Chapter 39 - Captured

605 21 0
                                    

September 15, 2024 (0100 Hours)
Meredith's POV

Nagising ako sa gitna ng isang malawak na kuwarto. Kinadena na ang mga braso ko ng isa sa mga tauhan ni Rave. Isang linggo na akong nakakulong dito. Ilang beses na nila akong tinatanong pero wala akong alam na sagot.

"Nasaan ang isang kalahati mo?"

Pabalik-balik yan sa aking isip. Ano kaya ang ibig nilang sabihin? Wala akong alam tungkol diyan. Isang kalahati raw. Ano kaya ito?

I could hear someone's footsteps. Baka isa na to sa mga sundalo ni Rave. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Basta pag-gising ko pagkatapos nila akong dukutin ay nandito na ako sa loob ng kulungang ito.

Bumukas yung malaking bakal na pinto. Lumantad si Rave at ang dalawang sundalo niya. May dala siyang cellphone at nakangiti siya habang lumapit siya sakin.

"Tumawag ang kaibigan mo," pinakita niya sakin ang cellphone, "Sabi niya sakin na isusuko niya daw ang kanyang sarili kapalit ang pagkalaya mo!"

Marami ang pumasok sa aking isip matapos niyang sabihin ang salitang 'Kaibigan'. Nagpatuloy siya, "A trade. The Bio-1 Virus for your freedom. It's a good bargain I must say!"

Bio-1 Virus. Wala nang meron ng ganyan kundi si Hanz. Nawala yung lahat ng galit ko. Napalitan ito ng matinding pag-alalala.

"Anong gagawin niyo sa kanya pagdating niya dito?" Nanghihina yung boses ko.

Ngumiti siya na parang baliw, "Syempre. Kung nasa loob ng kanyang katawan ang virus, kailangan muna naming tanggalin ang mga vital organs niya gaya ng puso o utak. Baka mapipilitan rin kaming putulin ang isa sa kanyang mga binti. Normal lang naman ito na paraan sa pagkuha ng virus. Since konti lang ang chance na dumadaloy ito sa dugo, kaya dapat naming kunin ang isa sa mga bahagi ng katawan niya lalo na kung saan mas malaki ang pagtitipo ng Biomorph cells, gaya ng mga kamay niya kung palagi itong nag-iiba ng anyo."

"Normal? Normal pa ba yan para sa inyo? Kumakatay na kayo ng tao para lang sa isang sakit!" Sinubukan ko siyang sigawan pero mahina na talaga ako.

Tumawa siya, "Normal ito para sa aming mga taga-Insurgence. Since hindi nakakahawa ang virus na ito, kahit isang halik pa man o ubo ng host, ay hindi pa rin ito contagious. Carrier-loyal ang tawag namin sa virus na ito dahil dumidikit lang siya sa isang host, di gaya ng Bio-2 na talagang gumagawa ng zombie apocalypse sa isang syudad!"

So mali pala ang hinala namin. Hindi contagious ang virus. Kaya nga hindi ako nagkasakit matapos niya akong hinalikan. Nagalit ako sa kanya dahil sa maling akala. Naniwala ako agad sa tinuturo samin sa Rosethorn. Naniwala ako agad sa sinabi ni Dan, na nakakahawa raw ito, pero hindi ito totoo. Baka si Dan lang ang nagsisinungaling sakin. Baka alam niya talaga na hindi infectious ang virus, at tinuturo lang niya sakin ang mali. But for what? Is he trying to separate me and Hanz?

"You have very good friends Meredith, and I salute you for that," tinalikuran na ako ni Rave, "Saving you for a trade. I'll take your friend and the virus, but I won't let you go. Grand Master Todd doesn't want you to escape again. May plano pa ang Guardians para sa'yo Meredith. Too bad. I still want to sleep with you though."

Tumawa siya ng malakas pag-alis nila ng kulungan. Shit. It's a trap. Hanz will be risking his life for nothing. Kailangan ko silang macontact, pero pano? Wala akong pag-asang makalabas. Hindi ko rin kayang palabasin ang blood rays ko, o gumawa lang man ng apoy. Nanghihina ako dahil parang may pinapakain sila saking mali.

*
*
*

Erwin's POV

Medyo madilim pa ang langit. 4:36AM pa nga. Nasa gitna na ako ng isang gubat sa Baguio, naghihintay sa ipapadala ni Aimee sakin. Nasa ilalim ako ng malalaking puno.  Para sa mga ordinaryong smartphone, walang signal dito, pero isang Shadowtech device ang dala ko ngayon.

A minute later, may narinig akong ringtone mula sa holophone. Kinuha ko ito mula sa bag na dala ko, binuksan at lumabas ang details sa isang clear glass screen.

Pinakita nito ang mapa ng buong Insurgence Facility. Pinapakita rin nito ang mga ligtas na lugar kung saan ako papasok na walang makakakita. Nag-ring ito ulit. Tumatawag si Commander Aimee. Sinagot ko ito, at lumabas ang kanyang mukha sa screen.

"Natanggap mo na ba ang pinadala ko sa iyo?" Tanong niya sakin, "They contain all the details and intel you'll need to infiltrate the base. You'll have an easy time if you'll follow everything I sent to you."

"Natanggap ko na po Commander. Salamat po sa assistance ninyo!" Sagot ko.

"Good. The only hard part is finding Meredith. You might even be forced to dress up as an Insurgence soldier to get more info to locate her quickly. I know you can do this Ren. Just avoid the Biomorphs there on the jungle. Our scouts classified them as Type 1 Animal Class Biomorphs. Maaaring Canine-type, Avian-type, at Arachnid-type ang makakaharap mo diyan. Mag-ingat ka Hanz. Darkness and Light!"

Darkness and Light. It's our way of saying good luck in Xyndicate. Binasa ko ang lahat ng pinadala ni Aimee. Tumayo na ako at pinasok ang device sa loob ng bag. Sinimulan ko na ang paglakad. Pagdating ko sa Insurgence border ay nakita ko ang mahahabang electrical fence. Kapag aakyat ako dito ay siguradong mamamatay ako agad. Ginawa ito para hindi makalabas ang mga alaga nilang Biomorphs.

Tinaas ko ang aking kamay at tinutok ang palad sa fence. Pumikit ako at nag-isip ng mabuti. I focused all the energy on my palm. Binulong ko ang isang spell, at lumabas ang mga spark ng kuryente mula sa aking kamay. Pinalaki ko pa ang bola ng kuryente. Nang maramdaman ko na sapat na ito para sa isang electrical overload, binitawan ko ang concentration.

Sumabog ang bolang kuryente mula sa aking kamay at tumama sa electrical fence ang isang kidlat. Narinig ko ang pumapatay na electrical current ng fence. Mula sa malayo ay narinig ko ang isang pagsabog. Na-overload na ang power generator. Now is my chance.

Inakyat ko ang mataas na fence at nakapasok na sa loob ng base. Sinalubong na naman ako ng isang malawak na gubat, na alam kong punong-puno ng mga halimaw ng Insurgence.

I know my mission has begun by the time I stepped inside enemy lines. Main Objective: Rescue Meredith.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now