunny, habang hinahabol naman kami ng tatlo pang kalaban. Nakita ko ang isang bagay na lumilipad patungo sa aking ulo. Yumuko ako, at naramdaman ko ang pagdulas ng hangin nito sa ibabaw ng aking buhok. Dumikit sa force field sa aking kaliwa ang isang maliit na kutsilyo. Umilaw ang force field matapos ito tinamaan ng binatong dagger.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng dagger. Nagmula ito may Rhiyana, na parang tumatawa. Hinahabol nila kami. Narating na namin si Hanz at kami nang tatlo ang tumakbo papuntang gitna ng arena.

"Meredith!" Sambit ni Hanz.

I responded, "Ano?"

"May bullet blades diyan sa ilalim ng robe mo. Kumuha ka ng isa at ibigay mo sakin!"

Pinasok ko ang isang kamay sa dibdib na bahagi ng robes ko. May naramdaman akong matulis na bagay. Kinuha ko ito at nasa kamay ko na ang dagger na kagaya nung binato ni Rhiyana sakin. Inabot ko ito kay Hanz.

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon