Chapter 58 - Return

478 15 0
                                    

November 20, 2024 (0700 Hours)
Meredith's POV

Ilang buwan na ang lumipas at ngayon lang ulit akong nakapasok sa Rosethorn. Pagdating ko sa loob ng campus ay iba na naman yung rooms namin.

Sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Agad akong niyakap ni Sunny at Maya. Nagpaalam na si Hanz at pumunta na siya sa kanyang classroom.

"Kamusta ka na ba MJ?" Nag-aalalang tanong ni Sunny, "May ginawa ba silang masama sa iyo?"

"Oo nga, may ginawa ba silang masama sa iyo?" Dugtong naman ni Maya.

Ngumiti ako sa kanila, "Girls, girls....first of all, okay lang ako. But most of all, miss na miss ko na kayong lahat dito!"

"Kami rin kaya! Halos dalawang buwan ka na kayang hindi pumapasok ng Rosethorn?" Sigaw ni Sunny.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay may dumating na isang high ranking Shadow at pinatawag ako. Naghintay siya sa labas ng room, kaya napilitan pa akong lumabas. Pagdating ko sa kanyang harap ay agad siyang nag-utos, "Hinahanap ka po ni Superior Sylvia. Gusto ka niyang makita sa kanyang opisina!"

"Ano po ba ang pakay niya sakin?" Nagtanong ako.

"May gusto lang siyang sabihin sa iyo!"

Sumunod na ako sa kanya at nagpaalam ako kina Sunny at Maya na nasa loob pa ng room. Dumating na kami sa opisina ng superior at nakita ko si Sylvia na nakaupo sa harap ng kanyang desk. Napansin niya ako at agad siyang napatayo. Sinalubong niya ako na may kasamang yakap.

"Meredith Jane Venafuerte, welcome back to Rosethorn!" Pasimula niyang sabi.

"Thank you po sa warm welcome. Bakit po ba niyo ako pinatawag?" I went directly straight to the point to know the reason.

Ngumiti siya sakin at pinaupo ako sa isang sofa. Umupo naman siya saking tabi at sinagot niya ang tanong ko, "Narinig ko kasi...na tinulungan ka daw ng isa sa Fallen Fantasy Clans. Saan ba sa kanila ang tumulong sa iyo. Ironhearts, Resurgence, Xybdicate, o Archane?"

"Ahhhh...ahaha," I faked a laugh.

Shit. Hindi ko pwedeng sagutin ang tanong na iyan. I made a promise to Aimee two months ago. I will never compromise Xyndicate's involvement in me. Baka mapano pa ako. Baka bigla na lang sasabog ang kisame at kikidnapin na naman ako ulit nina Aimee kapag sasagutin ko ang tanong na iyan.

"Tell me. Interesado ako dito!" Excited yata ang punong Shadow.

Nagsinungaling na lang ako sa kanya, "Hindi po Xyndicate ang tumulong sakin. Tsismis lang po iyan. Ang talagang tumulong po sakin ay sina Hanz at ilang miyembro ng Warsa."

Napakamot siya sa ulo at parang nahihiya, "Ahhh...hindi pala yun totoo?"

Ngumiti siya sakin. Hindi ko to gustong banggitin sa aking isip pero, sira-ulo ba ang babaeng ito? Pinatawag niya ako para lang marinig kung FF Clan ba ang nagligtas sakin.

"Ano po ba talaga ang dahilan ng pagpunta ko rito?" Naglakas loob akong tanungin siya ulit.

"Ahhh...oo nga pala. Sabi ni Miss Shayne, nasa rank 21 na daw yung squad ninyong The Lost Heartz!"

"Yun lang po ba?" Parang nawawalan na ng galang yung tanong ko.

Pinapawisan yata ang superyor, "Yun lang...sayang...tsismis lang pala iyon!"

Kinagat niya ang kanyang labi at naiwan nalang akong nakatitig sa kanya. Pagkalipas ng isang minuto ay binalikan siya ng malay at pinayagan na niya akong umalis.

Lunch Break

Nasa isang table na kami sa cafeteria at kumakain. Katabi ko si Hanz habang sina Sunny at Maya naman ay nasa kabilang dulo ng mesa. Kinagat ko ang biniling burger at nakinig kay Hanz habang kinikwento niya sa kanilang dalawa ang nagawang kabayanihan ni Erwin.

Napatingin silang dalawa sakin nung dumating na si Hanz sa bahagi ng kwento kung saan na namatay si Erwin.

"Mabuti talagang tao si Erwin no?" Sabi ni Maya kay Sunny, "I kind of like, underestimated him while he was still alive!"

"Oo nga, nagawa pa niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kanyang kaibigan," dugtong naman ni Sunny.

"Ito rin kayang boyfriend ko? Muntikan na siyang mapunta sa kalaban para lang mailigtas niya ako mula sa mga rebeldeng iyon!" I mentioned Hanz.

Tumingin siya sakin and he pinched my cheeks lightly, "Ikaw talaga. Wag mo ngang isabi iyan sa kanila. Nakakahiya eh!"

Tumawa kaming tatlo at nagpatuloy sa kwentuhan habang kumakain. Everything is going back to normal, returning to the common peaceful state. Sana wala nang masamang mangyari sa susunod na mga araw, but that's only a wish. We know the Guardians wouldn't stop until they get to me. Though things are going well again, we still had to remain vigilant.

After Dismissal

Nasa mansyon na kami ni Hanz at kami lang dalawa ang nasa loob ng tahanan. Wala na si Erwin. Nakakulong naman si Dan. Hindi naman kami pwedeng magpapasok ng ibang tao dito dahil sa mga mahalagang bagay na nakatago sa loob ng mansyon.

Pagkatapos naming magbihis ay sabay kaming bumaba sa sala. Umupo kaming dalawa sa sofa at sumandal ako sa kanya. Binuksan ni Hanz ang TV at lumabas ang isang sports channel. Inilipat niya to sa isang news channel at nakinig kami.

Nasa balita ang tungkol sa mga Biomorph outbreaks na nangyayari sa ibang bahagi ng mundo. Nakikita namin ang mga Swedish Shadows sa TV na lumalaban sa mga zombies na parang hindi na hugis ng tao ang anyo.

"Ang gulo ng mundong ito no?" Nagbiro si Hanz and he slowly brushed my head, "Kailan pa ba kaya ito matatapos?"

"Matagal pa siguro. Kung kailan may Guardians, may masama ding mangyari. Pati na rin ang Insurgence. Mahirap silang hanapin lahat dahil nakatago sila sa ibat-ibang sulok ng mundo!" Seryoso ang sagot ko sa kanya. Nakuha ko lang ang mga sagot kong ito mula sa Fantasy Era History Subject.

Oo. Kahit pitong taon palang ang Fantasy Era ay may history subject na ito sa mga Shadow Schools. Nakasulat dito ang mga mahahalagang detalye tungkol sa henerasyon namin ngayon.

Binuntonghininga ako habang tumitig kay Hanz, "Kailan ba tayo magpapakasal, mahal?"

Nabigla siya sa tanong ko at tumingin sa aking mga mata. Ngumiti siya at hinalikan ang aking noo, "Soon Mery...kapag wala nang hahabol sa iyo. Kapag matatalo na yung mga naghahanap sa iyo, magpapakasal tayo agad, and we'll go away together where there's only the two of us!"

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon