Chapter 14 - Debriefing

1.3K 37 0
                                    

August 7, 2024 (8:57AM - 0900 Hours)
Meredith's POV

Suot ko na ang bagong bigay na uniform mula sa school. Nasa sheathes na ang dalawang long daggers ko na bago rin mula sa school. May isa rin akong pistola na kasama na sa daggers. Dahil ito sa napili kong class. Umiba ang suot at weapons ko.

"Kailangan na nating pumunta sa mission briefing. The Superior does not take considerations!" Utos ni Maya.

Nasa tabi ko na sina Sunny at Hanz. Handa na rin sila. Kinakabahan na si Sunny, pero excited siya sa misyon, kahit mahirap at delekado man ito. Si Hanz ay parang wala lang.

Umalis na kami sa armory. Nagtungo na kami sa Superiors' Office pero napahinto kami matapos kaming harangin ng grupo ni Rhiyana.

"Well well well, if it isn't the Lost Heartz! Going on the deadliest mission ever! I hope you'll come back!...... Ooooops! I forgot that you won't even make it! Dahil magiging kagaya ito ng last mission, palpak!" Nagyabang ito sa amin.

I stared at her with daggers, pero sumulpot si Maya, "Come on guys! At least they trust us, on this 'DEADLY MISSION', unlike those who sit comfortably after the EASY ones for COWARDS like HER!"

Umalis na kami. Walang naibalik si Rhiyana sa amin. Tumawa kami pagkatapos nun. BURNNN.

Pagdating namin ay kompleto na kami, pero may dalawang bagong kasama si Superior Rave. They were wearing special robes like him.

"May I beg your pardon?" Mahinanang tinig ng superior, "My fellow Superiors have arrived from a special mission in Tondo"

To his left, isang babae na naglalaro sa kanyang buhok ang tumingin samin, "Good Morning to all of you, I am Sylvia Yeoh, Knight, the second Superior of this school!"

"And I am Levi Tan, third superior, swordsman. We will be with you in this mission!" Dugtong ng ibang katabi ni Rave.

"THANK GOD!" Napahinga ang isang lalaki sa katabing unit, "At least may kasama naman kaming superiors!"

We were all feeling relieved. Pero nawalan kami ng confort matapos namin marinig si Rave, "Alam niyo naman diba na ang mga units na kinabibilangan niyo ay ang magiging kasama niyo lang?"

"Oo alam namin yan!" Sumali ang isang babae, "pero at least meron namang sasama samin na magaling, just in case tuwing may mangyayaring masama!"

"Heh" the main Superior chuckled. He smiled, then he began the briefing.

Tumabi sila at may umilaw sa pader. Isa itong projection ng hotel na papasukin namin.

"Ang Caplan's Royal Hotel and Casino ay isa sa mga pinakamalaking hotel ng buong bansa. There's a lot of people, so it will be easy for you to blend in!"

"Wait...Wag mong sabihin na kailangan naman naming magpalit ng damit?" Reklamo ng isa pang babae.

Walang sinabi ang Superior. Nakatingin lang siya samin. Pati na rin ang dalawa niyang kapwa-superior, wala nga lang ginawa kundi magmasid samin.

"Pinapunta ko lang kayo dito to tell you about the mission. Stealth Tactics are advised. Wag kayong magpakita na Shadows kayo. If you want to make a kill, make sure no one witnesses it. Hindi dapat malaman ng rebelyon na may gaganapin tayong raid. That's all. It's up to all of you what the attack strategy will be. Basta, hindi dapat maalarma ang Insurgence sa presensya niyo. Your goal is to kill them alp, silently"

Walang nagsalita ng ilang minuto. Tinaas ng isang estudyante ang kamay niyan at nagtanong, "Umm...Superior Rave. Pano ba namin matutukoy ang isang rebelde sa gitna ng hotel?"

"Good question..." Hinagis niya ang isang kwintas sa lamesa na nasa gitna naming lahat, "Ang pendant na nasa kwintas na iyan ay simbolo ng rebeldeng grupo. Malalaman niyo kung isa sila sa Insurgence kapag makita niyo to! May isang Thrusterwing na nakahanda na para sa biyahe niyo! Doon kayo bababa sa Mandaue City, at dun na kayo sasakay ng taxi patungong CRHC. Maghihiwalay muna kayo ng ilang sandali! Dismissed!"

Nagsialisan na kami. Sumama na samin ang dalawang assistant Superiors ni Rave. Pumunta kami sa Arena at sumakay na kami sa nakahandang Thrusterwing dun.

Nakahanap na kami ng upuan. Nasa tabi ko sina Maya at Hanz. Parang mas tahimik na ngayon si Hanz matapos siyang mapromote. Alam kong hindi siya ganito. He's always had that sense of leadership. Lumipad na ang aircraft at nagtungo sa destinasyon namin.

"Kinakabahan ka ba Meredith?"

Napatingin ako sa bagong Major. Nakatingin rin siya sakin. Hindi na ako nagsinungaling, "Ah..oo, takot nga akong pumasok sa hotel eh!"

Ngumiti siya, "Okay lang yan"

Akala ko tapos na yung usapan namin, pero may idudugtong pa pala si Hanz, "Wag kang magalala, nasa tabi mo lang ako! Hindi kita pababayaan!"

I was touched by what he just said. Alam ko na medyo rude at serious ang trato niya sakin, pero hindi ko namalayan na may ganitong ugali pala siya. Ah hindi pala, matagal ko na pala tong napansin. Nagsimula pa ito pagkatapos ng unang failed mission ko. Akala ko concerned lang siya noong oras na iyon dahil sa pinsala na natanggap ng katawan ko. Pagkatapos nun, unti unting bumuti ang pagtrato niya sakin. Pero ngayon, tinatanong na niya ako kung ano ang nararamdaman ko sa gaganaping misyon, at nagawa pa niyang sabihin na babantayan niya ako.

"Uhmm...Hanz," hindi ko napigilan ang sarili ko, "Anong meron? Ba't nagtanong ka pa sakin tungkol diyan?"

Akala ko hindi niya ako sasagutin, "I just woke up on the right side of the bed!"

He smiled. He made me smile. Nawawala yung kaba ko kapag titingin ako sa kanya. Why is he acting so good all of a sudden?

Ten minutes later, huminto ang aircraft at nagland sa tabi ng isang bundok. Bumaba na kami at may nakita kaming highway sa unahan. Makikita na rin namin ang syudad mula sa pwesto namin.

"Kailangan na nating lahat na magpalit ng damit!" Utos ni Superior Sylvia, "Hindi tayo dapat magpakilala na Shadows kahit sa publiko man!"

"Eh pano? Hindi nga kami nakadala ng extra eh!" Reklamo ng kabilang grupo.

Nag-isip ang superior, at may nagawa rin siyang paraan, "Since kami lang ni Levi ang may dala na civilian outifits! Bibili kami sa mall ng mga damit niyo! All we need you to do is to Shadowmeld until we reach the mall over there!"

"Tama si Sylvia! Gamit ang inyong Shadowmeld, walang makakakita sa inyo pagpunta dun! You'll be totally invisible!" Sangayon ni Levi.

Pumasok ulit ang dalawa sa loob ng aircraft at nagbihis. Pagbalik nila ay diretso silang naglakad patungong highway. Pagsimula ng aming paglakbay, unti-unting nawala ang mga kasama naming grupo. I mean, literally, they were disappearing in thin air in just milliseconds!

"Shit! Hindi pa ako marunong gumawa ng ganyan!" I reacted after seeing Sunny and Maya do the same trick.

"Hawakan mo ang kamay ko Meredith!" Inutusan ako ni Hanz.

Nagdalawang isip ako, "Ugh...bakit ba?"

Hindi na niya ako sinagot. Siya mismo ang humawak sa kamay ko. I feel his warmth. Sabi niya sakin, "Trust me!"

At paghawak niya sa kamay ko, I feel the warmth of his hands flow from my head down to my body. Like my blood surged from the top to bottom. At doon ko na napansin na invisible na pala kami. Makikita ko na ang iba na kanina pa nawala. Nakikita ko na rin sina Sunny at Maya, na bago pang naglaho. I knew that I was already invisible, dahil nakikita ko na sila.

"All Shadows are hidden! Prepare to move! Umiwas nalang kayo sa mga tao para wala kayong mabundol! Siguradong magdudulot yan ng malaking atensyon kapag maisip nila na may multo sa paligid!" Payo ni Sylvia.

Nagsimula na kaming maglakad. Tumingin ako kay Hanz. Hawak pa rin niya ang aking mga kamay. "Basta, wag mo lang bitiwan ang aking mga kamay, dahil mapuputol ang koneksyon nating dalawa!"

Nasa kalye na kami. Tumahimik na kaming lahat na naka-Shadowmeld. Walang nakakapansin samin. They don't see us. Were totally invisible, and Hanz is holding my hand. Mawawala ang invisibility ko kapag bibitawan ko siya.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now