Chapter 59 - The Warning

438 13 0
                                    

November 29, 2024 (1100 Hours)
Black Mountain Deep Prisons
Aimee's POV

I was back inside the cube-shaped prison, facing the chaos knight. Ilang beses na niyang sinubukan ang Gate Buster Spell sa indestructible glass prison niya. Ang spell na ito ay ginagamit pangsira ng gate o pinto. Natitipon ang lahat ng blood cells sa palad at lalabas na parang bala ang wave ng pagsabog kung saan sisirain nito ang bagay na nasa tapat. Ilang beses na tong sinubukan ni Dan, pero nabigo pa rin siya.

Wala siyang magaw sa loob ng naiilawang prisinto na may kulay blue na pintal. Nagsalita siya ulit sakin, "Palayain mo na ako Aimee. Nagpaparamdam sakin ang kaluluwa ni Erwin. Napanaginipan ko siya kanina pa lang. Bumigay siya ng babala sakin tungkol sa planong pagsasalakay ng mga Guardians kina Meredith!"

"Only Hunters can get dreams from souls," pakontra kojg sinabi, "Bakit ba naman ako maniniwala sa iyo?"

"Can't you see Aimee? May dugo ako ni Mark sa loob ko! Isang Hunter si Mark, at siguro nakuha ko rin yung abilidad niya!" Paliwanag niya sakin.

I know it's possible that he can inherit Mark's powers to make contact with souls, pero hindi pa rin ako naniniwala sa kanyang ginagawang palusot. He's only trying to trick me into releasing him.

"I can see that Dan, pero hindi tatalab sakin ang iyong mga kasinungalingan. Don't worry. Meredith will be fine! And stop casting that same spell, you're only trying to tire yourself and disturbing us!" Tinalikuran ko n siya at pumasok ako sa elevator.

Pagkatapos sa prison ay pumunta ako sa command center upang kumpirmahin kung talagang nagsasabi ba siya ng totoo. Pinacheck ko lahat ng mga Guardian bases kung may enemy movement ba. Pinatingin ko na rin sa radar kung may nadetect ba silang enemy signature. Wala naman. So Dan was lying.

Alam kong kasama ni MJ ngayon si Hanz. At least meron siyang kasama. Pumunta na ako sa lounge at nagpahinga. Binuksan ko ang malaking fridge at kumuha ng ilang snacks. Tumingin ako sa luxury carpet at magagandang furniture na nakalagay sa loob ng underground lounge.

Pumasok tuloy sa isip ko ang mga alaala nung kasama ko pa si Mark. This lounge was the first place where we alone with each other. Hindi ko makakalimutan ang scarf na binigay ko sa kanya. Ang kulay pula na scarf na iyon. Palagi niya iyong sinusuot kahit nakikipaglaban.

I was supposed to take a short nap, but a few knocks from the door broke the silence. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito, kung saan ko nahanap ang isang Black Mountain staff na nakaharap sakin.

"Commander Aimee," simula niya, "Dan's trying to make trouble again. Sabi niya sa loob ng kanyang cell ay hindi daw siya titigil hanggang maniniwala kayo sa kanya!"

Si Dan na naman. Nakakastress talaga kung naririnig ko ang kanyang pangalan. Inutos ko sa tauhan, "Ignore him. He's just trying to deceive you!"

Tumango ang lalaki at umalis agad. Sinara ko na ang pinto at bumalik na naman sa loon. I then continued my me time. Dan's just lying. No Guardian will penetrate Tolevo.

Rosethorn AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora