Chapter 67 - Devil's Grasps

530 14 0
                                    

Dan's POV

Sumakay ako ng Thrusterwing na puno ng galit kay Aimee. Kung hindi pa sana niya pinadala ang lahat ng mga Shadows dun sa Warsa, hindi sana makuha ng kalaban sina Meredith.

Kumapit ako nang lumiko ang aircraft. Yumanig ito nang matamaan ng bala.

"General, the target flagship is below us! I'm opening the rear gate now!" Sumigaw ang pilot at dumeretso ako sa likurang bahagi ng aircraft.

Bumukas ang malaking pinto. Pababa itong bumukas at pumasok ang malakas na hangin. Yumanig na naman ang aircraft at muntik na akong matumba, pero nakakapit ako sa isang upuan. Full open na ang cargo door, at tumakbo na ako papunta sa labas. Tumalon ako mula sa Thrusterwing.

I was free-diving towards the flagship Hanz and Meredith are in. I landed on its upper hull, at kumapit ako ng mabuti para hindi ako mahulog. Nakita ko ang isang maintenance hatch, at dun na ako pumasok. Binuksan ko ito at lumabas ang kulay puti na usok. Nang makababa na ako, tumapak ako sa isang curved hallwag. Nagsimula nakong maglakad nang makarinig ako ng sigawan. May bumangga na katawan sa pader at nahulog ito sa sahig. Nilapitan ko ito at nadatnan ako ng isang matangkad na babae. Napaatras ako nang malaman na si Lina Lionheart pala ito.

I placed my fist on my left chest to show my respect, "General Lina, it's an honor!"

"Dan," she made the same gesture, "Ang tagal na nung huli tayong nagkita!"

"Alam ko," Tumingin ako sa kanya at nagtanong, "Nahanap niyo na po ba ang kulungan nina Meredith at Hanz?"

Tinuro niya ang hallway na kanyang pinagmulan, "Nandun sila! Ako na ang lumaban sa iba pang mga kalaban para makaalis sila ng maayos!"

"Sige, salamat po Heneral Lina, mauna na po ako!" Tatakbo na sana ako, pero bigla niyang hinawakan ang aking balikat.

"Mag-ingat ka Dan," nagbabala siya, "Napansin ko na may nabuo siyang galit at lungkot para sayo nung nalaman na niya lahat! There's a chance that the enemy might control her and awaken the other side! It seemed that the curing process on bringing her back didn't work the same way as at did on you. She's confused. She might have accepted herself during our talk, pero may nabuo pa ring galit at lungkot nung nagpaalam na ako sa kanya!"

"Sige po, salamat po sa inyong payo!" Tumakbo na ako papunta sa tinuro niyang daan.

Tumulo yung pawis ko habang iniisip ang sinabi niya sakin. May galit at lungkot si Meredith, no, Ivy sakin. Nauunawaan ko naman. I knew this would happen, but there is no other way to cure her but to tell her in the end where she already knows how to accept herself. If she'd known that bringing back her memories needed a long period of processing, she wouldn't be mad at me, but the risk of her other side taking over would be high. Her Hellmorph form is evil if triggered all of a sudden. It will take over Ivy off-guard if we'd reveal all the truth right away in a sudden. The Curing Phase worked, but the Revelation Phase, not so sure.

*
*
*
Hanz's POV

Tumatakbo na kami papunta sa bridge. Hinahanap namin ang controls para barilin namin ang mga ibang nakapaligid na gunships.

Narating na nga namin ang bridge. Akala namin wala na kaming poproblemahin pa, pero nakita namin ang isang nakaputing uniporme na nakatayo sa gitna ng malaking control room.

Nakatayo sa gitna ng bilog si Todd. Bitbit niya ang kanyang espada, at nakangiti siyang nakatingin samin.

"Wag ka nang pumalag Todd! Alam ko na ang lakas ng aking kapangyarihan, and there's two of us and one of you!" Naglakas loob magsalita si Mery sa kalaban.

Mula sa ngiti, tumawa siya ng malakas. Tumawa siya hanggang sa nawalan ng hangin at tumigil upang magsalita, "So alam mo na lahat, Ivy Leia Roselia?"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now