Chapter 37 - Morpher

598 24 0
                                    

September 7, 2024 (1130 Hours)
Meredith's POV

"Nasaan na ba siya?" Tanong ko sa aking sarili habang naghihintay kay Hanz sa isang bench.

Pinaalis lang niya ako, at pagbalik ko dito ay wala na siya. Mukhang importante yata ang pinag-uusapan ng dalawa. Ten minutes na matapos niya akong pinapunta sa ibang lugar ng ilang sandali. Akala ko kasi dito lang sila mag-uusap pero hindi pala.

Habang nakaupo ako dito ay tumingin ako sa harap at nakita ang isang bakal na pinto. May nameplate ito sa gitna. Vermilion. So dito pala nakakulong ang rebeldeng iyon? Akala ko ikukulong nila siya sa ibang Shadow prison pagkatapos ng ilang araw dito?

Talagang naiinip na ako sa kahihintay. Tumingin ako sa kisame at ang grey na kulay nito ang sumalubong saking mga mata. Ang boring naman ng lugar na ito.

Maya-maya pa, ay bigla nalang umiba ang eksena sa loob ng pasilidad. Umingay ang alarms. Umilaw ang mga pulang emergency lighting. Naririnig ko ang boses ng ibat-ibang empleyado ng Shadow Army na nagmamadaling rumesponde sa kanilang mga pwesto.

"To all personnel in the area! Please report to the bunker! There has been a breach in Sector 5 of the East Wing of this facility!"

Narinig ko ang boses na ito mula sa mga speakers. Tumingin ako sa paligid. May lumapit na babae sakin at nagtanong, "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na! Nandito daw sa sector na ito ang breach!"

Sinubukan niya akong hilahin, pero hindi ako sumama sa kanya, "Pasensya na, pero may hinihintay pa akong kasama! Hindi ko siya kayang iiwan nalang ng ganun!"

Nag-aalala ang babae. Masasabi ko ito dahil sa pagsalita niya, "Sigurado ka ba diyan? Baka maabutan ka pa ng mga bilanggo dito! Mag-ingat ka!"

Kumaripas na siya ng takbo kasama ang iba pang empleyado ng detainment facility. Hinanap ko si Hanz sa gitna ng gulo. Nabundol ako ng isang lalaki at muntik na akong matumba, pero nagpatuloy pa rin ako sa paghanap sa kanila. Lumiko ako pakanan at nakita ang hallway sa unahan na parang may mga sirang bahagi ng pader. Nilapitan ko ito at totoo nga ang hinala ko. May malaking butas na sa isang room. Tumingin ako sa loob at nakita ang mga sira-sirang upuan, lamesa at iba pang mga bagay. Habang nagmamasid ako sa loob ay naramdaman ko ang malakas na pagyanig ng lupa. Lumabas ako at bumalik sa hallways. May naririnig na akong sigawan at salpukan. Hinanap ko ang pinanggalingan ng mga ingay. Patuloy pa rin ang pagyanig ng building. Wala nang pumasok sa isip ko kundi si Hanz. Nasaan na kaya siya? Okay lang ba siya?

Tumakbo ako hanggang nakabalik ako sa bench kung saan sila unang nag-usap kanina. Wala nang tao sa loob. Parang nakaalis na yata lahat, at ako nalang ang naiiwan ditong mag-isa. Pero baka nandito pa yung dalawa. Kailangan ko silang mahanap bago pa man lumaki ang gulo. Papunta sana ako sa kabilang daan, nang bigla nalang sumabog ang pader na nasa harap ko. Nasira ito at lumantad ang isang lalaki na bumangga sa kabilang pader. Pagtingin ko sa kanya ay si Dan pala ito. Bago ko pa siya matulungan ay may dumating na namang isang lalaki. Mabilis siya tumakbo papunta kay Dan kaya't hindi ko agad namukhaan. Sinuntok niya si Dan at nasira na naman ang simento na nasa likod niya, kung saan siya tumalsik sa loob ng butas. Hinabol na naman ng lalaki si Dan sa loob.

Sinundan ko sila. Pumasok ako sa bagong nalikha na butas at dun ko na nakita ulit ang eksena. Nakatayo na si Dan, at sinusubukan niyang taluhin ang kalaban gamit ang espada.

"DAN!" Sumigaw ako sa kanya.

Lumingon siya, pati na rin yung isa. Akala ko si Dan lang ang nakikita ko, pero nagulat nalang akong malaman na si Hanz pala yung kinakalaban niya. Nakatitig silang dalawa sakin, na parang ako ang kanilang ina. Nanigas ang kanilang mga katawan matapos nila akong makita.

"Hanz...ano ba ang-", tatanungin ko sana siya nang mapansin ko na parang may mali sa kanya. Iba na ang kanyang mga mata. Imbes kulay brown lang ang makikita ko dito ay mga maliliit na tuldok ang pumalit sa mga ito. Parang may mga bitak sa paligid ng kanyang mga mata. His nerves and veins were swelling. Pero pagtingin ko sa kanyang braso ay hindi na ito kagaya nung dati. Braso na ito ng isang halimaw. Lumaki rin ang kanyang mga kamay, at iba na ang hugis ng mga 'to. Matutulis na rin ang kanyang mga kuko.

"Mery..." lumapit si Hanz sakin, pero umatras ako.

Tinanong ko siya habang sumisikip na yung pakiramdam sa aking dibdib, "Anong ibig sabihin nito Hanz?"

"Hindi mo ba yan alam Meredith? Hindi ba tinuturo sa Rosethorn kung ano ang tawag sa mga gaya ni Hanz?" Sumulpot si Dan.

Ramdam ko na ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko pinansin si Dan. Tinanong ko ulit si Hanz, "Hanz...kailan ka pa ba nagsisinungaling sakin?"

"Mery," dahan-dahang umiba ang hugis ng kanyang kamay. Lumiit ang mga ito at nagpatuloy siya, "Pasensya na kung matagal ko na tong tinatago mula sa'yo! I just needed more time-"

"Oras? KAILANGAN MO PA NG ORAS MAG-ISIP KUNG KAILAN MO ISASABI ANG TOTOO?" Sinigawan ko siya. Patuloy nang bumuhos yung luha ko.

"Mery, please-"

"TUMAHIMIK KA!" Sigaw ko ulit sa kanya, "Hindi mo ba naisip yung kaligtasan ko? Isa ka palang Morpher at hindi mo agad sinabi sakin?! HINALIKAN MO PA AKO! BAKA NAHAWA NA AKO NG SAKIT MONG IYAN!"

"HINALIKAN MO SI MEREDITH?" Lumapit si Dan kay Hanz, mahigpit ang kapit sa sandata, "Sumusobra ka na Hanz! DIBA ALAM MO KUNG ANO ANG MAGIGING EPEKTO NG VIRUS MO SA IBANG TAO?"

"Sana nga ay BIGYAN NIYO NAMAN AKO NG PAGKAKATAONG MAGPALIWANAG!" Nakita ko ang luha na tumutulo na mula sa kanyang mata, "Hindi nakakahawa ang virus ko! Ang Bio-2 Virus ang nakakahawa!"

"Hindi yan totoo Hanz!" Kontra ni Dan.

Dumepensa si Hanz sa sarili, "Totoong hindi kumakalat ang virus ko. Matagal ko nang hinalikan si Mery, eh sana naging Z-type Biomorph na siya ngayon!"

"So totoo palang hinalikan mo siya," yumuko si Dan, "You just crossed the line...Hanz...akala ko ikaw na ang bagong kapatid ko, pero mali pala ako. Pasensya na, but I have to punish your insubordination!"

Sa isang iglap ay nawala si Dan sa dating posisyon at nasa ere na siya sa ibabaw ni Hanz. Nakataas na ang kanyang espada at ihahampas sana kay Hanz, pero umiba ulit ang anyo ni Hanz at sinuntok si Dan. Tumalsik ang heneral sa pader, at naiwan kami ni Hanz na nakatayo.

Humarap siya sakin, "Mery," bumalik na naman sa normal ang kanyang kamay, "Please...hear me out!"

Narinig namin si Dan na tumatayo na ulit. Inulit ni Hanz ang pagtawag niya sakin, "Mery, pakinggan mo naman ako! Kahit ngayon lang-"

"Sorry Hanz, but I think I'm starting to regret why I fell in love with you in the first place!" Tumalikod ako at tumakbo palayo. Nababasa na yung pisngi ko dahil sa luha.

Ang sakit kasi. Dahil sa pagsisinungaling niya, ay muntik na niya akong mapatay. Ang Bio-1 Virus ay sinasabing pinakamalakas na pathogen na nabuo ng Insurgence. Maswerte nga ako dahil buhay pa ako ngayon. Hindi ko na alam kung bakit ako nagagalit sa kanya. Dahil ba ito sa kanyang pagsisinungaling? Pag-aalala? O kagustuhan kong makaiwas sa kamatayan? Boyfriend ko siya, pero wala ako sa sarili ngayon. Biglaan nalang kasi ang lahat ng mga pangyayari.

Palabas na sana ako ng lugar, nang bigla nalang sumabog ang kisame sa unahan. Nahulog ang mga malalaking bitak ng simento at may dumapo na katawan sa harap ko. Tumayo ito at nakita ang puting uniporme. Napahinto ako. Sa tabi ng nakaputi ay isang pamilyar na mukha. Si Rave ang sumalubong sakin.

May tinutok siya na baril saking mukha sabay sabi, "Sorry, but you're coming with us!"

"Remember me Meredith?" Tanong naman nung nakaputi na robe, "Todd from Manila. The Grand Master Guardian. We finally meet again!"

Narinig ko ang sigaw nina Hanz at Dan mula sa likod, pero huli na silang dalawa. Todd injected me with a syringe on my neck, at nahilo ako. Hindi na ako makagalaw. Natumba ako pero sinalo ako ni Rave. Nawawala na yung paningin ko, pero ramdam ko sa aking likuran ang malaking braso ng punong rebelde. I felt that we were ascending as I heard the sound of zipping ropes. Pagkatapos nun, ay umitim na ang lahat.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now