Chapter 43 - Cancelled

579 20 0
                                    

September 15, 2024 (0700 Hours)
Hanz's POV

Nakaupo ako sa isang sofa sa lounge ng Black Mountain. Hinihintay ko si Dan. Hinahanap niya si Miss Aimee, pero hindi ba siya bumabalik.

Ang lounge ay isang luxury room. May isang malaking flat screen TV. May Playstation 10 Gaming Console naman sa ibaba nito. May malaking ref namang ten feet ang haba, at may width na five. Punong-puno ito ng mga masasarap na pagkain at inumin. Hindi ko namang naisip na kumuha ng makakain mula dito. Wala akong ganang kumain dahil sa pag-aalala.

Nag-ring yung phone ko. Number ito ni Miss Aimee. Sinagot ko ito at narinig ang boses niya, "Hanz, I need you in the command center NOW. ASAP!"

"Wait, si Dan, hinahanap ka niya po-"

"Hindi na yan mahalaga. Pumunta ka dito agad!" Utos niya.

Wala na akong nagawa kundi sundin siya at iiwan si Dan. Pumunta na ako sa command center at nakita ang babaeng commander na nakatayo sa harap ng malaking screen na mas malaki pa sa isang bus.

"Major Hanz reporting, Miss Aimee!" Sabi ko sa kanya habang nakatalikod.

Umikot siya at humarap sakin. Inutos niya ang ilang operators sa likod, "Show us the live video feed!"

Lumabas sa screen ang isang malawak na lupain. Patag ang gitna, at may usok na lumalabas mula sa gitna ng kapatagan.

"Ano po ba itong pinapakita niyo sakin Miss Aimee?" Tinanong ko siya habang nakatitig sa malaking monitor.

"Iyan ang base ni Rave sa gitna. Umuusok ito dahil sa isang pagsabog na naganap," paliwanag niya sakin, pero alam kong may marami pa siyang gustong sabihin.

Nagtanong ako ulit nang balutin na ako ng takot, "Ano bang nangyari? Bakit ba sumabog ang base niya?"

"I think you should cancel the deal Hanz..."

"Bakit? Kailangan ko tong gawin para kay Mery!"

"Pero wala na siya sa base na iyon. Mapapahamak ka lang kapag itutuloy mo ang pagsuko!"

Parang lumambot yung mga tuhod ko matapos ko tong marinig, "Ano po ba ang ibig niyong sabihin? Pano po ba siya mawawala? Di ba sigurado naman po kayo na nandyan si Mere-"

"May kumuha sa kanya mula sa kanyang prisinto," natahimik ako matapos niya itong sabihin.

Hindi ako naniwala. Iginiit ko na hindi ito totoo, "Imposible yan! Bakit naman sigurado kayo sa balitang iyan?"

"By the time you made the first call, we already had a sentry drone hovering above the base to monitor their movement, and just earlier, we received this," tinuro niya ang nasa screen at nagpatuloy, "We saw a group taking Meredith out from the explosion. Hindi rin namin alam kung sino ang gumawa nun at bakit!"

"Show me the video then, kung kailan sila lumabas na dala si Mery!" Nagmatigas ako.

She looked down, "You are already seeing it. Tanggapin mo na lang ang balitang iyan Hanz. Hindi pa tayo makakagawa ng playback kapag hindi pa babalik ang drone natin. Pero kahit makikita mo ang video na iyon, the same thing will still come out!"

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang pag-iyak. Hindi ko matatanggal ang balitang ito. Hindi ito totoo.

"Pasensya na Hanz, pero nagsasagawa na kami ng searching operation para kay Meredith. We already alerted the Manila Branch about it including the Shadow Army. Don't worry Hanz, mahahanap rin natin siya!"

*
*
*
*
*

September 17, 2024 (1100 Hours)
Meredith's POV

Napaupo ako agad matapos kong mabuksan ang aking mga mata. Nasa loob ako ng isang puting kwarto. Umalis ako sa kama at dumeretso sa pinto, lumabas at nahanap ang sarili sa gitna ng isang mahabang hallway na may marami pang pinto. Walang tao ang paligid maliban lang sakin. I'm wearing new, clean, and formal clothes. Branded pa nga ang mga 'to.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now