Chapter 16 - Reactivation

1K 39 0
                                    

Hanz's POV

Nakatayo lang ako. Naramdaman ko ang pagtama ng bala sa aking tiyan. For a split second, it felt like I was being pinned by a million needles. Natumba ako. Nakahiga ako sa sahig, nang masulyapan ko ang nagaalalang mukha ni Meredith. Lumuhod siya at hinawakan ang likod ng aking leeg. Tinakpan niya ang sugat gamit ang kanyang isang kamay. Tumutulo ang kanyang luha.

"Hanz! HANZ! SAGUTIN MO AKO Hanz...." umiiyak siya habang sinisigaw ang kanyang mga sinabi.

Natuluan ako ng luha niya. Tumulo ito sa aking pisngi. Malamig ang luha niya. Alam kong natatakot na siya. Ang sugat ko. Kailangan ko tong takpan. Kailangan itong matabunan ng kahit anong bagay.

"Me...Meredith! Sirain mo ang dulo ng robes ko, saka itali mo ang nakuha mong tela around my abdomen. Dapat ang sugat ang matakpan! Ple....pleaase!" Inutusan ko siya, despite the pain that I am in right now.

Dahil meron akong dugo ng Shadow, mabilis lang magheal ang kahit anong sugat, depende sa sugat o injury na nakuha mo. Alam kong hindi gagaling ang sugat sa aking tiyan dahil nandiyan pa rin ang bala. Kailangan ko itong matanggal, o hindi ito gagaling. Kailangan ko ring matakpan ang tama ng bala, dahil kapag maubusan ako ng dugo, pati na rin ang mga kapangyarihan ko malulusaw rin. Nasa dugo lang ang lahat na kailangan ng isang Shadow. Ang mahika, mabilis na regeneration, at iba pang espesyal na abilidad.

Ginamit ni Meredith ang daggers para makakuha ng tela mula sa aking robes. Tinakpan niya ang sugat. Pero tinutukan na siya ng baril. Ang rebelde, nasa harap pa rin namin. Naririnig namin ang kanyang pagtawa.

"Kawawa naman kayo! Buti pa tapusin na natin 'to!" nagpatuloy ito sa pagtawa.

Nawala ang mga luha ni Meredith. Yung lungkot sa mukha niya, ay nawala rin. Tumayo siya at humarap sa lalaking may dalang baril. Tumawa lang ito.

Wala akong masasabi. Gusto ko sanang pigilan si Meredith, dahil baka siya na naman ang mabaril. Pinilit ko ang sarili ko na magsalita, pero parang yumanig na naman ang paligid namin. Hindi ito pagsabog ng bomba, pero isa itong force na nagmumula kay Meredith. Muntik na ngang matumba ang rebelde. Yumanig na naman ang paligid. Nahuhulog na yung mga maliliit na semento mula sa kisame. It was like an invisible shockwave of air, exploding from Meredith's body. Napaupo na ang rebelde sa sahig, na sumsubok pa ring tumayo ulit.

Lumapit si Meredith sa kanya, at nabigla nalang ako matapos kong makita na umiilaw na pala ang dalawang mata ng babae. Her eyes were glowing blue, with steam of the same color coming out of it. Ang mga ugat na nasa braso niya ay lumaki at umilaw rin ng asul. May mga lumabas na apoy sa kanyang dalawang kamay, pero hindi nasusunog ang mga ito.

"Shi-" napasigaw ang rebelde.

Agad niyang pinaputukan si Meredith, pero huminto ang mga bala sa harap ng babae. Lumlutang lang ito sa kanyang harap, blue ripples coming out from the center of the bullets in mid air. May nagawang spell si Meredith. Sa tingin ko, ang pangalawa niyang spell. Ang Force Field spell.

Naubusan na ng bala ang rebelde. Dahan-dahan siyang umatras, habang papalapit naman sa kanya si Meredith.

Binilisan ni Meredith ang paglakad, hanggang sa nagsimula na siyang tumakbo. Nakatayo na ang rebelde, but it was too late. Tumalsik ang dugo sa pader na bago pang hinarap ng rebelde. Meredith's dagger just went through his body. Pero hindi pa ito tapos. Nasa likuran na ng rebelde si Meredith. She had her arms lowered beside her hips, then she punched the rebel with an uppercut. Tumama ang umaapoy na kamao niya sa backbone ng kalaban. Parang may matinding pagsabog akong narinig pagsuntok ni Meredith sa rebelde. A transparent shockwave appeared around her fist and rippled into large rings as she punched the Insurgence soldier. Lumipad ang katawan niya pataas, saka naman ito dumikit sa kisame ng hallway. Nagcrack ang paligid ng ceiling ng tumamang rebelde.

Pagkatapos nun, huminto si Meredith at paulit-ulit na huminga. Nahulog ang patay na katawan sa sahig. Wasak ang bandang harap ng katawan. Halos hindi mo na makilala ang gas mask na nakatakip sa mukha ng rebelde. Ang suot naman na damit nito ay parang dumikit na sa kanyang balat. Para naman itong nabahaan ng dugo, at ito na ang nagsisilbing balat sa front body portion ng patay na rebelde.

Nakatayo na ako at lumapit ako kay Meredith. Kumalma na siya. Bumalik na sa dati ang mga ugat sa kanyang kamay. Hindi na umiilaw at umuusok ng kulay asul ang kanyang mga mata. She was back and stable again. Humihinga pa rin siya ng malalim.

"Meredith! Arghh....okay ka lang ba?" Sabi ko habang tinitiis ang sakit.

She was still gasping for air, "Sa tingin ko, ang tamang tanong, ay kung ikaw okay pa ba?"

Tumawa ako ng mahina. "Ikaw talaga....tara, ahh arghh...umalis na tayo bago may dadating pa na kalaban!"

She nodded. Tinulungan niya ako sa paglakad. Bumaba na kami sa lobby. Magulo pa rin ang paligid. Naghintay kami ng ilang minuto, at dumating na ang iba.

Meredith's POV

Dumating na ang lahat sa lobby. Lahat, kasama na ang dalawang assistant Superiors. Nahihilo pa rin ako dahil sa nangyari sakin. I can't believe I did that again.

"Pano ngayon?! Trapped na tayo dito! Saka yung ibang Insurgence rebels naman ay nasa labas! Naghihintay para paulanan tayo ng bala!" Reklamo ni Sylvia.

"Ano?" A different boy reacted, "All this time, we've been killing some rebels inside! But they were actually setting up a trap to kill us paglabas natin!?"

"Yan ang nasabing report ng Violex unit! Nasa rooftop sila nagmamasid. Nakita nila ang mga entrances na binabantayan na ng mga rebelde. It feels like they've been waiting for us!" paliwanag ni Levi.

Ang entrance na nasa harap namin ngyon ay natabunan ng malalaking debris.

"We'll go out with force fields on! Sino ang may malaking mana capacity dito?" Tanong ng babaeng Superior.

Tumaas ng kamay ang tatlong babae at dalawang lalaki na hindi pa namin kilala. Sylvia nodded, at humarap siya sa probpema, "I have a plan, pero hindi natin ito magagawa kung nasa daan pa natin ang malalaking bato na nasa entrance!"

"Hindi na yan problema!" Sumali si Hanz, "Meredith has the solution!"

Tumingin silang lahat sakin. Lalo pa akong nahiya. Eager makinig si Sylvia. Tinanong niya ako, "So what's your special ability then that could help us?"

Hindi na ako nagpaliwanag. Naglakad ako papunta sa blocked entrance ng hotel. Alam ko na kung paano gamitin ang mga powers ko. Alam ko na rin na automatic na ang pagtayo ng tinutukoy nilang force field spell.

Pumikit ako ng ilang sandali. Naramdaman ko ang pagdaloy ng malalakas na dugo papunta sa aking mga kamay. Binuksan ko ulit ang mga mata ko. Umiba ang aking paningin, pero hindi ko ito pinansin. Umapoy ng kulay asul ang aking mga kamay, at sumigaw ako ng malakas habang sinuntok ko ang malalaking piraso ng semento. Nasira ang mga ito at tumalsik palabas. Ang iba naman ay naging maliliit na bato at naging abo.

Kumalma ulit ang buong katawan ko, at hinarap ko silang lahat. Nakatulala lang sila matapos nilang makita ang ginawa ko. Nakabukas ang bibig ni Sylvia, pero bumalik siya sa pagiging seryos at sumigaw, "Shields Up SHADOWS! We're gonna go out and kill all the rebels!"

Tumakbo ang limang napiling Shadows sa aking harap. Huminto sila at tinaas ang kanilang mga kamay. May umilaw sa kanilang harap na iba iba ang kulay. Parang ito na yun ang Force Field Spell.

"Shields Advance!" Sigaw ulit ni Sylvia.

Naglakad silang lima palabas. Sumunod kami sa kanila. We stayed behind the magical barriers. Nagsalita si Levi, "Humanda kayo sa susunod na laban!"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now