Chapter 13 - The Lost Heartz

1.3K 47 0
                                    

Meredith's POV

Narating ko na ang classroom namin. Hindi pa dumating yung susunod na teacher, kaya pinuntahan ko agad si Maya. Sinabi ko sa kanya na kailangan na naming mag register bilang isang unit.

"ANO?!" Nabigla siya.

Humingi ako ng tawad, "Sorry talaga Maya. Kung hindi pa ako sumama sa inyo, edi hindi na sana kayo masasali sa gulong ito"

"Are you kidding MJ?" Ngumiti ito, "We're finally gonna have our own unit! Plus! Kapag matatapos ko tong mission na ito, mapo-promote na kami ni Sunny!"

"Ano? Akala ko si Sunny lang yung mapopromote....dahil sabi mo kasi dalawa nalang yung natitirang mission niya para makuha niya to!"

"Ehh, pasensya na MJ ha?" Tumawa si Sunny habang kinakamot ang ulo, "Secretive kasi yan si Maya..."

"Salamat sa pagintindi niyo sakin ha?" Niyakap ko silang dalawa matapos ko tong sabihin.

"Ano ka ba! Kami ang dapat na magpapasalamat sa iyo! Nabigyan mo pa kami ng oportunidad!" Dagdag ni Maya.

Pagkatapos nun, dumating na ang guro. Nagsibalikan na kami sa aming mga upuan at nakinig sa discussion.

4:47 PM (1600 Hours)

Naglalakad na kami patungong Guidance Office upang magregister ng aming unit.

"So ano nga yung ipapangalan sa squad natin?" Tanong ni Sunny.

Nakangiti namang sumagot si Maya, "Nagdesisyon na tayo ha! Wala nang palitan...Lost Heartz yung magiging pangalan ng squad natin!"

"Ang ganda nga...di na kailangang palitan!" I commented.

Narating namin ang guidance office at pumasok kami. Nakaupo lang si Miss Shayne sa swivel chair niya. May mga binabasa pa siyang mga papeles. Bigla niya tong inabot samin.

"Heto girls...i-fill up niyo lang ang registration form!" Binigay niya kay Maya ang papel.

Hindi na kami nagreact. Alam na naming nabasa na ni Miss Shayne ang mga iniisip namin. Wala nang iba kundi tungkol sa Lost Heartz.

Natapos na ni Maya ang pagsulat. Kompleto na lahat. Pagkatapos nun ay pinapirma kami bilang mga miyembro ng Lost Heartz. Pumirma na rin si Miss Shayne bilang confirmation para sa registration namin.

"Congratulations girls! You ate now the official members of the Lost Heartz! Your team captain, obviously, will be Maya, since she's the one with the highest rank! Kunin niyo nalang tong manual bilang guide!" Inabot pa niya samin ang isa pang papel.

Nagpasalamat kaming tatlo kay Miss Shayne at maligaya kaming umalis. Hawak ni Maya ang details ng unit namin. The Lost Heartz, ranking zero, missions zero...pero magiging one na yata iyan. Our first mission as a group, the Luxury Infiltration mission.

"Kailangan nalang nating gawin ay ang magrecruit ng mga bagong members!" Sabi ni Maya.

Sumangayon si Sunny, "Oo nga...tatlo pa lang tayo, sigurado akong hindi tayo magkakaroon ng ranking kapag hindi lalampas ng limang miyembro 'tong unit natin!"

"Pano kapag may sumali na mas mataas pa yung rank kay Maya?" Curious ako, "Hindi na ikaw ang magiging leader namin!"

Tumawa si Maya, "It does not work that way. Kapag below five members pa ang unit during registration, the person with the highest rank present during the registration will be automatically chosen as the team captain"

"Ahh..ganun pala yun? Pano ka ba papalitan bilang team captain?" Tanong ko ulit.

"Depende sa votes pagkatapos nating i-renew ang unit license. May election of leaders kasi tuwing renewal of license!" Sagot niya.

Nag-usap lang kami tungkol sa bago naming group nang makita namin si Hanz na nakaharang samin.

Tinaas ng dalawa kong kasama ang mga kamay nila sa tapat ng kanilang noo. Maya and Sunny gave him a salute. "Commander Hanz sir!"

"It's Major Hanz now! At ease soldiers!"

Binaba nila ang kanilang mga kamay pero nanatili silang nakatayo ng matuwid. Parang wala lang ako. Tumingin si Hanz samin, "Narinig ko na isang Unit na daw kayo!"

"Saan mo ba nalaman?" Tanong ko, pero dinagdagan ko pa ito, "Wait...napromote ka ba? Kailan?"

Walang reaksyon ang lumabas mula sa kanya. Sinagot niya ang mga tanong ko, "I heard that Superior Rave needs you to have a unit right after I got promoted. Nakita mo naman kanina diba, kung paano ako nanalo?"

"Ahh oo nga pala!" Naalala  ko tuloy ang pagwagi niya sa laban nila ni Evan.

Natahimik kami ng ilang minuto. Nakatingin lang kami sa papel na ibinigay namin ni Miss Shayne pagkatapos naming magregister.

"Pwede ba akong sumali sa grupo niyo?!"

Naiwan nalang kamin nakatulala matapos itong sinabi ni Hanz. Lahat kami, nakatitig sa kanya. It was an unbelievable question.

"I'm not gonna ask you twice, or thrice!" Paulit na sabi ni Hanz.

Bigla nalang ngumiti si Maya. "Ahhmm...pwede naman, pero bakit ka pa ba umalis sa current unit mo? Diba ikaw ang pinuno ng Nighthelm?"

"Hindi na! Basta, isulat niyo ako sa listahan ng unit mo. I'm officially yours to command in this squad!" Malakas na tinig ng lalaki.

Wala nang ibang sinabi si Hanz at umalis na. Nagtinginan kami sa isat-isa. Sa mukha palang ng dalawa kong kasama ay parang excited na yata sila. I feel nothing.

"Yess! Isang miyembro nalang at makakasali na tayo sa rankings!" Sambit ni Sunny.

Nakangiting sabi naman ni Maya, "Oo nga. We're slowly achieving a lot!"

"Pero hindi ko masasabing achievement na yung magiging mission natin sa hotel!" Dugtong ko, "Kailangan pa natin yung tapusin!"

Hanz's POV

"Bukas na ang misyon ng limang unit mula Rosethorn Academy. Kabilang na dito ang unit na kinabibilangan ni Meredith, Dan!" Sabi ko sa kanya sa cellphone.

"Ganun ba?" Sagot niya.

Naghintay ako ng mga sasabihin pa niya. Nawalan na ako ng pasensya matapos ang dalawang minuto, "Bilisan mo naman diyan! Mauubos na yung load ko!"

"Basta..." Napatigil siya at nagsalita ulit, "Bantayan mo siya ng maigi. Hindi siya dapat masaktan o masugatan, kahit isang hiwa lang sa kamay. Hindi lang ang mga rebelde ang kailangan mong bantayan, pati na rin ang paligid mo. Baka may gumagala na Guardians sa paligid na may balak dukutin si Meredith. Siguradong matatalo tayo sa games kung makuha nila ang babae!"

Alam kong puputulin na niya ang call namin, pero hindi pa ako tapos, "Teka lang Dan. Diba Shadow Knight ka?"

"Oo, bakit?"

I paused, nagpatuloy ako, "Diba dumaan ka sa pagiging Swordsman bago ka naging knight?"

"Oo, ano bang meron dun?"

"Napromote ako. Both rank at class. Lahat ng requirements, tapos na. Pero yung rank lang ang tumaas sakin, at hindi pumapayag ang Superior na maging Swordsman ako"

"Ba't hindi siya pumapayag? Tapos ka na sa Sorcery, tapos ka na sa Assassin Mastery! Ano pa ba ang kailangan niya? It's in the Shadow Class Tree. After a Sorcerer and Master Assassin is a Swordsman, then follows the Knight class"

"Kaya na nga eh! Hindi niya ako pinapayagang maging Swordsman dahil inalis na daw yan ng Shadow Council! Wala na nga rin sa mga papel na binibigay ng Guidance Counselor ang Swordsman Class"

"Don't worry Hanz. I'll conduct an investigation on that branch. Something's not right in Rosethorn!"

"Salamat Dan"

Natahimik na naman ng ilang sandali, ta's nagsalita na naman si Dan, "Basta, si Meredith ang top Priority mo. We need her for the games. Dapat hindi siya masugatan, or else!"

Ito nalang ang naging huling utos ni Dan. 'Call Ended' ang nakita ko sa screen ng cellphone. Pinasok ko ito sa bulsa at tumingin sa Arena sa gitna ng school. Nasa parking lot lang ako tumawag. Bumalik na ako sa classroom ko. Bantayan mo siya ng maigi. Naisip ko ulit ang utos ng mentor ko. Talagang gagabayan ko siya sa laban bukas. Hindi ko kayang makita siyang masaktan.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now