Chapter 28 - Official

890 26 0
                                    

September 1, 2024 (8:00pm - 2000 Hours)
Hanz's POV

Ilang linggo na ang lumipas, at hindi pa umuuwi si Dan sa mansyon. Pumapasok siya sa Rosethorn, pero hindi niya kami pinapansin. Abalang-abala pa nga siya sa pag-iimbestiga sa paaralan.

Kasama ko lang ngayon si Erwin sa isang karinderya. Kagagaling pa lang niya mula sa isang misyon. Nag-uusap kami tungkol sa himagsikang tinutukoy ni Dan. Yung mga babae naman ay nagpapasyal sa labas.

"So, ibig mong sabihin na may kalaban tayong namumuno sa Rosethorn na hindi natin alam?" Tanong niya sakin.

"Oo, yun nga ang sinabi niya. Nag-alala nga ako dahil baka madamay pa si MJ dito. Mukhang malaking gulo tong pinag-uusapan natin!" Sagot ko naman sa kanya.

Ilang sandali lang ay dumating si Mery kasama si Maya at Sunny. Hinawakan ni Mery ang balikat ko at nagtanong, "Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa?"

"Ahh...wala to. Tungkol lang to sa mga hinala natin sa School Council!" Paliwanag ni Erwin sa katabi ko.

"Ahhh...soo, Hanz...pwede ba tayong mag-usap...yung tayo lang dalawa?!" Hinila niya ako at pinilit na tumayo.

Tumingin ako kay Mery, "Ahh sige...excuse us Erwin ha? Babalik lang ako!"

Lumabas kami ng karinderya. Naglakad kami sa kalye, sa gitna ng maraming tao. Hinihila pa rin ako ni Mery, pero hindi ko nga alam kung saan niya ako gustong dalhin. Nakita ko ang Tolevo Central Park sa unahan. Pumasok kami dito. Dinala niya ako sa gitna ng park, kung saan nakapuwesto ang fountain na may benches na pumapaligid nito. Para itong park ng Ralandan, pero mas maliit, at hindi pantay sa buwan tuwing gabi.

"Ano bang gusto mong sabihin sakin?" Tinanong ko siya.

Ngumiti siya, pulang-pula ang mga pisngi, "Alam mo, sa tagal na ng ating samahan, pinatunayan mo na ikaw nga ang lalaking hinahanap ko!"

"Huhh...ahh? Ano na yang sinasabi mo Mery?"

"Hanz," she swallowed the lump in her throat, "I think I feel the same. Mahal din kita,"

Lumakas yung pagtibok ng puso ko. Nagpatuloy si Mery, "Sinasagot na kita Hanz. Tayo na!"

Pagkatapos niya tong sinabi, niyakap ko siya agad ng mahigpit.

"Totoo ba tong naririnig ko?" Tanong ko sa kanya habang yinayakap ko pa siya.

"Ba't naman ako magsisinungaling? Sa tingin mo ba dadalhin kita dito sa malayong lugar para magsabi ng biro lang?"

Matapos ko siyang yinakap ay tumingin ako sa kanyang mga mata. I brushed the hair behind her ears. Suddenly, my heart started to race faster. Parang gusto ko siyang halikan.

"Go on! Okay lang sakin kung hahalikan mo ako! I can see it in your eyes that you want to do it!" Nakangiting sabi ni Mery.

Nagulat nalang ako dahil nabasa niya ang iniisip ko. Nahihiya ako. Hahalikan ko na sana ang bagong girlfriend ko. My lips were about to touch hers, pero biglang pumasok sa isip ko ang boses ni Dan.

"If she turns, I'm never gonna forgive you!"

Huminto ako at hindi ko tinuloy ang paghalik sa kanya. Nagtaka siya kung bakit hindi ko to nagawa. Timing nga na dumating ang mga kaibigan namin.

"Teka lang, ano ba ang nangyayari dito?" Pabirong sabi ni Sunny.

"Ahhh...wala lang...may, tinanong lang ako kay Hanz tungkol sa isang assignment!" Paliwanag ni Mery kay Sunny.

"Oh sige, tayo na...tumawag si Dan...kailangan niya daw tayo!" Umunang naglakad si Erwin palabas ng park.

"Tayo na Sunny...hayaan muna natin ang, bagong couple, na magsama na silang dalawa lang!" Maya winked all of a sudden, then she left pulling Sunny away.

Nakangiti si Mery. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tumingin siya sakin.

"Oh ano...susunod na ba tayo sa kanila?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm...baka magagalit si Dan kung hindi tayo susunod agad" pinahiran niya ng panyo yung patak ng pawis sa leeg ko, "Tara na, mahal..."

"Sige mahal!"

Dan's POV

Nasa parking lot na ako ng isang mall kung saan ko isasagawa ang meeting namin. Ilang minuto ang lumipas, ay dumating na sina Erwin, Maya, Sunny, Hanz at MJ.

May hawak akong isang brown envelope na naglalaman ng mga litrato at papeles. Kumuha ako ng isa at hinanda ito.

"Nandito na kami Heneral, ano pong meron?" Tanong ni Erwin sakin.

Tinaas ko ang litrato ng isang kotse. Isa itong Pagani. Tinanong ko sila, "Nakita niyo na ba ang kotseng ito?"

Walang sumagot sa kanila. Pero hindi nagtagal, ay nagsalita si Hanz, "Kotse yan ni Superior Rave Seville. Bakit ba?"

Kanina ko pa inasa na si Hanz yung sasagot. Nagagalit pa nga ako sa kanya, pero hindi na ganun katindi kagaya noon. Kailangan na naming magkasundo dahil isang tapak nalang kami para matukoy ang impostor na hinahanap namin, tapos magkakaroon na naman ng gulo.

Nagpaliwanag ako sa kanila, "Ang kotseng ito, na may plakang VM-152, ay ang sasakyang ginamit ni Vermilion para makapunta sa hotel na sinalakay natin noon. Ang litrato namang ito, ay kinuha sa parking lot ng Rosethorn five days ago, na may kaparehong plate number sa sasakyan ng pinunong rebelde. Kanina lang umaga, ay natapos na namin ang pang-iimbestiga at umabot na kami sa isang konklusyon!"

"Sino nga ba ang impos impostor na hinahanap natin?" Maya asked.

Nagpatuloy ako, "Obvious na nga eh hindi niyo pa nakita. Wala nang iba kundi si Superior Rave Seville. Gamit ang Shadowtech, sinukat nito ang porma at hugis ng katawan nina Rave at Vermilion. Lumabas ang resulta na 'match' . Ibig sabihin, identical silang dalawa. Kung ang kotseng ito ay minamay-ari ni Rave, then it is an evidence that Rave is Vermilion. At isa pa...dalawang araw pa lang ang lumipas ay pinasok ko ulit ang opisina ni Rave...nakita ko ang isang device na umiiba sa boses ng tao kapag ginamit. Sa tingin ko ito ang bagay na linalagay ni Rave sa kanyang maskara para hindi mahalata ang kanyang boses tuwing siya si Vermilion. Kinuha ko ang device bilang ebidensya at pinasa ito sa Shadow Council. Dun na kami nagdesisyon na si Rave nga ang impostor, at ang pinuno ng Insurgence."

"So pinapunta niyo kami dito para ipaliwanag lang ang lahat niyan? Ano bang gagawin natin tungkol sa problemang iyan?" Tanong ni Maya.

"Bukas, sasalakayin ng buong Type A to B Shadows ng Warsa ang Rosethorn. Ipapatumba natin si Rave bago pa man siya magtagumpay sa kanyang mga plano! Humanda kayo...kasama rin kayo dito bilang assets ng Warsa!"

"Wait...teka lang...anong ibig mong sabihin ng Type A to B?" Tanong ni Sunny sakin.

"Mga Shadows na Level 50 to 100 ang aatake dito. My soldiers will crush Rosethorn with one swipe!"

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon