Chapter 47 - Last Resort

536 17 0
                                    

Hanz's POV

Nabigla ang mga Guardians paglapit ko sa kanila. Agad nilang linabas ang kani-kanilang mga sandata, pero huli na ang lahat para sa mga bantay sa labas. Nagcast ako ng Lightspeed Dash, o ngayoy kinikilalang Shadowrun, at napatay ko na ang isa. Sinaksak ko ang puso nito gamit ang aking dagger matapos ang mabilis na takbo. Pagkatapos nito, I knelt down, and dodged an attack from behind. Pinaikot ko ang aking sarili habang naka-straight ang isang binti, at dun tinamaan ng aking paa ang mga paa ng kalaban at nawalan ito ng balance. Natumba ang Guardian at napahiga sa simento. Tumayo ako at tinadyakan ang leeg ng natumbang kalaban. Nahihirapan siyang huminga.

Tumakbo papunta sakin ang dalawa pang Guardians. Tinaaa ng isa ang kanyang espada para ihampas ang dulo nito sakin, pero pinigilan ko ang pagtama ng sandata gamit ang dalawa kong daggers.

The second one tried to slash me horizontally, pero hindi ako natamaan. Tinadyakan ko ang tiyan ng nauna at napaatras siya. Nagback-flip ako at naiwasan ang attack ng pangalawa. Tumakbo na naman silang dalawa papunta sakin, pero yung isa ay nagpalabas na ng matulis na ice shards. Binato niya sakin ang mga yelo na hugis kutsilyo. Umiwas ako at natamaan yung robe ko at nasira ang damit. Yung isa naman ay tumalon at sinuntok ang lupa. Naglabasan ang mga matutulis na bato mula sa ilalim ng lupa at papunta ito sakin. Kinolekta ko ang lahat ng blood energy sa paa at tumalon ng malakas. Kumapit ako sa dulo ng bubungan ng isang bahay at naiwasan ang earth magic na kinast ng kalaban.

"So gagamit na pala tayo ng magic ha?" Sabi ko sa kanila matapos akong tumalon ilang metro ang layo sa kanilang harap.

Bumato na naman ng matulis na yelo ang kalaban. Nagcast ako ng force field at nasira ang yelo matapos itong tumama sa kulay gintong transparent shield. Tumakbo ako papunta sa kanila at tinanggal ang force field. Tinaas ng earth guardian ang  dalawang kamay at naglutangan ang mga bato na nasa paligid. Tinutok niya sakin ang dalawang palad niya, at nagliparan papunta sakin ang mga ito.

"Pasensya na, pero earth elementalist rin ako!" Sabi ko sa kanya at tinutok ko rin ang aking palad sa kanila.

Huminto ang mga malalaking bato na pinalipad niya papunta sakin at bumalik sa kanila. Hindi na ito napansin agad ng earth guardian kaya natamaan siya sa ulo at natumba. Gumawa naman ng ice shield ang isa. Nasira ang mga bahagi ng ice shield sa kada tama ng mga bato. Nagpalipad pa ako ng ilang bato at nasira na ang ice shield. Nakikita ko na ang kanyang mukha at dun ko na nakita ang aking pagkakataon.

Pinalutang ko pa ang dalawang bato mula sa lupa at pinalipad ito agad papunta sa kanyang ulo. Tinamaan siya sa noo at natumba. Nilapitan ko ang dalawa, na parehong nawalan na ng malay. Binalikan ko ang bahay na sinugod nila. Doon ko natagpuan ang isang pamilya na sama-samang humarap sakin.

"Salamat po sa tulong ninyo!" Sabi ng babae habang hawak ang isang batang lalaki. Siguro anak nila ang dalawang bata.

Tinanong ko ang pamilya, "Ano po ba ang ginagawa ng mga Guardians sa bahay ninyo?"

"Siguro hinahanap nila yung dalawang Shadows na pumasok dito," paliwanag ng lalaki, "May pinapasok kasi kaming Shadows dito dahil may pinag-usapan sila ng ilang sandali, pero hindi sila nagtagal at umalis naman agad!"

"Saan po ba sila nagtungo?"

"Sa likod sila ng bahay namin dumaan pag-alis nila. Dun na po kayo magtanong sa kabilang eskinita!"

Nagpasalamat ako sa kanila at pinadaan ako sa likod ng kanilang bahay. Paglabas ko sa kabilang eskinita ay natagpuan ko ang tatlo pang Guardians. Maraming tao ang nakatingin sa kanila, ni hindi man natatakot.

Naglakad ako papunta sa kanila na parang wala lang. Napansin nila ako at binunot agad ang kanilang mga espada't kutsilyo. I didn't want to waste more time by battling another group of them again. Naisip ko ang Blood Magic. Kinuha ko ang aking kutsilyo at sinugatan ang aking wrist. Lumabas mula sa sugat na parang usok ang kulay ginto kong dugo at dun ko na sinimulan ang blood manipulation. Pinalabas ko ang blood ray na kasinhaba ko. Lumangoy ito sa ere na parang ahas sa tubig. Hinati ko ito sa tatlo, at tiningnan ko ulit ang tatlong Guardians. Sabay silang tumakbo papunta sakin. They're too late, just like the first batch. Tinutok ko sa kanila ang kanang kamay ko at nagliparan ang tatlong blood rays na parang bala. Tumama ang mga ito sa kanilang mga binti at nadapa silang lahat. Napahiga sila sa gitna ng maliit na kalsada at umapaw na ang dugo mula sa mga butas ng kanilang binti. Hindi gumalaw ang mga tao sa paligid matapos ang eksenang nakita nila. Lumapit ako sa isang tambay at nagtanong, "May nakita po ba kayong dalawang Shadows dito?"

"Ahh, yung mga hinahanap ng tatlong iyan?" sumagot ang matandang lalaki, "Nakita namin silang sumakay sa isang trak papunta sa isang resort. Hindi nga namin alam kung saang resort ito papunta. Nung nagtanong ang mga walang kuwentang Guardians kung nasaan ang dalawang Shadows n hinahanap ninyo, hindi namin inamin ang totoo!"

"Salamat po!" Sinabi ko ito at saka umalis.

Pinindot ko ang aking comm at tinawagan ulit si Dan, "Kailangan nating inspeksyunin ang bawat resort dito sa Boracay. I heard that they could be hiding around here in the western part of the island!"

*
*
*
*
*

(1200 Hours)
Meredith's POV

Naramdaman ko na huminto na ang sasakyan. Bumangon na ako at tumingin sa paligid. Nakatulog ako sa biyahe. When I cleared my eyes, nakita ko ang magagandang mga gusali. Maraming tao sa paligid. Maingay. Pagtingin ko pa ng maayos ay marami nang nakasuot ng swimsuits at shorts.

"Meredith, bumaba ka na! Kailangan na nating magbihis!" Narinig ko ang boses ni Erwin mula sa labas ng sasakyan.

Bumaba na ako at nakita si Erwin na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Tinanong ko ang aking kasama, "Nasaan na ba tayo Erwin?"

"Nasa loob tayo ng isang malaking resort MJ! Hali ka na! We need to change our outfits so we could blend in!"

Umikot ako at nanood sa masayang lugar. My hype raised up. It felt like gusto kong magsaya ng ilang sandali matapos ang mahabang paglakbay.

"Meredith," tumingin si Erwin sakin.

Lumingon ako sa kanya, "Bakit?"

"Okay lang bang magpahinga muna tayo dito?"

Rosethorn Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें