Chapter 57 - Moving On

486 16 0
                                    

November 16, 2024 (2200 Hours)
Meredith's POV

Ang ganda ng gabing ito ngayon. Nasa rooftop ako ng isang gusali dito sa Tolevo. Maganda sa pakiramdam, pero nagpapalungkot pa rin sakin ang alaala ng pagkawala ni Erwin. I still can't move on. How he died in my hands. How we had our accidental kiss. How we danced. How we survived together.

May tumulo na luha mula sa aking mata. I wiped it away and continued reading the Fantasy Era Confidential Documents na binigay ni Hanz sakin mula sa mansyon. Nasa isang pahina ako kung saan nakasulat ang kwento ng isa sa Fallen Fantasy na si Zed Edmonds ng Resurgence. Sinabi dito kung paano siya umibig sa isang normal na babae at pano siya niligtas ng babaeng iyon. Namatay ang kanyang girlfriend dahil sinalo nito ang bala para mailigtas siya.

Binasa ko naman ang isang pahina tungkol kay Lina at ang kanyang grupo na Ironhearts. Sinabi dito kung pano siya napasali sa isang Guardian experiment kung saan sila napilitang pumatay at naging Guardian ng kanyang boyfriend. Naging Hunter si Lina, after she got betrayed by Ivy who was the Grand Master Guardian at that time.  Inagaw din ni Ivy ang kanyang boyfriend, pero tinalo rin siya ni Lina at bigla nalang siyang nawala.

Pumunta naman ako sa pahina ni Mark Yaeger. Sinabi dito ang mga kinwento ni Aimee sakin. Nakalagay din dito kung pano pinatayo ni Mark ang Xyndicate at pano niya tinalo si Todd.

Ang panghuli naman ay tungkol sa kakambal ni Mark na si Kai. Kalaban pa nina Mark si Kai noon. Siya nga ang lider ng IRO, pero nung napaibig siya sa isang babae na kanilang binihag, ay nagbago ang kanyang isip. Tinaksil niya mismo ang sinalihang rebelyon, at kumampi siya ulit sa kanyang kapatid.

Lahat ng miyembro ng Fallen Fantasy ay may love life pala. It just makes me smile reading details about them. Mas nakilala ko pa sila.

"Bakit ka ba nakangiti ng ganyan?" Hanz hugged me from behind.

I chuckled after feeling his arms, "Ang ganda kasi ng history ng Fallen Fantasy eh!"

"Talaga?" Kinuha niya ang folder at pinasok niya ito ulit sa kanyang bag, "Baka sa susunod, tayo na naman ang dadagdag sa kanilang love stories!"

"Haha, posible ba yan?" Tanong ko sa kanya habang natatawa, "Parang hindi yata mangyayari iyan!"

Hinalikan niya ang aking pisngi, "Everything's possible Mery. Mark Yeager's quote is never forgotten by most dreamers. 'In the Fantasy Era, everybody's fantasies are no more but reachable truths!', hindi ko iyan makakalimutan kahit kailan!"

"Ikaw Hanz, ano ba ang fantasy na nasa isip mo ngayon?" Tinanong ko siya.

Nag-isip siya ng ilang sandali saka sumagot, "My fantasy is to marry you and start our own family!"

Tumawa ako, "Well, tingnan natin kung magkakatotoo ba iyang fantasy mo!"

Hanz was still hugging me when we enjoyed the night view together. Habang nakatitig kami sa makulay na gabi ay biglang pumasok ulit sa isip ko ang binalita nila sakin tungkol kay Dan.

"Hanz?" Pabiglaan ko siyang tinanong, "Kamusta na pala si Dan?"

Nahirapan siyang sagutin ang aking tanong, "Ahhh...mabuti naman siya. Nakakulong pa rin siya sa Black Mountain at hindi pa rin siya pinapayagang umalis hanggang magiging maayos na ang kalagayan niya."

"Ahh...ganun ba?" Tumingin ako sa kanya at nagtanong na naman, "Galit ka ba sa kanya mahal?"

Naiwang nakabukas ang bibig niya matapos niya tong marinig. Nakasagot naman siya, "Konti lang naman. Eh kasi, he's taking things too far. Basta, intindihin mo na lang ako. Things just got complicated!"

"Okay mahal. Hindi na kita pipiliting iamin ang mga sikreto ninyo," I pinched his cheek, "Just take me to a pizza parlor tomorrow, k?"

"Sige. Bukas ha? Gigising tayo ng maaga!" Nagbiro siya.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now