Chapter 56 - Punished

455 15 0
                                    

Nobember 16, 2024 (1300 Hours)
Aimee's POV

"Gate opened Commander. You may now enter the prison cell." Pinaalam sakin ng keeper ang pagbukas ng makapal na bakal na gate.

Nasa Black Mountain Deep Prison ako ngayon, kung saan nakakulong si Dan. Ilang linggo na siyang wala sa sarili. Sinasabi niya sakin na parang may naaalala daw siya tungkol sa mga nawawalang piraso ng kanyang memorya. It's true that Dan lost some pieces of his memories when Mark cured him from his Hellmorph side. Memories in which he got when he was still under the Intergalactic Revolt Operations' control.

Sumakay na ako ng elevator na bumaba ng 100 feet. Pagdating nito ay nasa harap na ako ng malaking kulungan ni Dan. Tanging unbreakable Gadian glass lang ang naghihiwalay sa aming dalawa. Tumayo siya mula sa isang sofa at humarap siya sakin.

"Are you here to set me free, or pumunta ka lang dito para marami ka pang malaman tungkol sa ex mo?" Tanong niya.

I faked a smile, "I'd prefer the second one, but I'd say it differently!"

"Dadating din ang araw kung saan aangon ang anti-christ mula sa impiyerno! Nakuha na nila ako. Nakuha na nila si Geo. Si Meredith na lang. Siya ang final piece. Siya ang huling susi para magtagumpay ang kalaban sa Triple Six Theory!" Galit niyang pinaliwanag.

"Tama ka. Hindi pa nga nila nakuha si MJ dahil napatay namin siya agad bago pa man siya naabutan ni Todd. Nagpapagaling pa si Todd noong mga panahong iyon dahil sa huling laban nila ni Mark at dahil sa pagkaputol ng kanyang isang kamay!" Tinaasan ko siya ng boses.

"Kailan ba babalik ang mga alaala ni MJ?" Napatanong siya, "Kailan ba siya magiging Ivy ulit?"

I gritted my teeth. Si Lina lang ang may kagagawan tungkol sa amnesia ni MJ," Sinagot ko ang nababaliw na lalaki, "Binura lahat ni Lina ang mga alaala ni Meredith. Alam mo ito. Nasa scythe ni Lina ang lahat ng alaala ni Meredith. Maghintay ka lang Dan. Hindi pa magawang balikan ni Lina si MJ sa kanyang mga panaginip dahil sa depresyong nararanasan niya. Alam mo namang namatay na si Erwin di ba?"

"Erwin? Namatay ang Erwing iyon dahil sa kanyang katangahan. Wala siyang tungkulin sa babae ko!" Tinaasan niya ulit ang kanyang boses, "Ako lang ang may kayang protektahan siya mula sa mga Guardians! Ako lang, ANG MAHAL NIYA!"

"Tumahimik ka na nga diyan Dan," hindi ko natiis ang kanyang mga sinabi, "Hindi mo siya mapilitang mahalin ka ulit dahil may mahal na siyang iba!"

Napahinto si Dan. Napaatras siya pabalik sa kanyang upuan. Binalot niya ang kanyang mga kamay sa ulo niya, "Hindi...may amnesia lang talaga siya. Tingnan lang natin kapag maaalala na niya lahat. She'll remember how much she loves me! She'll remember that there was an US!"

"But can her forgotten feelings for you overcome the strong relationship she has in the present? Hindi na Dan...hindi na. Mahal na mahal na niya si Hanz. No matter how much she'll remember you, Hanz is already embedded on her heart. You're just the shards of her past, while Hanz is the one who completes everything in her present life!"

Biglang timayo si Dan at sinuntok niya ang glass. Yumanig ang buong cell. Pagtingin ko sa kanyang kamay ay iba na ang anyo nito. Kamay na ito ng isang demonyo.

Tumalikod na ako at sinabihan siya, "Alam mo, kung kasama ko si Mark ngayon, siguradong hindi siya matutuwa sa ugali mo!" I walked and stopped again by the elevator, "Mark never wanted any of this to happen!"

Umalis na ako at sumakay ulit ng elevator. Iniwan ko si Dan sa ilalim ng lupa. He belongs below the surface, where hell lies.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now