Chapter 35 - Guardian Movement

650 20 0
                                    

September 5, 2024 (1143 Hours)
Dan's POV
WARSA HQ (West Anthony of Ralandan's Shadow Academy)

Ang monitors ay puno ng live CCTV feeds ng kulungan ni Rave sa detainment facility. Hindi pa ako aalis hanggang ililipat na siya sa New York High Shadow Prison.

"Corporal," hinawakan ko ang balikat ng isa sa mga tauhan ko, "Could you put us to cam five. It looks like he's writing some sort of symbol on the other side of the room!"

"Right away General!" May tinype siya sa kanyang keyboard at umiba ang nasa monitors.

Nakita namin si Rave, na parang may ginuguhit na simbolo sa pader gamit ang isang kutsara na dinal namin sa kanya kasama ang kanyang tray ng pagkain.

"Zoom the camera!" Utos ko sa kanya.

Lumapit ang view ng camera at naging malimaw pa ang ginuguhit ni Rave. Isa itong triangle na may mata sa gitna. Matapos niya 'tong naguhit ay tumingin siya sa camera na nakangiti. Tinaas niya ang dalawang kamay at binitawan ang kutsara. Tinuro niya ang simbolo habang tumatawa.

"What does it mean sir?" Tanong ng tauhan ko sakin.

"I don't know Corporal. Maybe he's just messing around with his shitty doodles!"

Pinasok ko sa isip ang ginuhit ni Rave. Baka may kahulugan ito. Bago ko pa to maimbestigahan ay may tumawag sakin na Shadow.

"Heneral...heneral! Kailangan niyo po itong makita!"

Humabol ako sa isang Shadow na tumakbo sa kabilang bahagi ng command center. Tinuro niya sakin ang laman ng kanyang monitor at nagpaliwanag, "Yung branch po natin sa Maynila. They've detected a lot of Guardian Movement there sir. Sabi nila, they are exporting Guardians from there to somewhere around the Philippines!"

"Hindi ba nila alam kung saan talaga ini-export ang mga Guardians na ito?" Tanong ko sa kanya.

"Pasensya na po Heneral, pero hindi po nila alam kung saan pinapadala ang mga Guardians na ito! Ayon po sa mga Sentries natin dun, mga high rankers daw ang pinapadala. Siguro training movement lang daw ito!"

"Salamat Sarge...ii-inform ko na ang Shadow Army ng Pilipinas tungkol dito!"

Umalis na ako sa station niya at lumabas ng command center. Bumalik ako sa monitoring station. Tumingin ako ulit sa mga monitors. Nakaupo na si Rave at kinakain na niya ang kanyang ulam. Tinalikuran niya ang ginuhit niyang simbolo. Tumingin ako ulit sa ginuhit niya. Isa itong triangle na may mata sa loob nito.

Kinuha ko ang aking cellphone at sinearch, triangle with an eye. Ang mga lumabas na larawan ay kagaya rin sa ginuhit ni Rave. Pinindot ko ang isang website at binasa ang artikulo.

Illuminati. A secret organization with the symbol of a triangle or a pyramid with an eye on the center.

Hindi ko na binasa ang buong artikulo. Ang kailangan ko lang ay ang pangalan. Illuminati. Hindi ko yan kakalimutan. Tapos na ang unang problema ko. All I need to do now is to investigate more further, and find out about the Guardian Movement. Hindi nga sigurado ang branch namin sa Maynila kung talagang Training Routine lang ba ito. Pero kailangan naming mag-ingat pa rin. We won't know what'll happen next.

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon