Prologue

5.6K 99 0
                                    

Nakaupo ako sa loob ng kulungang gawa sa kakaibang uri ng bakal. Ang sakit lang talaga, dahil hindi niya agad sinabi. Ang sakit dahil matagal siyang nagsinungaling sakin. Ang sakit, dahil kung matagal ko nang nalaman ang totoo, mailigtas ko na sana ang kaibigan ko noon. Sa gitna ng aking nararamdaman ngayon, natatakot rin ako dahil baka hindi na niya ako tatanggapin ulit. Alam na niya ang totoo. Alam na niya, na ako ang ugat ng lahat ng mga pangyayari.

"Mery! Pakinggan mo naman ako!" Sigaw niya mula sa labas ng kulungan.

Tumutulo yung luha ko nang sinagot ko siya, "Alam mo na...alam mo na isa akong halimaw! Isa akong mamamatay tao!"

"MERY!" Sigaw niya, "Wag kang magsalita ng ganyan!"

"Nakita mo naman diba? Kung paano umiba ang anyo ko?"

"Mery.....nakita ko nga," he sighed, "Para sa kanila, iba ka nga, pero para sakin, ikaw pa rin babaeng mahal ko!"

Gumaan ng konti yung pakiramdam ko matapos niya tong sinabi. Pumasok talaga siya sa loob ng kampo ng kalaban para iligtas niya ang halimaw na gaya ko. Handa niyang ibuwis ang buhay para mapalaya niya ako. Ang sakit ngang isipin na ginagawa niya ang lahat ng ito para sa isang babae na dulot ng lahat ng gulo, at ang babaeng iyon ay walang iba kundi ako.

"MERY! Tumayo ka diyan at lumapit ka sa pinto!" Utos niya.

Hinawakan ko ang aking tiyan. I felt the long scar that marked my first death.

"Mery! Hindi ko kayang mabuhay na wala ka sa tabi ko!" Sigaw naman niya.

Tumulo ulit yung luha ko. Tinanong ko siya, "Kaya mo bang mahalin, ang isang babae na kalahating demonyo?"

Natahimik ng ilang sandali. Sumakit ang dibdib ko. Inasa ko na negatibo yung magiging sagot niya. Sa wakas ay nagsalita na siya, "Kahit ano pa man ang kalahating anyo mo, mamahalin kita ng husto. Pareha lang tayo Mery! Halimaw ang tingin ng iba sa atin, pero nagmamahalan ang tingin natin sa isat-isa!"

Kinaya kong ngumiti dahil sa mga sinabi niya. Tumayo ako at lumapit sa bakal na pinto. Kinatok ko ito, "Sige...nandito na ako, mahal!"

Binuksan na niya ito, pero imbes na tatapak ako sa labas ay sinalubong niya ako ng yakap.

"Diba sabi ko sayo na hindi kita pababayaan?" Napaiyak niyang sabi.

Binalot ko rin ang mga kamay ko sa kanya, "Salamat, mahal...salamat, dahil tanggap mo pa rin ako!"

Habang nagyakapan kaming dalawa ay narinig namin ang pagdating ng mga kalaban. Tumingin kami sa kanila at hinanda ang aming mga sarili. Pinunasan niya ang aking mga luha, "Magtago ka sa loob! Ako na lang ang lalaban sa kanila!"

Hindi ako pumayag. Hinawakan ko ang kanyang kamay, "Hindi. Sabay-sabay tayong lalaban. Kaya natin to!"

Hindi na siya kumontra. Ngumiti siya sakin at hinarap namin ulit ang mga kalaban. Nanigas na yung kaliwang kamay ko matapos kong pinalabas ang totoo kong kapangyarihan.  Inilabas na ng aking katabi ang kanyang piraso ng daggers. Tumakbo na papunta samin ang mga kalaban, at bigla nalang bumilis ang oras.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now