Chapter 22 - Sorrow Night

999 27 0
                                    

August 9, 2024 (8:00pm - 2000 Hours)
Meredith's POV

Pinasok ko na sa dalawang sheathes ang mga daggers ko. Magsisimula na ang laban namin, pero pinahahanda lang muna kami bago ito magsimula. Lumapit sakin si Hanz.

Kinakabahan ako. Tiningnan ko siya, na handa na handa ang porma. Kahit sa mukha niya, masasabi mo na parang wala lang ito sa kanya. Napansin niya kung paano ako nakatingin sa kanya. Pinayuan niya ako, "Basta, tandaan mo Meredith. Duel matches pa ang papasukin natin. Magsisimula ang laban na ito sa hand to hand combat. Kung sino sa inyo ang unang bubunot ng sandata, iiba na rin ang rules. Kailangan kayong dalawa na ang gagamit ng sandata. Kung sino naman sa inyo ang unang gagamit ng mahika, makakasali na rin ang mahika sa patakaran. Fight wisely. Magkakaiba tayo ng field. Mga force field lang ang maghihiwalay sa atin. Magtiwala ka sa sarili mo Meredith!"

Narinig ko ang lahat ng sinabi niya. Pinasok ko ang lahat ng ito sa aking isipan. "Salamat Hanz..."

Handa na rin sina Sunny at Maya. Handa na kaming lahat, kaya lumabas na kami sa Arena. Hindi na ito gaya ng arena noon. Tinakpan na ng bakal na bubungan ang buong arena. Tanging malalaking ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Maraming estudyante ang nakatayo sa gilid ng arena. Yung iba naman, ay nanonood mula sa mga bintana ng school buildings.

Nilapitan kami ng isang Shadow. Inutusan nya kami na pumunta sa mga area namin. Si Maya ay nasa first field. Si Hans ay nasa pangalawa. Si Sunny ay nasa pangatlo, na ilang metro lang ang layo sa tabi ko. Nasa ikaapat ako. Habang minamasid ko ang paligid ay may bumato ng bola ng apoy sa gitna ng arena. Umilaw ang mga bakanteng paligid namin. Lumabas ang mga force fields ng ilang segundo at nawala ulit. It's like we were made to fight in four rectangular fields.

"Force Field Check!"

Matapos itong sinigaw ng isang school staff, ay lumabas na ang team nina Rhiyana. Gaya namin, handa na handa rin sila. They were in there Shadow uniforms, with Crimson linings. Si Rhiyana ay pumunta sa pangalawang field. Kakalabanin niya si Hanz. Si Evan naman ay napunta kay Maya. Habang yung dalawang kalaban namin ni Sunny ay hindi namin kilala. Lalaki yung kaharap ni Sunny.

Isang babae ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko masasabing isa siyang Assassin, dahil wala naman siyang dala na kahit isang sandata. Wala naman rin siyang baril na magpapatunay na kabilang siya sa Infantry.

"This NIGHT! LET US CLAP OUR HANDS TOGETHER FOR A VERY SURPRISING BATTLE!" Sigaw ng announcer sa mic niya habang napoproject naman ang boses niya sa mga speakers na nasa paligid, "ON THE SOUTH LINE, STANDS THE BRAND NEW, AND LITERALLY NEW VICTORS, THE LOST HEARTZ....!"

Naghiyawaan ang mga estudyanteng nanonood samin. They clapped and cheered. Nasa gitna kami ng isang arena, kinakabahan. This is my first duel. Kapag matatalo kami rito, talagang bababa yung grades at rank namin. Ganyan rin ang mangyayari sa kalaban kung sakaling sila ang matatalo.

"ON THE NORTH LINE! THE FEARED AND MERCILESS, THE BRAVE AND DEADLY, NIGHTWALKERS!"

Naghiyawaan ulit ang mga nanonood. Sa gitna ng arena, may babae na dumating. May hawak siyang dalawang flag. Tinaas niya ang red ag. Humanda na kami. Ang green flag na ang sumunod. Huminga ako ng malalim, at pagbaba ng dalawang flag, narinig ko ang malakas na clang sa kabilang field. Yung kalaban ko ay tumakbo lang papunta sakin. Hinigpitan ko ng hawak ang aking mga sandata. Nakatayo lang ako sa aking pwesto. Hindi ko alam kung ano dapat ang gawin ko. Maya maya pa ay nakita ko na lang ang kalaban ko na nakalutang sa hangin papunta sakin. Umaapoy ng kulay pula ang mga kamao niya.

Umiwas ako. Gumulong ang buong katawan ko palayo sa kanya. Naiwasan ko nga ang pag-atake niya, pero may kasunod pa ito. May hinagis siya na bola ng apoy papunta sakin. Yumuko ako at naiwasan ko ito. Naramdaman ko ang pagdaloy ng init mula sa bolang apoy sa ibabaw ng aking ulo.

Rosethorn AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora