Chapter 68 - The Final Battle

643 17 0
                                    

December 2, 2024 (1100 Hours)
Meredith's POV

Nakaalis na kami ng bridge at papunta na kami sa Docking Bay kung saan naghihintay ang Thrusterwing.

Habang naglalakar, paulit-ulit akong sinulyapan ni Dan, pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko lang man siyang kayang tingnan dahil sa galit na nararamdaman ko.  Dala pa rin niya ang katawan ni Hanz.

"Meredith," tinawag niya ako, pero hindi ako sumagot.

Yumuko siya. Sinambit niya ulit ang aking pangalan, "Meredith, sana mapatawad mo naman ako!"

Kinagat ko ang aking labi habang pinipigilan ang pagtulo ng luha. Hindi pa rin siya titigil. Tinawag niya ulit ako sa pangatlong beses, "Please Meredith, forgive me. I was only doing this for you!"

Nainis na talaga ako. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at binitawan ko ang ilang salita, "You're too busy thinking of me that you forgot about the safety of your friends!  Is that how you are Dan? Best friend mo ang nasa loob ng bag na iyan oh, at parang wala ka lang dahil abalang-abala ka sa paghingi ng tawad sakin!"

Hindi ko na rin napigilan ang aking luha at hinayaan ko na lang itong tumulo. Wala na si Hanz. Hindi na siya maibabalik pa.

Hindi talaga ako titigilan ni Dan "Meredith...I can-"

Bigla nalang nasira ang pader sa harap namin at lumabas si Todd mula dito. Humarap siya samin, "Hindi pa ako tapos sayo Meredith. I was just playing with you. I still need your Hellmorph Form, so you're coming with me!"

Binaba ni Dan ang katawan ni Hanz sa sahig at sumugod siya kay Todd. Binundol niya ito at natumba silang dalawa.

Naghanap ako ng ligtas na lugar para kay Hanz. Nahanap ko ang isang private bedroom, at dun ko siya sa kama inihiga. Lumabas na naman ako upang tulungan si Dan, pero wala na sila sa hallways.

Sinundan ko ang pinagmulan ng ingay, at dun ako napadpad sa ibabaw ng isang malawak na lugar. A few meters below me, the floors were white. The pillars supporting the balconies were decorated with Roman Art. May ilang statues naman sa baba. Nakatayo ako ngayon sa isang balkonahe, kung saan ko nakita ang dalawa na naglalaban sa baba. May dumating na mga Guardians na may mga dalang baril at humanda sila para barilin si Dan, pero tumalon ako mula sa ibabaw at binagsakan ko ng tapak ang isa sa kanila. Namatay ang aking nabagsakan at nagtago ako sa likod ng isang pillar ng barilin nila ako.

Lumabas ako at nag-cast ng force field. Huminto ang mga bala sa aking harap habang papunta ako sa isang grupo ng kalaban. Nagtransform yung kanang kamay ko, at nung nasa harap ko na ang isa ay sinuntok ko siya sa ulo. Tumalsik siya at tumama ang kanyang katawan sa dalawa niyang kasama.

Umikot ako at hinarangan ng shield ang isa pang namamaril. Tinutok ko sa kanya ang kanang kamay ko at lumabas ang bola ng apoy. Tumama ito sa kanya na parang bala at natumba siya.

Tumayo na yung dalawa kanina at hinarap ko sila ulit. Nag-anyong kamay-demonyo na rin yung kaliwa kong kamay at tumakbo ako papunta sa kanila. Sabay ko silang sinuntok sa ulo at tumalsik ang kanilang dugo nang tumama ang aking matulis at matigas na kamao.

Wala nang ibang Guardian sa paligid kaya tumingin ako ulit kina Dan. Nasa gitna pa rin sila ng lugar. They were batting in the center of the wide, open area where there are no obstacles. Only a few stairs and pillars were in the way.

Tumakbo ako sa kanila upang tulungan si Dan, pero may tumama na binatong espada sa harap ko at napigilan ako sa pagtakbo. Tumingin ako sa ibabaw at nakita ang marami pang kalaban na nakatingin samin mula sa mga balkonahe.

*
*
*
Dan's POV

Umikot ako at hinampas ang espada papunta sa kanyang bituka, pero napigilan niya ito. Tinadyakan ko ang kanyang tiyan at napaatras siya. Sumugod ako ulit, pero tinutok niya sakin ang kanyang kamay at tumama sakin ang matulis na yelo. Hindi ako masyadong nasaksak dahil napigilan ko ito gamit ang aking espada, pero nasugatan pa rin ako ng dulo nito ng huminto ito sa aking balat.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now