Chapter 54 - Chasing Hope

466 15 0
                                    

October 13, 2024 (0900 Hours)
Meredith's POV

After taking a bath, nagbihis ako. Nine na sa umaga pero hindi pa rin bumabalik si Erwin. Nagugutom na ako. Naalala ko ang susing binigay niya sakin. Kinuha ko to at lumabas ng aking kwarto. Ginamit ko ang susi para buksan ang room ni Erwin. Hinanap ko ang kanyang credit card, at nakita ko itong nakkapatong sa kanyang desk.

Kinuha ko ang kanyang card at bababa na sana, pero napansin ko ang isang papel na nakadikit sa dulo ng desk. Binasa ko ito.

Dear MJ. If you're reading this, I'm probably far away, trying to lead the enemy away from you. Nalagyan kasi nila ako ng isang tracking spell, kung saan pwede nila tayong mahanap kahit saan every three days. This is the third day since the spell was activated. Lumayo ako para sa kaligtasan mo. Lumayo ako para ako na lang ang hahabulin ng kalaban kung gagamitin man nila ulit ang spell. If your tears will fall as you read this, I'm sorry. I hope you'll understand why I'm doing this. I care for you MJ. And please, don't try to go after me. Goodbye MJ.

"Ano?" I gasped.

Tama nga ang hula niya. May tumulong luha mula sa aking mata at bumagsak ito sa papel. Bumaba ako agad. Nawala nayung gutom ko. Pinasok ko sa aking bulsa ang credit card ni Erwin at tumakbo papunta sa labas ng resort.

Nakita ko ang isang tipo ng mga tao na pinapalibutan ang isang matandang lalaki. Lumapit ako sa kanila at nagtanong kung ano ang nangyayari. Baka may alam sila tungkol kay Erwin.

"Uhm excuse me po," tinanong ko ang isang guwardya ng resort na sumali rin sa grupo, "Ano po ba ang nangyayari dito?"

"May nagnakaw ng kotse ng matandang lalaking ito. Dalawang oras na mula nung ninakaw ang sasakyan, pero hindi pa dumadating ang mga pulis!" Sagot ng matabang guwardya.

Hindi pa nagtagal ay narinig na namin ang sirens ng police mobile. May dumating na dalawang jeep ng mga pulis. Nakahinga ng maluwag ang guard, "Hayy...sa wakas, nandito na sila!"

Huminto ang dalawang jeep sa harap ng grupo ng mga tao at bumaba ang apat na pulis. Lumapit ang isa sa matandang lalaki at tinanong kung saan pumunta ang ninakaw na sasakyan. Tinuro na niya ang direksyon at pinakalma ng pulis ang matanda. Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit ako sa isang officer.

Humiling ako sa kanya, "Sir...pwede po ba akong sumama sa iyo?"

"At bakit naman hija?" Nagtaka siya.

Nagsinungaling ako, "Nawawala po kasi yung kapatid ko eh, bago pa lang siya nakalabas ng kulungan. Siguro siya ang nagnakaw ng sasakyan ng matandang iyon!"

"Sige," pumayag ang pulis, "Baka makakatulong ka pa samin!"

Sumakay ako sa pangalawang jeep at umalis na kami. Nasaan na kaya si Erwin ngayon. Siguro malayo na ang narating nun. I wish he's safe. I'm not listening to his letter, telling me not to follow him.

*
*
*

Hanz's POV

"Gumagalaw ang asul na dot sa map!" Sigaw ko sa piloto,  "Papunta ito sa east side ng isla!"

"Ibigay mo nga sakin iyan!" Utos ni Tessa sakin.

Inabot ko sa kanya ang mapa at magnifying glass. Binitawan niya ang controls ng Thrusterwing, at patuloy pa rin ito sa paglipad.

"Buti nga at nagawa ka pang tawagan ni Aimee!" Sabi ko sa kanya. 

Nakatingin pa rin siya sa map, "Buti nga, dahil kung hindi, siguro aabutin ka pa ng ilang linggo bago mo pa maabutan si Meredith!"

"Salamat ha? Malaking tulong tong ginagawa mo para sakin ngayon!"

"No problem. Hindi naman sakin tong Thrusterwing na ito eh!"

"Ano?"

"Ninakaw lang ko to mula sa isang Shadow Army base. Don't worry, nobody knows!"

Umupo ulit ako at tumingin sa labas ng bintana. Mabilis ang lipad ng aircraft na ito. Gawa kasi ito sa Gadian Technology. We can reach Meredith in no time with this thing.

"Maaabutan rin natin ang dot ni Meredith! Malapit na tayo! Siguro mga ten minutes na lang at makikita na natin siya!" Tessa reported.

I was supposed to react to what she just said, pero biglang nagsalita sa radyo si Aimee. May pinindot si Tessa at tumaas ang volume ng kanyang boses.

"Tessa, Hanz, GHOST Island is detecting Guardian Gunships on your airspace. BE cautious. Baka makabangga kayo ng isa. Tandaan rin niyo na walang kahit anong defense systems na nakahanda ang ninakaw ninyong aircraft!" Babala niya.

Kumunot ang noo ni Tessa, "Bakit mo ba naman nasabi iyan?"

"Nagmamadali kasi kayo! When we established contact with your aircraft, we managed to intercept the transmissions on the base where you stole that Thrusterwing from. Nagsumbong sila sa HQ na may ninakaw daw na Thrusterwing na walang nakahandang missile defense countermeasures at Shield Generators!"

"Patay!" Tessa exclaimed, "Don't worry. I've been piloting GHOST Aircrafts since 2018. Kakayanin namin ito!"

"Talaga lang ha? Sige! Mag-ingat kayo!" Namatay na ang transmission ni Aimee.

Naghintay ako sa aking upuan at tumingin ako sa controls. Ang complicated naman ng mga ito. Sa lahat ng Thrusterwing rides na aking naranasan, ito lang ang ride kung saan isa lang ang piloto ng ganitong klase ng eroplano. Kadalasan kasi, dalawa yung pilots dahil sa complexity ng aircraft.

"Shucks...I'm detecting three bogeys five kilometers ahead from us. Malaki ang mga ito!" Bigla nalang siyang nagsalita.

"Ano ba ang hinala mo?" Nag-aalala ko namang tanong sa kanya.

"Malaki ang mga ito, so I'm guessing tatlong Guardian Gunships. Kailangan na nating mag-ingat o baka babagsak tayo in no time!"

"Sure...ikaw lang naman ang piloto dito eh!" Sinuot ko na ang seatbelt ng aking upuan, "Just fly safely and out of enemy lines!"

"Are you kidding?" Ginulat niya ako, "A Thrusterwing is much faster and more agile than those slow moving sky tanks! Malalagpasin din natin sila!"

Huminga ako ng malalim. I can't believe I'm riding with this adrenaline-junkie. Parang nagkakaroon na ako ng takot sumakay ng Thrusterwing dahil sa babaeng ito. Hinigpitan ko pa ang hawak sa aking upuan habang binibilisan naman ni Tessa ang speed ng aircraft. I don't care what she does anymore. Just bring me to Meredith so I could see her again!

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon