Chapter 21 - Preparations

1K 25 0
                                    

August 9, 2024 (1:03pm - 1300 Hours)
Dan's POV

Nasa labas ako ng campus habang nakatitig sa mga matataas na walls. Yung gate ng Rosethorn ay nasa harap ko lang. Ilang metro lang ang layo ko mula sa main entrance, pero hindi ako lumapit dahil baka makita ako ng mga guards.

Narinig ko kasi ang magiging laban nina Meredith ngayong gabi. Naramdaman ko na isang magandang entrance ang gugulat sa kanila matapos ang laban. I will come out in time after the battle. Gusto ko lang talaga ng surprises. Thrilling kasi kapag ganun. Walang aasa sa pagdating ko.

Hawak ko na ang aking bagahe. Lilipat na ako sa mansyon ngayon. Ilalagay ko lang muna ang mga ito dun at magpahinga hanggang gabi.

Nagring yung phone ko, at kinuha ko ito mula sa bulsa ng pants ko. May narinig akong boses ng kilala ko, "General Dan. We are having reports of unusual activity there in Rosethorn. Salamat nga at sinend mo samin ang report tungkol sa pagkawala ng Swordsman class sa Class Tree ng Rosethorn. May hinala kami kung bakit ginawa yun ng suspect!"

"Ano naman ang nasa kutob niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa tingin namin, tinanggal ang Swordsman class para walang makakaahon sa mataas na ranking at class. Parang may takot kasi na malalagpasan sila ng kahit isang Shadow lang..."

"At tinutukoy mo ba ang mga Superiors diyan?"

"Yun nga ang nasa isip namin ngayon. Ang Rosethorn ay may labindalawang Superiors assigned diyan. Halos lahat ay nasa special mission, at ayon sa intel na nakuha namin ngayon ay tatlo lang ang natitira na Superiors diyan. Kauuwi palang ng dalawa pang Superiors mula sa mga misyon nila"

I smirked, "So sinasabi mo ba na ako na ang nagreport nito ako pa ang gagawa ng marami pang imbestigasyon?"

"We'll take care of the investigation General Dan. Further Intel is classified" nagpause ng ilang segundo ang caller, saka naman nagpatuloy, "We are requesting you to stand by for orders, for now. Since diyan ka na naka-assign sa Rosethorn, sabihin mo lang samin kung may makikita kang kakaiba. Kami na ang bahala niyan! Pero sa ngayon, enjoy your stay there!"

At narinig ko na ang mahabang beep. Pinasok ko ulit sa bulsa ang phone ko at naglakad patungong mansyon namin.

Meredith's POV

Nasa arena lang ako, nakaharap sa isang dummy. Nasa tabi ko lang sina Maya at Sunny. Inoobserbahan nila ang aking mga galaw tuwing nasa laban. Sa ngayon ay tinuturuan nila ako ng basic combat. Hindi kasi muna nila pinapagamit ang kapangyarihan ko. Sinubukan ko ring alahanin ang mga tinuro nila sakin kahapon noong oras ng PE. Tama nga sila, kakaiba yung PE ng Shadow schools.

Sinuntok ko ng dalawang beses ang dummy. Inulit ko ito hanggang sa napagod na ako sa kasusuntok.

"Alam mo ba kung bakit ka madaling mapagod sa combat MJ?" Pinunasan ni Sunny ang pawis na nasa mukha ko.

Dinugtungan naman ito ni Maya, "Eh kasi mali ang mga suntok niya. Paulit ulit ang isang move. Kailangan may Grace kaya ang moves mo tuwing nasa laban para mas lalakas yung attacks!"

"Grace? Ano to, dancing?" Humihinga ako habang tinanong ko siya.

Tumawa si Maya, "Oo parang ganun yata, pero ihahalo mo ito sa pakikipaglaban!"

Dumating si Hanz, dala ang isang duffle bag. Nakangiti siya, pero parang tatawa na yata siya habang sinusuntok ko ang dummy. Sumigaw siya sakin, "HOY MEREDITH! Pwede ba kitang turuan sa combat?"

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya sakin. Hindi ko na siya tinanggihan. Magaling rin naman siya eh. "Sige na nga. Paturo po, Major!"

Tumayo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking braso, "These hands? Since maliliit ang mga ito, kailangan mo ng Grace para mapropel mo pa ang pagsuntok mo!"

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon