Chapter 3 - Morning Battle

3.1K 71 0
                                    

August 4, 2024

My favorite heroes, and the students of my dream school, the Guardians, ay lumalaban sa world known ring Shadows. At nasa harap sila ng bahay ko naglalaban, sa loob ng rock-made arena, gamit ang kanilang mga sandata at magic.

Iniba ng Shadows yung formation. Imbes na papaligiran nila yung Guardians ay nagsama-sama sila. Si Dan ang nasa frontline. Si Todd naman ang nasa unahan ng kabilang panig. Hawak ng dalawang high ranking students ang kani-kanilang mahiwagang espada.

Unang gumawa ng move ang Guardians. Isa sa kanila ay nagbato ng ice, ngunit sa bilis ng Shadows ay tinalunan lang ito at naiwasan.

"Ganito ba kayo sa laban? Walang teamwork?" Tanong ni Dan.

Si Dan. Isang mataas na pinuno ng Shadows sabi ni Erwin. Parang may pagka-cute siya. That amazing posture while he stands. Bagay sa kanya ang black. His golden brown hair reaches down to his neck. Those chinito eyes.

"Hindi kami ganito! Gusto niyo ng laban? Eto na! All units! Attack!" Sigaw ni Todd.

Tumakbo sila patungo sa Shadows. Hinampas ni Todd ang kanyang espada kay Dan pero napigilan niya ito. Nagliparan ang yelo, bato, apoy, at tubig. Ang iba na sa kanila ay  bumunot na ng kanilang mga sariling patalim dahil sa kakapagod mag-cast ng spell.

"Naubusan na yata ng mana ang mga Guardians!" Sabi ni Erwin.

"Mana? Ano yun?" Tanong ko.

"Yun ay yung mental energy na kailangan upang makagawa ka ng spell. Mas malaki ang halaga ng mana sa matatalinong tao, gaya ni Todd!" He explained.

We looked down. Pawis na pawis na ang mga Guardians sa kakahampas ng sandata, pero wala man silang natamaan kahit isa sa mga Shadows. Umatras ang mga Guardians at mga malalim ang hinga.

"Ganyan na kayo? Pagod? Wala talaga sa inyo ang totoong magic no?" Hanz boasted.

"Yan kasi, kapag nagpapanggap na may kakayahan sila sa mga elemento, pero teknolohiya lang pala ang may gawa!" Dugtong ni Dan.

"Oh ano ngayon? Wala naman palang challenge to! Walo tayong mga Shadows at lima sila! Diba unfair naman yun?" Nagbiro si Hanz.

"I made it fair, because there are eight of them too..." Tahimik na salita ni Dan.

"Saan ang iba?"

"Nasa paligid lang natin yan. Umakyat ka, at bantayan no ang babae!"

"Sige!"

Tatalon na sana si Hanz papunta dito sa itaas, pero tinamaan siya ng kidlat mula sa katabing bahay. Natumba siya. He tried to recover.

"Umm...MJ!" Erwin poked me.

Tumingin ako sa kanya. Tinuro niya ang katabing bahay, at nakita ko na ang tatlo pang Guardians na tumatakbo patungo samin. Huminto sila. Nagpatuloy ang laban sa ibaba. Para nga kaming niyayanig ng lindol dahil sa tindi ng labanan.

"Sumama ka sa amin! At walang masasaktan!" Utos ng Guardian na dahan-dahang naglakad papunta samin.

"HINDI KO HAHAYAAN NA MAKUHA NIYO SI MEREDITH!" Sigaw ni Erwin sa tatlo.

Tumawa sila. May lumabas na sparks ng kuryente sa kamay ng nasa gitna. Bigla siyang lumapit at hinawaka  si Erwin. Kinuryente siya at natumba. Sinalo ko siya, "ERWIN! ERWIN! GUMISING KA! ERWIN! ANO BANG GINAWA NIYO SA KANYA!"

"Sumama ka nalang sa amin at tiyak na walang masasaktan!" Utos ulit nito.

Habang nakatingin ako kay Erwin na nawalan ng malay, umiba ang pakiramdam ko. Kahit nanginginig na yung bubungan na tinatapakan namin ngayon, nawala yung takot ko. Isa itong pakiramdam, na gusto kong palabasin, pero hindi ko magawa. Isang pakiramdam, na gusto kong ipakita sa aking ina na nagsusugal at gumagamit ng droga. Isang pakiramdam, na matagal ko nang kinalimutan. At ito, ay ang galit ko.

Rosethorn Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें