Chapter 42 - Hope

499 20 0
                                    

Meredith's POV

Tanging katahimikan lang ang bumalot sa lugar na ito, maliban nalang sa mga kakaibang ingay na nagmumula sa kanilang mga experiments. Nakatitig lang ako sa kadena kong umiilaw ng kulay asul. Wala nang pag-asa. Ilang araw nalang ay ililipat na nila ako sa Manila Guardian University. Hindi nila ako papalayain kahit isusuko ni Hanz ang kanyang sarili. Nag-aalala rin ako kay Hanz. Baka mapapahamak pa siya dahil sakin. Sana nga ay hindi matutuloy ang pagpunta niya dito.

Tumulo ang luha ko at narinig ko ang malakas na pag-galaw ng bakal mula sa labas ng cell. Ilang minuto pa ay bumukas na rin yung pinto. May pumasok na anino. Akala ko isa ito sa mga kawal ni Rave, pero narinig ko ang pamilyar na boses.

"MJ?" Tumingin sakin ang lalaki. Boses ito ng lalaking palagi kong kasama noon.

"Erwin?" Tumulo yung luha ko matapos niya akong nilapitan at niyakap.

"Tumahimik ka na lang...pumunta ako dito para iligtas ka! Maghintay ka muna," may hinanap siya sa loob ng bag na dala niya at hinila palabas ang isang tablet.

He pressed the buttons for a dew minutes, then his face lit up. Hinawakan niya ang kadenang umiilaw at nagbabala, "Wag ka munang gumalaw."

Tumingin siya sa kadena at bumulong, "Fai-zer-shi-no"

Nagcrack ang bakal. Naputol ang kadena at nakalaya na ako. Tunayo ako agad at yinakap ulit si Erwin. Pagkatapos ay tumingin siya sakin at nagpaliwanag, "Kailangan na nating umalis. Baka makita pa nila ang mga bakas na iniwan ko!"

"Alam mo bang nasa ilalim lang tayo ng isang burol?" Paalala ko sa kanya, "Pano ba tayo makakalabas? Ang gate lang ang nag-iisang exit ng base na'to!"

May kinuha naman siya mula sa kanyang bag at nagsalita, "Wag kang mag-alala. This place is just ten feet below the surface. Cover your ears!"

"Ano?"

"Sundin mo na lang ang utos ko!"

Matapos kong tinakpan ang aking mga tenga, pinindot niya ang isang maliit na pulang button. Niyanig kami ng malakas na pagsabog. Naghintay kami ng ilang sandali, at hinila na ako ni Erwin palabas ng cell. Umingay na ang alarm at nag-flash ang mga pulang ilaw.

"Ano ba yun?," tanong ko sa kanya.

"Our way out!"

Binuksan ni Erwin ang bakal na pinto palabas ng prison, at sinalubong kami ng makapal na usok. Hinila niya ako pakanan at pumasok kami sa isang malaking butas na nilalamon na ng totoong apoy. May sikat na ng araw mula sa itaas. Nag-cast ng water magic si Erwin at napatay agad ang apoy.

"Umakyat ka na MJ!" Tinuro niya ang isang malaking makina.

"Ano?"

"Bilis!"

Nagmadali akong umakyat ng makina at lumusot sa butas sa ibabaw. Naliwanagan ako ng ilang sandali, saka ko na nakita ang kapatagan at mga puna sa unahan. Umakyat na ako palabas, at sumunod na naman si Erwin. Haharapin ko pa sana siya pero tinulak niya ako at inutusang tumakbo. Sinunod ko nama siya at wala pang limang segundo ang lumipas ay may tumama nang bala sa lupa sa unahan.

Tinaas ni Erwin ang kaliwang kamay at nabuo ang isang force field sa likod namin. Tumigil na ang pag-ulan ng bala, pero rinig pa rin namin ang mga helicopter ng kalaban.

"MJ!" Sigaw ni Erwin, "Kunin mo nga yung tablet ko mula sa bag! Tumatawag yung nag-utos sakin!"

Binuksan ko ang bag na nakasabit sa kanyang balikat at nakita ang tablet. Nagva-vibrate ito habang inabot ko to sa kanya. May pinindot siya at narinig namin ang pamilyar na boses.

"Air support is inbound. Tessa will blow out those choppers for you. A Thrusterwing is coming to get you. Just make sure they won't get you!"

Nawala ang boses ng isang babae at pinapasok ulit ni Erwin ang tablet sa loob ng bag. Malapit na kami sa gubat, nang bigla nalang sumabog ang dalawang helicopter na sumusunod at bumabaril samin. Dumaan ang isang fighter jet sa himpapawid sa itaas at lumiko ulit ito pabalik sa kinaroroonan. May lumantad naman na kulay itim mula sa ibabaw ng gubat. Ito na ang Thrusterwing na pupulot samin. Lumapag ito sa patag sa harap ng mga puno at bumukas ang rear cargo gate nito. Pagdating namin ay pumasok kami agad at sinara ng isang piloto ang gate. Lumipad na ang aircraft at nakaalis na kami ng gubat.

Pinaupo ako ni Erwin at umupo rin siya. Tinanong kami ng piloto kung okay lang ba kami, at sumagot kami ng oo. Napansin ni Erwin ang mga pasa sa mukha at mga braso ko. Tumayo siya at kumuha ng isang first aid kit mula sa isang dulo ng aircraft. May kinuha siyang syringe at tinusok ito sa isang ugat ng braso ko.

"Maghintay ka lang at gagaling din iyan!" Sabi niya sakin habang binabalik niya sa kinunan ang first aid kit.

Tumingin ako sa kanya habang pabalik siya sa kanyang upuan. Habang naging tahimik na ang loob ng aircraft, naisip ko ang babaeng tumawag kay Erwin kanina. Nagtataka ako.

Linakasan ko ang loob para tanungin siya tungkol dun, "Erwin, sino ba yung babaeng tumawag sayo kanina?"

Napatingin siya sakin, halatang nagulat sa aking tanong. Sumagot siya, "Ahh...wala yun. Sila yung nagpadala ng rescue para satin!"

I nodded, pretending that I got his answer. Pero nagtanong na naman ako matapos ang ilang minuto, "Sino ba talaga ang nag-utos sayo para kunin ako Erwin?"

Dito, nagdalawang-isip na siyang sumagot. Natahimik siya, at parang nahihirapang bigyan ako ng response.  He reasoned, "Pasensya na Meredith, pero hindi ko pwede sagutin ang tanong na iyan!"

Tumayo siya sa aking harap na parang may kinukuha mula sa bulsa. Inulit ko ang tanong, "Erwin, sagutin mo ako, sino ba talaga ang nag-"

Bigla nalang tumama saking leeg ang karayom ng isang syringe. Tumingin ako sa kanyang kamay na may hawak sa syringe na ito. He pulled the syringe out of my neck, and I started to get dizzy. Nahihilo na ako, at unti-unting nawawala ang aking paningin. Tumingin ako kay Erwin as my vision turned blurry, then after a few more seconds, patuloy na akong hinimatay.

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon