Chapter 45 - Siege

528 18 0
                                    

October 10, 2024 (0900 Hours)
Hanz's POV

"A month has passed, at wala pa rin tayong alam tungkol sa lokasyon ni Meredith. Pinapadala mo na ang lahat ng mga tauhan mo, pero wala pa ring nakakahanap sa kanya!" Reklamo ko kay Dan na nakatayo sa balkoniya ng mansyon.

"Kahit ang scouts nga ng Shadow Army ay walang silbi...hindi pa rin nila nalalaman kung saan talaga si Meredith!" Sabi pa niya sa masungit na boses habang nakatitig sa langit.

Pumunta ako sa tabi niya at nagtanong, "So ano ba ang magagawa natin ngayon?"

"Let's just hope something will come up!" Patuloy pa rin siyang tumingin sa itaas.

Wala na akong masabi, kaya sumali nalang ako sa kanya. Natahimik kaming dalawa. Pagkalipas ng ilang minuto, ay narinig namin ang ringtone ni Dan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag. Tinaasan niya ang kanyang boses.

Pagkatapos nito, tumingin siya sakin, "Kailangan na nating pumunta sa Black Mountain!"

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"May nangyayaring masama daw dun sa Boracay! May nakikita silang Guardians na pumapasok sa isang malawak na gubat!"

"At ano naman ang meron sa gubat na iyon?"

"Sino pa ba?"

*
*
*

(0800 Hours)
Boracay Xyndicate Factory
Meredith's POV

Ang ganda na umaga dito. Malamig ang hangin at masarap langhapin. Nasa rooftop ako ng HQ. Masasabi ko ngang ito ang paborito kong lugar sa pagtatago ko dito. Kararating pa lang ni Erwin mula sa Rosethorn. Siguro nagpapahinga pa yun matapos ang biyahe niya.

"Kailan pa ba babalik sa dati ang lahat?" Malungkot kong tanong sa sarili matapos kong naisip si Hanz. Siguro ginagawa na niya ang lahat para lang mahanap ako. Isang buwan na akong nawawala. Gusto ko siyang tawagan, pero sabi ni Erwin ay hindi daw pwede dahil baka ma-compromise ang secrecy ng base na ito.

Pinaglaruan ko ang blood rays na pinalutang ko sa ibabaw ng aking palad. Kumikislap ang mga ito ng kulay asul at gumagalaw na parang ahas. Malamig nga at tahimik pa ang factory. Konting tao pa lang ang lumalabas.

Matapos ang limang minuto, naisip ko nang bumaba ng rooftop at puntahan si Erwin, pero bigla nalang akong napahinto sa kakaibang ingay na nagmumula sa langit. Umikot ako at hinanap kung saan nagmumula ang ingay. Pagtingin ko sa labas ng base, ay nakita ko ang tatlong malalaking lumilipad na aircraft na papunta dito. Kulay puti, at may cannons.

Nanginig ako sa takot at diretsong bumaba dahil alam ko na kung kanino ito. Mga Guardian Gunships ito, at sigurado akong ang base na ito ang target nila. Nakababa na ako sa command center at nakita sina Aimee at ang iba pang tao.

Napansin niya ako at nilapitan ko siya agad, "May papunta rito na kalaban. Guardian Gunships! Tatlo ang nakita ko!"

"Ano?" Hindi siya makapaniwala, kaya siniguro niya ito at pumunta sa isang control panel. Pinindot niya ang ilang keys at lumabas sa malaking screen sa harap naming lahat ang isang radar. Ang green dot ay ang base na nasa gitna. May tatlong pulang dots naman sa northwest.
"ALARM TESSA! INITIATE DEFENSE PROTOCOLS! WE'RE ON CODE RED! CODE RED!" Sumigaw si Aimee sa lahat at mabilis silang pumunta sa kani-kanilang pwesto. Narinig ko ang ingay ng emergency siren. Pumula ang ilaw sa loob ng command center.

Lumapit si Aimee sakin at nagtanong, "Pano kaya nila nalaman na nandito ang base na ito?"

"Siguro nasundan po ang isa sa mga tauhan natin?" I responded with a question.

"Puntahan mo si Erwin at umalis na kayo dito, bilis! May isang Thrusterwing na ang nakahanda para sa inyo sa private hangar na nasa likod!"

"Pero-"

"Umalis ka na Meredith. Ikaw ang priority ng Xyndicate. Kami na ang bahala dito!"

Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Umalis na ako at bumaba para hanapin si Erwin, pero bago pa man ako makalabas ng HQ ay nahanap na niya ako.

"MJ! Nakatanggap ako ng utos mula kay Aimee!" Sabi niya.

"Ako nga rin, tara na!"

Tumako na kami palabas ng building at didiretso sana ng hangar, pero bigla nalang sumabog ang tabi ng isang factory. Nagpakawala pa ng bala ang isa sa mga gunship, at sumabog naman ang bubungan ng isa pang factory. Maya-maya pa ay may dumating nang Guardians at umatake sa mga nakaabang na Shadows.

Hinila na ako ni Erwin palayo sa eksena. Nakita na namin ang hangar. Pumasok kami dito at nahanap ang dalawang piloto na naghihintay samin. Matapos nila kaming makita ay agad silang tumakbo papasok ng aircraft. Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Pumasok na kami sa pinto sa gilid ng aircraft at diretso itong lumipad. Umupo kaming dalawa at bumukas ang bubungan ng hangar. Nakalabas na kami ng building at nakita ulit ang mga pangyayari sa labas. Nagpapalabas ng malalaking bola ng apoy ang mga gunships sa base. May lumipad na fighter jets sa ibabaw namin at pinagtulungang paulanan ng missiles ang isa sa mga gunships. Natamaan ito at sumabog ang isang engine. Bumagsak ito sa gubat, pero may dumating pang tatlong gunships.

"Kailangan na nating umalis," sabi ng piloto sa radyo, "More Guardian Reinforcements are coming from the coast. We need to leave immediately!"

Aalis na kami ng facility, pero pagtingin ko sa labas ng bintana ay nakita ko si Aimee na mag-isang nakatayo sa rooftop. Nag-slow-mo ang lahat, matapos lumabas mula sa kanya ang isang kulay asul na bow. Hinila niya ang linya, at lumabas ang isang mahiwagang arrow. Binitawan niya ito at tumama sa isang gunship, at nagkaroon ng malaking pagsabog.

"Ngayon alam ko na, kung bakit marami ang gumagalang sa kanya!" Bulong ko sa sarili.

Lumipad na palayo ang aircraft namin at iniwan ang base. Ilang minuto pa ang dumaan ay malayo na kami. May nakikita na akong mga gusali at bahay sa ibaba.

"Pano kaya nila nahanap ang base na iyon? It's been hiding from both satellite and radar for almost five years!" Sabi ni Erwin,  na parang nanghihinayang.

Hindi ko na siya nagawang sagutin. Natahimik na lang kaming dalawa, pero napapansin ko na malungkot si Erwin. May sasabihin sana ako, pero bigla nalang sumabog ang kabilang bahagi ng aircraft at nabutas pa. Kumapit kami ni Erwin sa aming mga upuan at sinuot ang mga seatbelts. We were being sucked out by the pressure, pero sa tulong ng seatbelts namin ay ligtas pa rin kami. Sa harap namin ay ang malaking umuusok na butas papunta sa kamatayan.

"We've been shot from below by Surface to Air Missiles. We're going to crash. Brace yourselves!" Sigaw ng piloto sa radyo.

Nahihilo ako dahil paikot-ikot na palang babagsak ang aircraft. Hinawakan ni Erwin ang aking kamay, at hinigpitan niya ito. Then finally, after a few seconds, everything happened like a flash.

Rosethorn AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang