Chapter 41 - Underground

555 19 0
                                    

Black Mountain, Ralandan
September 15, 2024 (0600 Hrs)
Hanz's POV

"Go ahead, make the call!" Tumingin si Miss Aimee sakin matapos niyang hinagis sa harap ko ang isang cellphone.

Hinila ko palapit ng mesa ang aking upuan at tumingin sa cellphone. Kinuha ko ito at tumingin kay Dan sa kabilang dulo. He nodded. I turned the device on, at agad kong tinawagan ulit si Rave. Nagring ang telepono bago dumating ang kanyang boses.

"So, when will you arrive my precious specimen?" Agad akong sinalubong ng isang tanong.

"Nasaan muna si Meredith?" Tinanong ko siya.

Pinahintay niya ako at natahimik ng ilang sandali. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ng isang babae na parang sinasaktan. Kinagat ko ang labi ko at sumigaw, "MERY? NASAN KA?"

"Nandito siya, don't worry Hanz," sinagot ako ni Rave.

Naring ko ang maingay na paghinga ng girlfriend ko. Hindi ako nakapaghintay, "Mery, okay ka lang ba?"

"Mahal? Hanz...wag kang pumunta rito," masasabi ko talagang nanghihina siya dahil sa tono ng boses niya, "Wag kang pupunta rito mahal...may gagawin silang masana sa'yo kapag pupunta ka! Wag mong itulo-"

Narinig namin ang pagsampal. Sumigaw ako, "WAG NIYO SIYANG SAKTAN!"

"Pasensya na, pero medyo madaldal naman itong kaibigan ninyo!" Tumawa siya at nagpatuloy, "Be here by noon, or the deal is off!"

Natapos na ang call at napatingin ako kay Miss Aimee. Parang wala lang sa kanya ang sitwasyon ngayon. Si Dan naman ay nakasandal sa kanyang upuan. Noon daw, kailangan nandun na ako. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tumayo ako at dumeretso sa armory. Sumunod naman sakin si Dan, habang nakatayo lang sa pwesto niya si Aimee.

*
*
*
*
*

(0600 Hours)
Erwin's POV

Nadaanan ko ang ilang mga silid na may ibat-ibang laman. Ang iba ay may mga halimaw sa loob na nagpapaingay sa buong lugar. Yung iba naman ay lalagyan ng mga baril. May lagayan pa nga ng mga gamit ng mga Shadows na kanilang napatay.

Masyadong marami ang nga sundalo sa corridors, kaya pumasok ako sa isang kwarto para magtago ng ilang sandali. Kinuha ko ang holotab mula sa aking bag at binuksan ang map ng buong base.

Bago ko pa to matignan ay biglang nagring ang device. Nagsalita ang AI system na si RAID, "Commander Aimee Markestra is on the line sir. Initiating call encryption mode. Line secure. Proceed to call?"

"Proceed," utos ko sa holotab na may sariling isip.

Umiba ang larawan sa screen at lumabas ang pangalan ni Aimee. May speaker icon sa ibaba, at nagsalita na siya, "Ren...huminto ka muna!"

Nagtaka ako. Tinanong ko siya matapos ang kanyang bagong utos, "Bakit po? Ano po ang problema?"

"Hanz just made a deal with Rave five minutes ago. Rave wants Hanz to surrender himself by noon!" Sabi niya sa mahinang tinig.

"Then I have more time to find and save Meredith. We could also stop Hanz from surrendering himself right?" Tanong ko sa kanya.

"We can still stop Hanz. Look, I'm sorry about yesterday, saying that Hanz's life doesn't matter. I was just frustrated and stressed out about our situation now!"

"Okay lang po Commander. Naiintindihan ko po kayo." Huminga ako ng malalim matapos ko siyang sinagot.

Natahimik ng ilang sandali. Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig na mapipigilan pa namin si Hanz sa kanyang pagsuko.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now