Chapter 27 - Suspicions

881 31 0
                                    

August 19, 2024 (12:00pm - 1200 Hours)
Hanz's POV

Dalawang linggo ko nang nililigawan si Mery. Two weeks na ring walang attacks mula sa Insurgence. Naging tahimik na ang mga araw matapos akong nanligaw sa kanya. Nasa tabi ko na ngayon si Mery. Nagpapaturo siya tungkol sa Fury Forms.

"So, malalaman mo kung may Fury Form ka, dahil tuwing nasusugutan ka ng matindi, sasabog ang blood cells mo at lalabas na yung Fury Form?" Tanong niya sakin.

Tumawa ako, "Nangyayari lang yan sa mga taong may special Fury Forms"

"Special na Fury Form? May ganun pala?"

"Oo meron, pero rare lang talaga ang mga ganyan. May mga tao na may kakayahang magtransform into a Half-demon, at may iba rin na...." napahinto ako, saka nagpatuloy, "May mga kapangyarihan ng isang Biomorph."

"Ahhh...ganun ba?" Binuklat uli ni Mery ang aklat na nasa kamay niya.

Hinayaan ko muna siyang magbasa, pero nasira ang katahimikan nang dumating si Maya.

"HANZ! MJ! Papunta dito si Dan. Baka makita niya kayo!" Sigaw niya.

Tumayo ako at lumayo kay Mery. Kinuha ni Maya ang puwesto ko at tumabi siya kay Meredith. Ilang minuto pa ay dumating na si Dan. May mga hawak siyang folder na may lamang mga papeles. Nilapitan ko siya upang kausapin, "Oh Dan...anong meron?"

"May iba nga sa System ng Rosethorn. Iniba nila ito ng walang pahintulot mula sa Shadow Council," inabot niya sakin ang isang bondpaper na may mga sulat, "At saka, marami na silang violations na nagawa. Tinanggal nila ang ibang classes, at gumamit sila ng kakaibang Ranking System para mapabagal ang pag-akyat ng mga records ng mga Shadows dito! Shadow Knight ka na sana ngayon Dan kung nasa Warsa ka pa nag-aaral!"

"Ano?" Hindi ko nakuha ang mga sinabi niya.

"Look!" Hinawakan niya ang balikat ko, "Randam ko na mauulit ang mga pangyayari sa Yaeger Uprising ngayon. Nasuspetsyahan na naming may nakapasok na impostor sa loob ng Rosethorn, at sigurado kaming nasa School Council lang yun maaring mangyari! Ihanda mo ang sarili mo Dan, baka may himagsikang mabubuo!"

"Pano naman ang War Games? Matutuloy ba iyon?" Tanong ko.

"Sa tingin ko hindi. Baka ginagamit lang nila yun bilang diversion!"

Tumingin ako kina Maya at Mery, saka naman to bumalik kay Dan.

"Magsasagawa ng raid ang Warsa dito matapos na nating matukoy ang nakapasok na kalaban! Pero sa ngayon, maging tahimik lang muna tayo para ligtas!" Paliwanag niya ulit.

Nagsimula na akong mag-alala. Sinulyapan ko sina Mery. Napansin ni Dan ang paulit-ulit kong pagtingin kay Mery.

"Akala mo hindi ko alam no?" Bulong niya sakin.

Hinila niya ako at pumasok kami sa isang males' restroom. Siniguro niyang walang makakarinig samin.

"Diba sabi ko sayo na hanggang kaibigan lang kayo?" Hinawakan niya ang sleeves ng robes ko, "Pano kung mahawa siya? Pano kung iba ang epekto ng virus sa kanya?"

"ALAM KO YUN DAN! Pero bakit ka ba nagagalit? Eh hindi naman siya nagkakasakit ah?" Depensa ko sa sarili.

Binitiwan niya ako, "Kaya ko nga pinahanap si Meredith para mailigtas at mailayo natin siya sa panganib, at ngayon, nililigawan mo siya? Diba ang misyon mo ay protektahan si Meredith, hindi mahalin?"

"Kasalanan ba yan Dan na nagkakagusto ang isang Morpher sa kanya? Diba hindi? Ano ba ang problema mo, ginagawa ko naman ang utos mo ha?"

He clenched his fist. Kinagat niya ang kanyang labi. Nagbabala siya, "If she turns, I'm never gonna forgive you!"

Matapos niya tong sinabi, lumabas na siya ng restroom. Tumingin ako sa salamin at inayos ang sarili ko.

Meredith's POV

Ilang minuto nang wala si Hanz. Nagtataka na ako kung saan siya dinala ni Dan. Tinanong ko na si Maya kung saan sila nagpunta, pero wala siyang alam.

"Maya. Pwede ba kitang iiwan ng ilang sandali? Hahanapin ko lang si Hanz!"

Sumagot siya, "Oh sige. Dito lang ako maghihintay sa inyo!"

Naglakad ako sa loob ng corridor. Tiningnan ko ang kahabaan ng hallway, pati na rin ang mga classrooms. Wala, hindi ko pa rin siya nakita.

Naglakad ako papuntang office, pero bigla akong hinarangan ng isang matangkad na lalaki. Si Superior Rave pala. Bumigay ako ng salute, at tinanong ko siya, "Sir...permission to ask?"

"Permission granted!" Ngumiti siya, "Ask me anything!"

"Nakita niyo po ba si Hanz Sir?"

"Hanz Exfir? Wala...pasensya na pero hindi ko siya nakita ngayong araw na 'to!"

"Ahhh..." bago ako umalis, nagpasalamat ako sa kanya, "Salamat po Superior!"

Maglalakad na sana ako palayo, pero hinawakan ng Superior ang aking braso. Tinanong niya ako, ngayon iba na ang tono ng boses niya, "Ms. Venafuerte, could you spare some time with me?"

"Para saan po sir?" Nagtataka ako kung bakit niya ako pinipiglan.

Lumaki ang ngiti niya, "I just want to tell you that," bigla nalang niyang hinawakan ang labi ko, "You're the most beautiful creature I've ever met!"

Winalis ko palayo ang kanyang kamay, "Uh sir....pasensya na po ha pero-"

Bigla nalang niya akong hinablot. Hinila niya ako papasok sa Superior's office pero hindi ako bumigay.

"Sir! Iba na yata ang balak mo ha!" Napikon na ako.

Bigla nalang niyang hinawakan ang aking likurang bahagi at nagsalita, "Sige na...I'll give you anything if you'll let me do it. Gagawin kitang Superior, bibigyan kita ng kayamanan, kahit ano basta papayag ka lang sumama sakin sa loob ng office ko!"

Naghalo ang galit at takot nang hinila niya ulit ako papasok sa Superior's Office. Tinakpan niya ang aking bibig habang pababa ang kanyang kamay sa maselang bahagi ng katawan ko.

"Sige na Miss Venafuerte!" Sabi niya, "I have everything you need, if you just let me-"

Nagulat nalang ako matapos tumama ang kamao ni Hanz sa mukha ni Rave. Nabitawan niya ako matapos siyang napaatras sa lakas ng suntok. Hinawakan niya ang kanyang mukha at tumingin siya samin.

"YOU!" Tinuro niya si Hanz habang sumisigaw, "YOU JUST HARASSED A SUPERIOR, AND THAT IS A PUNISHABLE CRIME!"

"And you!" Inakbayan ako ni Hanz habang galit na nakatingin kay Rave, "You just molested a lower ranked female Shadow, and that is a crime punishable in your position!"

May sasabihin pa sana siya, pero napansin niyang marami nang tao ang lumabas ng classroom at nakatingin sa amin. Marami na rin ang nakarinig sa tampuhan namin.

"Basta...tandaan mo to, Hanz!" Binuksan niya ang pinto ng office niya, "Babalikan kita, at balang araw, mapapatumba kita!"

Pumasok na siya sa kanyang opisina. Niyakap ako ni Hanz at hinalikan niya ang noo ko. He rubbed my back as he was saying, "Pasensya na kung hindi kita binalika agad! Napahamak ka tuloy!"

"Thank You Hanz....thank you for rescuing me again!" Hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now