Chapter 8 - Titan

1.4K 46 0
                                    

August 5, 2024 (0800 Hours)
Hanz's POV

Nagmamadali akong bumaba sa Grade 11 floor. Hawak ko na ang aking mga blades. Narating ko na ang section C. Nakita ko si Erwin na nakatayo lang sa loob ng room.

"Hanz! Si Meredith! Bilis!" Sumigaw siya sakin.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Lahat kasi ng 11th and 12th grade units ay na-order na umatake sa Biomorphs doon sa Naga Area. Bakit ngayon pa?

Narating ko na ang section E. Pagtingin ko sa loob, wala nang tao. Tumakbo ako sa corridor at tumingin sa labas ng bintana. Halos lahat ng Grade 11 Shadows ay sumasakay na sa Thrusterwings.

"Si MJ! Naabutan mo ba?" Sigaw ni Erwin sakin matapos siyang tumakbo.

Nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana, "Hindi. Hindi ko siya naabutan. Bilis! Kailangan na nating humabol! Baka maiwan pa tayo ng mga susunod na Thrusterwings"

Tumakbo kami pababa. This sucks! Bakit pa ba sumama si Meredith? Hindi ba niya alam na hindi pa siya handa?

Maya's POV

Sumakay na kami sa aircraft. Sumunod na sakin sina Sunny at Meredith. Shit...sumama pa samin ang rookie. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Lagot kami nito.

Umupo na kami at sinuot ang seatbelt. Nasa tabi ko na ang dalawa kong kasama. Nagsimula nang sumara ang cargo door ng Thrusterwing.

"So isa pa lang ba ang nakuha mong recruit Maya?"

Napatingin ako sa harap ko. Nakita ko si Rhiyana. Miyembro ng Nightwalkers team. Kapatid siya ni Evan. Parehas lang silang mga walang respeto. Mga walang bait.

"Lalaki din tong team namin Rhiya. Maghintay ka lang" I calmly answered her.

"Talaga ha?" she smirked, "We'll see which lucky team can kill the most number of Biomorphs today!"

I smiled. Wala akong pake sa kanya. Pero gusto ko talagang matalo sila sa isang team versus team battle. Ang kulang lang talaga sa team ko ay ang mga members.

Lumipad na ang Thrusterwing namin. We could feel it accelerate after it reached a certain altitude. Galit akong nakatitig kay Rhiyana. Hindi niya kasama ang teammates niya. Baka nahiwalay sila sa pagmamadali. Biglang nagtanong sakin si Sunny, "Si Rhiya na naman ba yan?"

"Oo"

She sighed, "Itong Nightwalkers talaga. Nakakainis!"

"Nightwalkers?" Meredith joined in.

Sinagot ko siya, "Oo Meredith. Nightwalkers. Yung team nina Evan, yung walang galang na lalaki kanina"

"Alam mo, MJ na lang kaya ang itawag niyo sakin. Mas mahaba pa kasi kapag Meredith"

"Oh sige. Mas madali nga kapag MJ" Sunny said.

"Mag focus na nga kayo sa mission natin. Human-type daw yung kakalabanin natin" Sinabihan ko sila.

Naging tahimik na nga. Ilang minuto ang nakalipas, unti-unting napabagal ang paglipad ng aircraft. Bumaba na ito at lumapag. Bumukas ang cargo door nito.

Tinanggal na namin ang mga seatbelts. Lumabas kaming lahat, dala ang aming mga weapons. Inilabas ko na ang aking dalawang RDEagle Pistols.

Sumunod na sakin sina Sunny at MJ. Nakatayo na kami sa isang maliit na barangay. Tahimik ang paligid. Ingay lang ng mga lumalapag na Thrusterwings at paglakad ng mga Shadow ang maririnig namin. Mga umuusok lang na bahay at sirang mga sasakyan ang nakikita namin sa harap. Nakatayo pala kami sa isang soccer field. Nagsialisan na ang mga sinakyan namin at naiwan na kami.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now