Chapter 65 - The Wounding

489 16 0
                                    

December 2, 2024 (0800 Hours)
Dan's POV

Nadaanan ko ang maraming tao na tumatakbo palayo ng syudad. Ang ilan sa mga sasakyan na paalis din mula sa kaguluhan ay muntik ko nang mabundol, pero naiwasan ko naman lahat.

Dinig ko ang ingay ng mga Guardian Transport Ships na lumilipad sa ibabaw namin. Tumingin ako sa isang gusali, at bigla nalang sumabog ang isang bahagi nito matapos barilin ng cannon ng isa sa mga gunships.

Napansin ko ang mga puting uniporme sa unahan. They were forming a line to block me in front of an abandoned oil truck. Tinutok nila sakin ang kanilang mga baril at naghanda.

Kaya pala nila ako napansin dahil nakauniporme Shadow pa rin ako. I can't run them over. Tinapakan ko ang upuan ng motorsiklo at tumayo habang minamaneho pa rin ito. Binitawan ko na ang throttle. I maintained the motorcycle's balance with my feet, then the Guardians started to shoot. Pagrinig ko pa pang sa unang putok ay nag-back-flip ako at lumanding sa simentong kalsada. Dumeretso ang motorsiklo sa mga Guardians. Umiwas ang nasa daan ng motorsiklo habang patuloy sa pagbaril ang iba.

Ngumiti ako, "Mga bobo,"

Bumangga ang motor sa oil tanker at sumabog. Nahuli ng pagsabog ang mga Guardians na nasa tapat ng oil truck, at nawala silang lahat matapos lamunin ng apoy. Tumakbo ako papunta sa unahan, pero may dumating pa na dalawang Guardians. Pinakita nila sakin ang kanilang mga espada, saka tumakbo papunta sakin.

Himapas ng isa ang kanyang sandata pero naharangan ito ng aking blade na bago pang nabuo. Sasaksakin sana ako ng pangalawang Guardian pero tinadyakan ko siya sa bituka at napaatras. Tinulak ko palayo ang espada ng unang kalaban at napaatras siya. Binato ko sa pangalawa ang aking espada at tumama ito sa kanyang dibdib. Natumba siya sa kalsada at tinanggal ko mula sa kanya ang aking sandata.

Sumigaw ang huling kalaban at lumabas ang bola ng apoy mula sa kaliwang kamay niya. Binato niya ito sakin at naiwasan ko naman. Tinutok niya sakin ang kanyang palad at may lumabas na bolt ng kidlat. Natamaan ako sa dibdib at tumapon ako sa lupa. Napahiga ako, at pag-upo ko ay nakita ko na siyang tumatakbo papunta sakin.

Tumayo ako agad bago pa niya ako marating. Tinutok ko sa kanya ang aking palad at lumabas ang bola ng apoy. Lumipad ito sa kanya, but he leaned to the side and dodged my attack. Shit. Tumalon siya habang nakataas ang kanyang espada. Gumulong ako sa kanan at tumama ang blade niya sa kalsada.

I lunged for his side at dun ko na siya nasaksak. Sumigaw siya sa sakit at humiga, saka tuluyan nang namatay. Hinila ko mula sa kanyang katawan ang aking espada at diretsong umalis.

Dun na ako sa mga maliliit na alleys dumaan para hindi nila ako makita. Sumabog na naman ang isang gusali nang tumama ang isang malaking nala mula sa mga gunships. Nahulog ang mga nasirang bahahi ng building at bumagsak sa mga kotse na nasa unahan ko.

Nakalabas na ako ng alley at nasa gitna na naman ako ng highway. Nakasalubong ko ang ilang mga sibilyan na tumatakbo dahil sa takot. Tutuloy sana ako sa kalsada papunta sa Warsa, pero sumabog nalang ang daan sa harap ko at tumalsik ang aking katawan sa kalye. Tumayo ako ulit, pero nakita ko na si Aimee na umaapoy ang kanang kamay.

Tinutok niya sakin ang kanyang kanang kamay at lumakas ang kulay asul na apoy, "Pano ka ba nakalabas ng prisinto?"

"I'm Mark's second in command. Surely I know a lot about Black Mountain's prison," tumayo ako at pinahid ang dumi mula sa aking robe.

"If you'll try anything stupid, I won't have second thoughts on killing you!" Tumakbo siya papunta sa direksyon ng Warsa.

Sumabay ako sa kanya, "Sina Meredith, nasaan ba?"

Rosethorn AcademyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz