Chapter 17 - Their Exit, Knight's Entrance

1.2K 43 0
                                    

August 7,2024 (1200 Hours)
Meredith's POV

Palabas na kami ng building. Makapal na usok ang sumalubong samin. Naririnig namin ang hiyawan ng mga ambulanysa at police mobiles. Hindi namin makikita kung ano ang nasa paligid. Basta, ang maririnig lang namin ay ang sigawan ng mga takot na tao. Ang matataas na gusali lang ng hotel ang nakakahuli sa aming mga mata.

Their were five invisible shields in front of us, at pinapawisan na ang mga kumakapit pa ring ipatayo ang spell. Gumagasta na sila ng malaking halaga ng mana. Sigurado akong nahihilo na sila. Kapag mauubusan sila ng mana, alam kong katapusan na namin ito.

"Lay down your weapons Shadows or you'll be executed without hesitation!"

Narinig namin ito mula sa harap. Napalingon kaming lahat. Nawala na ang makapal na usok at malinaw na ang paligid. May mga natumbang sasakyan sa kalsada. Umaapoy rin ang iba sa mga ito. May mga patay na tao sa kalye. Mga pulis yata ang mga nakahigang patay. May mga tao pa rin sa paligid, pero hindi sila makagalaw dahil sa takot. Ang iba naman, nanonood sa eksena mula sa malayong distansya. May helicopter na lumilipad si himpapawid, at may tatak naman ito ng isang news channel.

"Shadows! My name is Vermilion! One of the elite commanders of the Insurgence! Kung makinig lang kayo sa akin, tiyak na walang mamamatay na tao sa paligid natin ngayon!"

Nakatayo ang nagsasalita na si Vermilion sa ibabaw ng isang tangke. Nakamaskara si Vermilion ng kulay puti. Tinatakpan nito ang kalahati ng mukha niya. Only his mouth is visible. Suot niya ang puting hoodie jacket with white pants. He used his jacket's hood to cover his head. His voice was distorted by some kind. Ang pinapatungan niyang sasakyan, isa itong tank na nagmumula yata sa US ayon sa weaponry lesson namin sa History. M1 Abrams, kung tama ako. Nakatutok sa amin ang turret ng tangke, at maraming nakalinya na rebelde ang nasa dalawang tabi naman nito. Lahat sila, handa magpaputok kailanman. Worst, if the tank fires first.

Sumigaw si Vermilion, "Who's your leading person right now?"

Natahimik kami. Nakataas pa rin ang force fields ng limang frontliners, pero naglakad si Sylvia sa harap at nagpakilalang siya ang commanding officer ng misyong ito.

"Interesting! A lady Superior!" He chuckled, "Akala ko hindi na kayo makakalabas. Alam kong inubos niyo na ang kalahati ng mga tao namin sa loob ng hotel! But the real question is, how did we know that you were here?"

Bigla nalang itong tumawa. Nagpatuloy si Vermilion, "You thought we wouldn't know didn't you? Lahat kayo, in that urban setup! What the hell! Like it even worked! You all lacked strategy miss! Lack of STRATEGY!" Tumawa na naman ito.

Biglang ngumiti si Sylvia, "Correction. Sa tingin ko, ang totoong question ay, Ano ba ang gingawa niyo dito?"

Napangisi si Vermilion. Tumawa na naman ito na parang baliw. Sa gitna ng gulong ito, nagawa pa rin niyang humalakhak. Hindi niya sinagot ang tanong ng superior, "Missy missy missy.....pasensya na ha? Pero this is not a Q and A contest!"

"Do anything you want with us, basta palayain mo lang ang mga inosenteng tao na nasa likod niyo!" Demanda ni Sylvia.

Tama nga siya. We are Shadows. We protect the innocent. Mabaliwala man namin ang misyong patayin ang lahat ng rebelde, basta maligtas lang namin ang mga sibilyan.

"LoL! Is that a wish? Well hindi naman ako genie, obvious naman diba? You want them safe? Pero may kapalit naman ito!" Makikita namin ang ngiti ng kalaban.

"At ano naman ang gusto mong maging kapalit?" Sylvia asked.

Nag-isip si Vermilion. Tila hindi niya alam kung ano ang hihilingin niya. Alam kong magbabanggit siya ng isang bagay na malaki ang halaga para sa mga Shadows.

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon