Chapter 33 - Erwin's Truth

774 27 0
                                    

September 3, 2024 (0843 Hours)
Erwin's POV
GHOST Island (Gadeon High Operations and Special Tactics)

"So how is our subject doing?" Tanong ni Aimee sakin.

"Fine Commander. Dan's been monitoring her daily and his disciple is making sure of her safety!" Sagot ko naman sa kinikilalang Blue Rose.

Ngumiti siya, "Good...Xyndicate wants to make sure that she won't have a breakdown if she learns the truth!" Hinampas niya ang kamay niya sa mesa, "Mark does not want the Triple Six Theory to happen!"

"Pero...pano naman kung mabibigo sila sa pagprotekta sa kanya Commander?"

"Kaya nga pinadala kita para protektahan siya mula pa sa simula. She must not know the truth about herself now, or we'll be forced to call Resurgence, Ironheart, and Archane for support!"

"Commander. I understand my mission...but all these years, I've been feeling guilty!"

"Ano naman ang dahilan mo Ren?" Tumayo siya at tumingin sa labas ng bintana sa kabilang bahagi ng conference room.

"Guilty ako dahil parang niloloko lang natin si Dan, at parang niloloko ko lang si MJ tungkol sa totoong pagkatao ko!"

She sighed. Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking balikat, "Mark feels guilty too you know. Gusto nga niyang ipagtagpo ulit ang dalawa, pero delekado ito. He wants Dan to find her himself. This way, things won't happen all of a sudden. Plus, this is the only way to heal that person he's finding without releasing the part of the Burning Trinity!"

"Sana nga hindi ito malalaman ni Dan...talagang magagalit yun!" Sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Dan never knows that Xyndicate, Resurgence, Ironheart nor Archane still exist. Kahit ang islang ito ay nakalimutan na niya simula nung araw na gumaling siya! Trust us Ren...Mark knows what's best. You have Xyndicate by your side!"
*
*
*
Naglakad ako papuntang Airfield pagkatapos ng meeting namin ni Aimee. Bumigat na naman ang aking damdamin dahil sa konsensya ko.

Sa totoo lang, isa na akong Shadow bago ko pa nakilala si Meredith. Isa akong miyembro ng Xyndicate, ang clan ng 12th Hunter na si Mark Yaeger. Inutusan akong bantayan si MJ dahil sa mga nakatagong katotohanan na nasa kanya. Kaya nga siya hinahanap ng mga Guardians eh, hanggang ngayon.

Nung napansin na ni Heneral Kai-en ng grupong Archane, na hindi na ligtas si MJ sa kanyang tirahan sa Maynila, nagpadala siya ng sulat sa Xyndicate na nagsasabing kailangan na naming gumawa ng paraan. Dun na ako inutusan ni Aimee Markestra na magpadala ng anonymous Shadowtech email kay Dan na tumuturo sa lokasyon ni Meredith.

Subject: Classified
To: Chaos Knight
From: Classified

-----Your long lost subject has been found. Search the slums in all parts of Manila. Specific location details could not be mentioned for safety purposes. Once you see HSS-027, don't let the past be remembered right away. Please reveal the truth slowly to make sure the other half is not in control anymore. Your subject has forgotten everything. Revealing everything in a sudden will possibly trigger the other half and reawaken it. Protect her at all costs!-----

-XIRA

Dun na nila kami nahanap. Siguro masayang-masaya si Dan dahil dun. Pero hindi pa buo ang ligaya niya dahil kailangan pa niyang ayusin ang problema. That was Phase 1, Search and Rescue Phase.

Phase 2 na siguro ang ginagawa nila ngayon. The Curing Phase. It's a slow process where we will provide MJ with the knowledge about being a Shadow. Kapag certified Shadow na siya, si Lina na naman ang gagawa ng lahat. Bago sila umalis at nagtago, iniwan ng Fallen Fantasy ang kanilang mga blood weapons sa mansyon ni Mark sa Tolevo. Ang cure, ay nasa scythe ni Lina Lionheart, ang leader ng Ironhearts. Siguro nasa kamay na ito ni MJ ngayon. At siguro nagpaparamdam na si Lina sa kanya. Ang scythe ang tanging nagbibigay koneksyon kay MJ at Lina. Hindi nga namin alam kung nasaan talaga ang lahat ng Fallen Fantasy, pero dahil sa kanilang kakaibang kapangyarihan, magagawa nilang magparamdam sa mga panaginip ng tao. It's a Hunter's thing. Lina will be assisting in the Curing Phase. She will slowly bring Meredith closer to the truth, at habang ginagawa niya ito, she will educate her on how to accept herself. This is to prepare MJ for the third phase. If MJ won't know how to accept herself, then her other side could take over again.

The Third and the last part is the Revelation Phase. Dito na lalabas ang lahat ng katotohanan. The past, from the first rise of the Triple 6 until the end of the Demon Wars.

All of these steps were planned and studied carefully by Mark himself. Bago siya nawala ay inilaan na niya ito lahat. Ito lang ang tanging paraan para makontrol ni MJ ang kanyang sarili tuwing malalaman na niya ang lahat. Ginagawa namin ang lahat ng ito dahil utos ito ni Mark Yeager. Pinagawa niya ito para sa kaligtasan naming lahat, at para sa kanyang paboritong disciple na si Dan.

Hindi nga ito madaling gawin. Nagpapabigat ito sa damdamin. Nakilala ko lang si MJ dahil initusan akong bantayan siya. At habang ginagawa ko ang aking misyon, ay parang may nabuo rin akong damdamin para sa kanya. Naging close kami sa isat-isa, pero natatakot akong masira ang aming friendship dahil sa nakatagong katotohanan. I don't want her to get hurt. Ito ang nasa isip ko ngayon.

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon