Chapter 53 - Departure

504 18 0
                                    

October 13, 2024 (0700 Hours)
Erwin's POV

Kinatok ko ang pinto sa room ni MJ. Hindi pa siya sumasagot. Naghintay ako ng ilang sandali. It was a big mistake kissing her last night, pero may rason naman kaming dalawa. Pareho kaming lasing, so it's understandable. Kinatok ko ng pangalawang beses ang pinto at narinig ko na ang kanyang boses.

Binuksan ni MJ ang pinto at nakita ko siya sa aking harap na gulong-gulo ang buhok, "Uhmmm...Hi Erwin?" Sabi niya sakin habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Meredith, bibili lang ako ng ulam natin. I'll be back in an hour! Kung hindi pa ako dadating, just take my card and buy yourself something to eat, okay?" I told her.

"Uhh..okay. Sige, matutulog na lang ako ulit." Babalik na sana siya sa loob pero pinigilan ko siya.

Hinawakan ko ang kanyang braso bago pa siya nakapasok, "MJ, sorry about last night. I didn't mean to kiss you."

Tumingin siya sakin, namumula ang mga pisngi, "It's okay...pareho naman tayong lasing eh. Let's just pretend that it never happened, k?"

Binitawan ko na siya at sinara na niya ang pinto. Bumalik na ako sa loob ng aking kuwarto at umupo sa kama. Minasahe ko ang aking noo. Pumasok na sa isip ko ang huling tawag ni Miss Aimee sakin. This is the day. The third day.

*
*
*
October 10. The Day of the Factory's Attack.

Nakatulog si MJ sa biyahe. Nakahiga siya ngayon sa mga gulay ng trak na sinasakyan namin. Nakangiti akong nakatingin sa kanya.

Tumingin na naman ako sa labas at nakita ang maraming resort at bahay. Boracay is truly a paradise. Habang nakatingin sa labas ay bigla nalang nagring yung bulsa ko.

Kinuha ko ang bagay, at ngayon ko lang natagpuan ang aking cellphone. Nangamba ako dahil kanina pa pala itong nasa bulsa ng aking robe. Baka na track na nga kami ng kalaban. Itatapon na sana ko to sa kalsada pero pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang pangalan ni Aimee.

Sinagot ko to agad at narinig ko ang kanyang boses, "Erwin! DO you see any weird marks on your body?"

"Ano? Anong marks po?"

"Cast a Scan Spell on you immediately! WALA NA KAMING ORAS DITO!" Sigaw niya sakin habang naririnig ko ang putukan mula sa phone.

Nag-cast ako ng Scan Spell sa sarili. The Scan Spell detects any invisible units and buffs. Habang umilaw ang buo kong katawan ng kulay yellow, may ibang kulay ang lumabas mula sa aking kaliwang braso. Isa itong triangular symbol na may mata sa gitna. Pagkatapos ng scan, pumasok lahat sa isip ko ang nascan ng aking spell, at dun ko na nakuha ang sagot.

"Miss Aimee," sambit ko.sa phone, feeling guilty and upset, "May Track Spell pong nakasabit sakin!"

"Now we know how the enemy found this base," narinig ko ang pagputok ng baril, "Erwin, every track spell has a cool down effect. Once used, you'll have to wait before you could use it again! A Guardian's track spell cools down every three days! Plus, the Guardians are the only ones who could cast track from a long distance. Could you recall a moment on the day you saved Meredith were you could have gotten exposed?"

"Yung tumatakas na kami sa labas ng base! Yung hinahabol na kami ng choppers! Baka may nagcast ng Track mula sa isang helicopter!" Sagot ko.

"Posible nga yan. Kung ngayon lang nila inatake ang base natin, siguro ngayon lang din nila nagamit ang track. You have three days to make your escape!"

"Pero saan ba kami tatakas? Malalaman din nila kung saan kami tatago!

Natahimik si Aimee. In the midst of her silence, naisip ko na kung bakit siya natahimik.

"Alam ko na ang dapat kong gawin Miss Aimee!" Sabi ko sa phone.

May narinig akong pagsabog, "I know what you're thinking, but it'll cost you your life when they find you!"

"I don't care about what will happen to me Miss Aimee. Basta mailayo ko lang sa panganib si MJ, okay na!"

Natahimik ng ilang segundo si Aimee, "Then good luck Erwin. It's your decision. Xyndicate will respect it.......sige na, kailangan ko nang tapusin ito. Hindi pa tapos ang laban dito. Darkness and Light Erwin!"

Nawala na ang kanyang boses. Binitawan ko ang phone at nanginginig ang aking buong katawan. Tumingin ako kay MJ na natutulog pa rin.

Pumikit ako at tumulo ang aking luha. "I've got three days," bulong ko sa sarili, "May tatlo pa kaming araw bago nila i-activate muli ang Track Spell."

Binuksan ko ang aking mga mata at tumingin na naman kay MJ. Ngumiti ako at nagsalita, "Don't worry MJ. I'm not leaving you behind a memory of my death. I'll make these last three days of my life happy for you. I'll waste anything before I die to make you happy. If you'll find out about this, then I'm sorry if I kept it for myself. I will serve to protect you, until I die. "

*
*
*

I bit my lip. Tumulo yung luha ko habang iniisip ko ito. Kumuha ako ng isang papel at ballpen. Pagkatapos kong isulat ang isang note, I placed my credit card right next to it.

Lumabas na ako at kumatok ulit sa pinto ni MJ. Binuksan niya ito, halatang inaantok pa rin. Inabot ko sa kanya ang susi sa aking room, "Heto ang susi sa aking kuwarto. Kung gutom ka na at wala pa ako, kunin mo ang aking card mula sa desk and treat yourself. I forgot to tell you that I'll be buying us some gear, so matatagalan pa nga ako!"

"Sige Erwin...ingat ka ha?" Kinuha na niya ang susi.

"Sige. Matulog ka na ulit MJ. Aalis na ako. Goodbye."

Bago pa niya masara ang pinto ay binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. Pagkatapos nito ay nagtaka siya kung bakit ko yun nagawa, pero I reasoned that it was my act of apology.

Umalis na ako ng hotel. Lumabas na ako ng resort at nahanap ko ang isang sasakyan na iniwan ng may-aring nakaandar. I took the chance. Ninakaw ko ang sasakyan at umalis agad ng lugar.

"Goodbye Meredith. I'm gonna go somewhere so far away from you. I'm already a threat to your safety. Please, understand!" I cried again. I wiped my tears off and smiled. Alam kong tama tong aking ginagawa para sa kanya.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now