Chapter 64 - Hidden Horrors

439 14 0
                                    

Meredith's POV

"Kailan ba tayo lalabas dito?" Tinanong ko ulit ang nag-iisa kong kasama sa loob ng kuwarto.

He was walking back and forth. Pinansin niya ang tanong ko, "Hindi pa sila tumatawag kaya kailangan pa nating maghintay!"

"Hindi ba wierd?" Tumingin ako sa kisame na may puting pintura, "Should everything be shaky and noisy if your under a bunker while there's a battle on top of it?"

Huminto si Hanz. Tumingin din siya sa itaas at nakuha niya ang point ko. I looked at him with insecurity. Nagsalita siya ulit, "Our orders are to stay put and not leave this place until they'll call us!"

"So hindi pa ba tayo aakyat sa itaas?" Tumayo ako at pumunta sa pinto.

"Wait...Mery, teka lang...saan ka ba pupunta?" Humabol siya sakin at sabay kaming lumabas ng VIP Lounge.

Tumingin ako sa isang T-intersection sa unahan. I went for it and turned right.

"Wait...Mery, alam mo ba kung saan tayo papunta? Isa itong Insurgence Research Facility. We won't know what we'll run into. Baka may Biomorphs pang nabubuhay dito!"

"Then we'll kill them if we see one!" Hindi ako huminto hanggang sa dumating kami sa isang corridor na may maraming pinto. Everything was in a steel-grey color. Mag mga bintana naman sa tabi ng mga metal sliding doors. Sumilip kami sa mga bintana at nakita namin ang loob ng mga rooms. Mga labs pala ito, na mas puti at maliwanag kesa sa corridors. Beakers, graduated cylinders, at iba pang lab apparatuses na may mga lamang fluids ang nasa loob ng mga laboratoryo. May mga kulay ang mga fluids at may biohazard sign sa mga containers.

Umuna si Hanz at halatang nagkaroon siya ng interest. Tiningnan pa niya ang mga laboratories sa unahan at iniwan niya akong mabagal na naglalakad.

Sumilip ako sa pang-anim na bintana at nakita ko ang isang cage na may laman. Para itong ibon, pero walang balahibo. It was still alive and moving, at nang makita ako nito, it started to act crazy. It flew around the cage, trying to find a way out so it could get to me. Hindi ko naririnig ang ingay mula sa loob dahil soundproof pala ang mga labs.

"MERY! PUMUNTA KA DITO! BILIS!" Sumigaw si Hanz sakin mula sa malayong distansya.

Nakatingin siya sa bintana ng isang bakal na pinto na papunta na naman sa ibang corridor. Nung dumating ako sa tabi niya ay pinatingin niya ako sa bintana.

Sa kabilang bahagi ng pinto ay nakikita ko ang mga malalaking kulungan. May laman ang mga ito. Binuksan ko ang pinto pero pinigilan ako ni Hanz. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsabing huwag akong tutuloy, pero nagmatigas ako.

Pumasok kami sa ibang mundo. Para itong underground warehouse. The celings reach up to twenty feet from the floor. The width of the area is five kilometers while the length reaches up to eight. Nakatayo kami sa bakal na catwalk ngayon at nakikita namin ang mga kulungan sa ibaba.

Narinig namin ang mga ingay. Hindi ito ingay ng hayop o tao, pero sigaw ito ng mga halimaw na nasa loob ng mga kulungan. May mga zombies naglalakad kahit saan sa loob ng isang malaking cage. Habang naglalakad kami ni Hanz sa catwalk ay tumingin ang mga ito sa amin. They all raised their hands at us, wanting to get to us so they could feast on our flesh, but the metal bars of their cages are stopping them.

Nakita naman namin ang mga higanteng tao na una kong naengkwentro sa first battle ko sa Rosethorn. Hindi na pala ito mga tao, pero mga higanteng zombies na. If I could remember that anime from 2015, they all looked like the monsters from Attack on Titan. Nakakulong din ang mga ito, pero nang makita nila kami ay sinimulan na nila ang pagsuntok sa kanilang kulungan para sirain ito.

Narating na namin ang kabilang bahagi ng lab. Nasa ibang corridor na naman kami at sa unahan ay makikita namin ang isang malaking conference room. May malaking mesa sa gitna na pinapaligiran ng mga office chairs. Tahimik lang ang paligid at tanging ventilation system lang ang naririnig namin.

"Matagal na palang tinatago ng Rosethorn ang mga halimaw na ito sa ilalim ng Tolevo, pero hindi pa rin nila tinatanggal ang mga ito!" Biglang nagreklamo si Hanz habang nagpahinga sa isang upuan, "What if one of these creatures get out and cause another outbreak?"

"Baka hindi na lang nila ginagalaw ang mga halimaw dito para wala nang masamang mangyayari!"I reasoned, "And it's a miracle that these creatures are still alive!"

"Biomorphs don't need food and water to survive. The virus will replace any damaged tissue caused by their starvation or thirst. But problem is, as they live for a longer period, they will gradually mutate over time!"

"Mutate?"

"Yan nga ang problema. Kapag pababayaan nalang nila ang mga halimaw dito, may chance pa rin na magkakaroon ulit ng outbreak!" Paliwanag niya.

Natapos na ang aming usapan nang matahimik na siya. I searched the place for anything important. Sa malayong dulo ng lamesa, may nakita akong isang folder. Nilapitan ko ito at nalaman na isa lang pala itong business report, pero napansin ko ang isang maliit na sticky note na nakasabit sa folder.

Binasa ko ito:

If anyone is reading this, there are three capsules locked inside a safe behind the large painting at the end of the room. I need you to take the capsules and secure them at all costs. Keep them away from anyone. Once you'll hold these containers, your already part of us, the REAL Insurgence! Please hide the capsules with all your life,  and if you'll find someone named Mark Yeager, please give the capsules to him. Hand them to him, and the responsibility will be his to attend.

-Marcus Yaeger
022503

Tapos ko nang binasa ang note at tumingin ako kay Hanz. Bigla nalang siyang tumayo at nagpaalam, "Mery, titingnan ko lang muna ang mga cages kung may mutated Biomorph na bang nakakulong. Don't worry, I'll be back in a few. Maghintay ka lang dito!"

Umalis na si Hanz ng room, at dun ko na nakuha ang pagkakataon. Umikot ako at tumingin sa isang painting na nakasabit sa pader. Nakita ko ang malaking portrait ng isang matandang lalaki na may bigote na nakaupo sa isang throne.

"Behind the large painting," bumulong ako habang hinawakan ang dulo ng frame, "Ano ba ang kinalaman ni Mark Yaeger dito? At sino ba tong si Marcus Yaeger?"

Bigla nalang bumukas na parang pinto ang portrait, at dun ko nakita ang isang safe. Lumapit ako sa knob at tumingin sa mga numero na nasa paligid ng bilog. Naalala ko ang mga nakasulat na numero sa huling bahagi ng note. I turned the knob's arrow to the numbers, 022503.

Nagbeep ang safe at bumukas ito. Lumabas mula sa loob ang malamig na usok. Nakita ko ang tatlong capsules na nakahiga sa loob. Kinuha ko ang mga ito at tiningnan ng maayos. Ang unang capsule ay may label, Bio-1, yung pangalawa, Bio-2. Yung pangatlo naman ay walang label, pero may nakaukit na logo sa bakal na casing nito. Simbolo ito ng Reignegades, ang pinakamakapangyarihang uri ng Gades sa buong universe.

Binulsa ko agad ang mga nakuha kong capsules. Kasinlaki lang nito ang isang cellphone, kaya kumasya naman.

Matapos ko na tong maitago ay bumalik na sa loob si Hanz, pinapawisan, at sumigaw, "Mery! Kailangan na nating umalis! NGAYON NA!"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now