Chapter 48 - Short Relaxiation

532 20 0
                                    

October 10, 2024 (1200 Hours)
Meredith's POV

"Ahh...ummm...ikaw? Sa tingin mo? Okay lang ba?" Nahihirapan akong sagutin ang tanong niya.

Kinamot niya ang kanyang ulo, "Napansin ko kasi, na siguro napapagod ka na at napapagod na rin ako. Always running away from danger. Okay lang ba, kung...magsaya tayo ng ilang sandali lang?"

Naging excited ako. It felt like a good idea. Since malaki naman ang resort na ito at malayo na sa panganib, siguro pwede namang magsaya kami ng ilang sandali matapos ang ilang mahihirap na sitwasyon. Sinagot ko siya, "Parang kailangan ko rin ng konting relaxiation eh. Sige, ilang araw ba tayo dito magste-stay?"

His face lit up with a smile, "Siguro, kahit three days lang, saka aalis na naman tayo. Just a short vacation after a month of going dark and after weeks of hardships. Pero bago tayo makapagbook ng hotel, bibili muna tayo ng bagong damit!" Inulit niya ang kanyang unang sinabi pagdatingnamim dito.

"Sige...ikaw na ang mauna!" Tinulak ko siya at siya na nga ang naghanap ng mabilhan mg damit.

Naglakad-lakad kami ng kalahating oras, at sa wakas, ay nakita na namin ang isang malaking souvenir shop sa tabi ng isang hotel. Pumasok kami dito at nakahanap ng maraming damit. Mga branded pa nga.

Pagtingin ng store clerk samin ay nagulat siya matapos niyang malaman na mga Shadows pala kami. He froze behind his counter, habang namili kami ng damit.

"Pano ba naman natin ito babayaran Erwin?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Pinakita niya sakin ang isang credit card mula sa kanyang wallet, "I have us covered. Don't worry, it contains more than you expect! Piliin mo ang kahit anong gusto mo diyang iyong makikita! Kahit branded pa man iyan!"

Lumaki yung ngiti ko at agad tumakbo sa isang corner kung saan nakalagay ang lahat ng mga branded na damit. Pinili ko ang dalawang skinny jeans, isang pulang dress, dalawang t-shirts at isang blouse. Sinukat ko ito lahat sa dressing room, at pagkatapos ay pinakita ni Erwin. Sabi niya babayaran daw niya lahat. Ang pinili niya nama ay Jag Thug, Tribal at Levi's Brands. Habang sakin ay mostly Lee at Bench.

Binayaran na namin lahat at nagpalit ng damit sa dressing room. Paglabas namin ay tinapon namin agad sa isang basurahan ang aming Shadow Uniform. Lumabas kami ng souvenir shop na mga bago ang suot. Good. Hindi na kami nakakaagaw ng pansin.

Sumunod ako kay Erwin papasok sa isang malaking hotel. Pumunta siya sa isang counter at kinausap ang bababe dun. Naghintay ako ng ilang minuto bago siya bumalik sakin na may dala nang dalawang susi.

Inabot niya sakin ang isa sabay sabi, "Susi sa kuwarto mo."

Hindi ko agad tinanggap ang susi, "Ahh...hindi ba iisa lang ang room natin?"

"Aahhh.." kinamot niya ang kanyang tenga, "Hindi ba awkward, kung ganun?"

"Okay lang naman...kilala naman kita eh!"

He nodded. Bigla nalang niyang hinila ang aking kamay at binigay ang susi, "Hawakan mo lang iyan. Baka magbago yung isip mo!"

Sumakay kami ng elevator papunta sa itaas. Pumasok na kami sa isang kwarto. Dun namin linagay ang aming mga nabili na damit sa isang closet. May isang bed for two. May CR naman na may bathtub at shower. May balkoniya pa sa labas ng glass, sliding doors.

Humiga ako sa kama at naramdaman ang malambot na cushion. Gusto ko nang matulog, pero bigla nalang pumasok saking intensyon ang pagpasyal sa labas. Tinitingnan muna ni Erwin kung may mga bagay pa ba kaming kailangan.

Nainip ako at tumayo. Binuksan ko ang isang maliit na ref sa tabi ng isang mesa. Sa ibabaw naman ng lamesa ay isang flat screen TV. Pinalakasan ko pa ang aircon at tuluyang nawala ang pawis na kanina pang tumutulo mula sa aking noo.

"Buti nga at naisipan mong magrelax," umupo ako sa kama at tumingin kay Erwin.

Tumingin rin siya sakin, "Bakit? I just needed to keep us away from those bad thoughts we've been having!"

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. Nagpatuloy ako, "Salamat ha? Sa totoo lang. Matagal ko nang gusto na makasama ka ulit!"

"Talaga? Bakit mo ba naman nasabi iyan?"

"Naalala mo ba nung nasa Maynila pa tayo? Palagi kang pumupunta sa bahay ko na may dalang pagkain. You were always there to make me happy. We always bonded. And right now, were doing it again, away from everyone, and away from our problems. Salamat, dahil pinasaya mo ulit ako!"

Namula ang mga pisngi ni Erwin. He reacted, "Well, miss ko na rin ang pagsasama nating dalawa. Sa totoo lang, gusto kitang makasama sa mansyon ni Dan, pero palagi akong pinapatawag ni Miss Aimee, at busy ka din sa iyong schoolwork. Wala akong pagkakataon noon. Pagdating natin dito, since naisip ko na ito na ang chance na pwede tayong magkasama ulit na tayong dalawa, I took it!"

Muntik na akong mapaiyak. Lumapit ako sa kanya at yumakap. Ramdam ko ang kanyang mga kamay sa aking likuran. Habang yinayakap ko siya ay sabay kong sinabi, "Thank you Erwin. Salamat sa lahat, dahil kahit nagkalayo tayo ng ilang araw, ay nakahanap ka pa rin ng paraan upang tayo'y magkasamq ulit. Salamat din, dahil buong buhay mo na pala akong binabantayan!"

"Wala yun lahat MJ. Ikaw kaya ang aking best friend? Gagawin ko ang lahat para sa iyo na walang kapalit!"

Pagkatapos naming magyakapan, medyo naging awkward ang moment. Para mawala ang awkwardness, tinanong ko siya, "Gusto mo bang...magpasyal tayo?"

"Sige," sagot niya, "This is just a once in a lifetime opportunity!"

*
*
*
*
*

Hanz's POV

Bumaba na si Dan mula sa isang Thrusterwing at pumasok sa tent. Nasa isang unknown factory kami ng mga Shadows, na halos sira na ang lahat ng mga gusali't warehouse.

"Ano ba ang base na ito?" Tanong ng heneral sakin.

I answered him in my cold voice, "Hindi pa nga namin alam. Ang tanging alam lang namin ay isa itong weapons and arms factory na nakatayo sa gitna ng isang gubat sa Boracay!"

"So sinususpetsa mo na dito itinago si Meredith matapos siyang iligtas mula sa base ni Rave?"

"Wala kaming sapat na ebidensya para patunayan iyan, pero ikaw pa nga mismo ang nagsabi. Ano pa ba kaya ang ibang dahilan na aatake ang Guardians dito? Ede wala nang iba kundi si Meredith!" Paliwanag ko.

"May mga survivors ba kayong nahanap?" Dagdag ni Dan.

"Wala. Kahit mga bangkay ng mga Shadows na nakaassign dito ay hindi man nakita. Mga patay lang na katawan ng mga Guardians ang nahanap namin, at may ilang buhay na Guardians pa nga kaming nahuli," huminto ako at huminga, saka nagpatuloy, "Wala nga kaming Shadows na nakita, pero ito," inabot ko sa kanya ang isang watawat na may symbol, "Ito lang ang natagpuan namin!"

Tiningnan ito ni Dan at hindi siya makapaniwala, "Isa itong Xyndicate Flag. So isa pala itong secret base ng rebelyong iyon?"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now