Chapter 52 - The Unforgiving Battle

524 16 0
                                    

Hanz's POV

"Saan ka ba papunta Hanz?" Tanong ni Dan sakin.

Bigla nalang uminit ang ulo ko matapos kong marinig ang kanyang boses. Pinasok ko sa aking bulsa ang magnifying glass na binigay ni Aimee sakin at sinagot ang kanyang tanong, "Hindi ba pwedeng lumabas muna ng ilang sandali?"

"Going out on your own without permission is insubordination and will be punishable by death!" He took a step forward.

"Bakit bang parang may galit ka sakin palagi Dan? Simula nung naging kami na ni Mery ay naging ganito ka na sakin!"

He stomped his foot in a piece of concrete at nahati ito sa dalawa. Tinaasan niya ang kanyang boses, "Sa tingin mo ba hindi ko narinig ang usapan ninyo ni Aimee?"

Kinagat ko ang aking labi. Ano na naman ba ang mangyayari dito ngayon? If I try to leave, baka bigla nalang siyang tatalon sakin at sasaksakin ako sa ulo. Kung lalabanan ko na naman siya ay matatagalan pa ang pag-alis ko.

"Go back to your post Hanz," Utos niya sakin, "And I'll let you live!"

I clenched my fist angrily, "Pasensya na, pero I'm not gonna take orders from you anymore!"!

Binuksan niya ang kanyang palad at lumabas ang kulay asul na dugo mula sa kanyang balat. Nagtagpo ang mga blood rays at naging espada ito. Tinutok sakin ni Dan ang kanyang espada at nagbabala, "I command you to return to your area, or I'll blast a hole on your body!"

I gritted my teeth. Pano na ba to ngayon? It's worsening. Kung gusto kong mabuhay, then at least I'll take his order, pero mag-aaksaya nalang ako ng oras. Kailangan ko talaga siyang labanan kung gusto kong makaalis agad.

Kinuha ko ang aking dagger at sinaksak ko ang aking braso. Nagkaroon ng maliit na pagsabog mula sa aking katawan na nagpalipad ng mga alikabok sa aking pakigid. Nag-iba anyo na ang aking kamay. Matulis na ang mga kuko nito. Mas matibay na ang balat nito.

"I'M NOT gonna let you drag me down Dan!" Sigaw ko sa kanya.

Mas tumindi ang kanyang galit, at bigla nalang nagliwanag ang dulo ng kanyang espada. Gumulong ako sa kanan at naiwasan ko ang kulay asul na laser beam na lumabas mula sa kanyang sword.

"So gusto mo palang magpatayan tayo ngayon Hanz?" Nagsimula siyang tumakbo papunta sakin.

Tumakbo rin ako papunta sa kanya. Naglaho ang kanyang espada at pumasok ulit sa kanyang katawan. Tinaas ko ang aking mutated na kamay para suntukin siya. Ganito rin ang ginawa niya, at binalot ng apoy ang buong kamay ni Dan. Paglapit namin sa isat-isa ay nagpakawala kami ng suntok. Tumama ang aking kamao sa kanyang kamao. Nagkaroon ng malakas na pagsabog pagtagpo ng mga suntok namin, pero hindi kami tumalsik. A cloud rippled as our fists met, and a shockwave created dust clouds all around us.

Tumingin ako sa kanya. Inasahan kong makita ang kanyang umaapoy na kamay, pero nanginig ang buong katawan ko ng tiningnan ko ito.

Hindi na normal na kamay ang nakasalubong sakin. May makapal na ito na balat, na parang pulang armor. Matulis rin ang kanyang mga kuko. Kamay ito ng isang Demon!

"Nagulat ka ba Hanz?" Ngumiti siya sakin, "Ngayon mo lang ba nalaman na kagaya ko si Meredith? Isang half-demon, at half-human!"

Hindi ko na napigilan ang lakas ng kanyang kamay. Tinulak ako ng kanyang demon fist at napatalsik ako ng ilang metro. Grabe ang lakas nito. Mas matindi pa kesa sakin.

Pagtayo ko ay nag-Shadowrun siya at nasa harap ko na. Sinuntok niya ang aking tiyan ng pataas, at lumipad ako ng twenty feet sa ere. Tumalon siya sa ibabaw ko at sinuntok ang aking likod ng pababa. Bumagsak ako sa lupa, at nahirapan na akong tumayo.

He landed in front of me. Tumingin ako sa kanyang kamay. Sinulyapan ko rin ang kanyang mukha, at dun ko napansin ang kanyang kanang mata. It was glowing red, at parang may bitak sa paligid nito. Ngayon lang ako nakakakita ng isang tao na may kakayahang magtransform into a demon.

"Stand up Hanz, tatapusin natin ito!" Utos niya sakin habang tumatawa.

Nababaliw na nga siya. Gusto na nga niya akong patayin na best friend niya noon. Tumayo ako at umatras ng ilang metro mula sa kanya.

"Ano, takot ka ba dahil nalaman mo na talaga ang totoong kapangyarihan ko?" Tumawa siya ng malakas.

Sinagot ko siya, "Hindi ako takot. Palalabasin ko lang rin muna ang buong kalahati ko!"

Ang buong katawa ko ay nag-iba na ng anyo. The flesh around my body started to change into thick hides. Mas tumibay yung muscles ng buong katawan ko. Lumaki ang aking buong katawan. Dalawang kamay na ang may matutulis na kuko. Nasira na nga ang ilan sa damit ko dahil sa pag-iba ng aking anyo. Ramdam ko ang pagtulis ng aking mga ngipin at mas tumalas pa ang aking senses. I roared loudly at yumanig ang lugar. I cannot speak dahil nagalaw ang aking vocal chords sa mutation.

Kung titignan ako ng ibang tao ay isa na akong halimaw, isang mutated zombie. Hindi na ako tao kagaya noon. Naglakad ako papunta kay Dan, and every footstep I take, the ground shakes.

"Shit, ang daya mo ha?" Umtras siya, "Pero kung yan ang gusto mo!"

Tumalon siya upang suntukin ang aking ulo gamit ang kanyang demon hand, pero winalis ko lang siya gamit ang aking kuko at tumapon siya sa lupa. Nasira ang kanyang damit at may tumutulo nang asul na dugo mula sa kanya.

"Ngayon lang ako nakaengkwentro ng isang Morpher na mas malakas pa sa kaibigan ko ring Morpher! Pero hindi ako basta-bastang aatras na lang!" Tumayo siya at pinalabas ulit ang kanyang espada.

If he has a sword, why can't I. Narinig ko ang pagputol ng buto sa aking kanang kamay. Lumabas mula sa dulo ng aking kamay ang buto at naging mahaba at matulis na blade. My fingers disappeared, including my whole hand and palm para sumali sa pagtransform. If you look at my right arm, it looks like a praying mantis' sword-like hands.

Tumalon siya ulit para saksakin ako, pero pinigilan ko ang kanyang espada gamit ang akin. Tinulak ko pababa ang kanyang sandata at bumagsak siya sa lupa. Tatapakan ko na sana ang kanyang katawan, pero nakaiwas siya. Gumulong siya sa tabi ko at sasaksakin na niya sana ako, pero naharangan ito ng aking kaliwang kamay. The flesh was thick so the sword didn't really go through.

Tinanggal niya ang espada at umatras. Tumakbo ako papunta sa kanya ng pabiglaan at sinuntok gamit ang aking kaliwang kamay. Hindi niya ito napanain agad kaya natamaan siya at tumalsik.

Tumayo siya at halatang nanghihina na. Tinutok niya sakin ang kanyang espada at umilaw na naman ito, "Surely matatablan ka nito! Feel the wrath of my gunblade!"

Bago pa niya mapakawala ang isang laser beam ay sumabog ang lupa sa ilalim niya. Tumalsik siya at napahiga sa lupa ilang metro ang layo mula sakin. Nakatayo siya at tumingin sa pinagmulan ng pagsabog.

Bigla nalang dumating sa aking harap si Aimee na may dalang mahiwagang pana. Kulay asul ang bow and it was glowing in the midst of the darkness. Hinila niya ang linya at may lumabas na arrow na kulay pula. She aimed for Dan, at binitawan ito ni Aimee.

Nakaiwas si Dan at tumakbo siya papunta samin. Tumama ang arrow sa isang puno at sumabog.

"Damn!" She cursed. Hinila niya ulit ang linya at lumabas na naman ang isang magic arrow na kulay green, "Hindi ka na makakaiwas this time!"

Aimee fired the second shot, pero naiwasan na naman ito ni Dan. Tumawa ang nababaliw na heneral at sumigaw, "ANG GALING MO NAMAN AIMEE! PANGALAWANG SHOT PERO HINDI PA AKO NATAMAAN!"

Ngumiti ang babae, "You really think?"

Huminto si Dan at umikot. Tumama sa kanyang dibdib ang green arrow. Nakaladkad siya nito ng ilang metro bago pa tuluyang natumba at mawalan ng malay.

"Umalis ka na! Ako na ang bahala dito!" Utos ni Aimee sakin.

Bumalik sa dati ang aking katawan. Naging tao ako ulit at tinanong ko siya, "Ano bang mangyayari kay Dan?"

"Basta. Ako ang bahala. Just go and save Meredith!"

Hindi na ako nagdalawang-isip umalis. Habang tumatakbo ako palayo ng base ay tiningnan ko kung nasa bulsa ko pa ang magnifying glass. Pagkuha ko nito ay sirang-sira na ang aking robes.

"Don't worry Mery, I'm coming!" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa maliwanag na buwan.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now