Chapter 38 - Taken

618 18 0
                                    

September 14, 2024 (2000 Hours)
Black Mountain, Ralandan
Hanz's POV

Isang linggo na. Isang linggo na ang lumipas, at hindi pa rin namin alam kung nasaan si Mery. Hindi nga namin nagawang habulin ang mga Guardians na umatake sa Ralandan noong isang linggo. Nasa harap kami ng Halotable ng Command Center. May holographic buildings at landscapes ang ibabaw ng high-tech na mesa. Isa itong holographic map ng Manila, kung saan dating nakatira si Mery.

Nasa kabilang dulo ng mesa si Dan. Simula nung nadukot si Mery ng mga Guardians ay nawala ang lahat ng galit namin sa isat-isa. Ngayon ay kailangan na naming magtulungan para mahanap si Mery.

"Great...just great," humarap ulit si Miss Aimee samin, "Kung hindi lang kayo nagkainitan nung araw na iyon, eh di hindi sana to mangyayari! Walang nahanap ang mga sentries natin ngayon! Kahit isang Guardian Lounge pa dun sa Tondo ay wala rin!"

Lumapit siya kay Dan, "Alam kong wala ako sa posisyon para pagalitan ka Dan, pero bilang kaibigan ni Mark, pinapaalala ko lang sa iyo ang iyong tungkulin!"

Tungkulin? Ano kaya ang tungkulin ni Dan? Bumulong si Dan kay Aimee. She nodded repeatedly, "Right...right...I know I'm talking too loudly. Pasensya na kung hindi ko napigilan ang aking sarili. Galit lang talaga ako sa sitwasyon natin ngayon!"

Natahimik kami ng ilang sandali. May naisip naman ako. Naghintay pa ako ng dalawang minuto, saka ko to sinabi sa kanila, "Kung wala si Meredith sa mga Guardian-controlled areas, baka posibleng nasa loob siya ng isang Insurgence base."

Tumingin silang dalawa sakin. Parang ngayon lang to naisip ni Miss Aimee, "You have a point there Hanz...it's possible. Marami kaming alam na Insurgence base, pero delekado naman kapag aatake tayo agad!"

"Pero hindi ko naintindihan. Bakit ba nagtutulungan ang Guardians at Insurgence?" Tanong ni Dan.

Napalingon si Miss Aimee sa kanya. Wala siyang nasabi, pero alam kong may alam siya tungkol dito. I can see it in her eyes. Parang nagulat siyang marinig ang tanong na iyon. Imbes na sasagutin si Dan ay nagpatuloy siya sa aking Insurgence base theory.

"Sino ba ang dumukot kay Meredith na kasali sa Insurgence? Maybe we have stored data about that suspect which we can use to locate them!" Tanong niya samin.

Sabay kaming sumagot ni Dan, "Si Rave Seville, o mas kinilala bilang si Vermilion!"

"Vermilion?" Napaisip si Miss Aimee. Lumapit siya sa isang terminal sa isang sulok ng command center. Binuksan niya ang Shadowtech Databanks at hinanap ang mga pangalang Rave Seville at Vermilion. Inabutan siya ng limang minuto bago pa siya makabalik samin na may salang ngiti.

"Alam namin kung saan siya nagtatago," paliwanag niya, "We encountered him last 2022. Muntik na niyang manakaw ang isang Biomorph specimen sa isang Shadow school dun sa UK. Nagpanggap siya bilang isang Shadow para makuha ang gusto niya."

"So nasaan siya ngayon?" Tanong ni Dan.

"Ang main base niya ay nasa Baguio. Isa itong underground base, protected from satellite and infrared surveillance. Mahirap itong pasukin, sabihin nalang nating imposibleng pasukin, dahil ang lugar na ito ay punong-puno ng controlled Biomorphs. Kailangan natin ng ibang paraan para makapasok tayo dun!"

Natahimik na naman kaming lahat. Pagkalipas ng ilang minuto ay may naisip ulit ako.

"Naalala mo ba Dan ang hinihingi ni Rave mula sa atin?" Tanong ko sa kanya.

Nag-isip siya, at nakuha niya naman agad, "Ang Bio-1 Virus? Matagal na yang nawala mula sa mga Shadow schools!"

"Kaya nga, pero may natitira pa naman!"

Tumingin silang dalawa sakin. Tumayo si Dan at sinapak ang lamesa, "Nababaliw ka na ba? Hindi mo gagawin yan! Kahit nay problema man tayo sa isat-isa ay kaibigan pa rin kita Hanz!"

"But we don't have any other option. We both want Meredith to be rescued right?" Tumingin ako sa kanya matapos ko tong sabihin.

Kinagat ni Dan ang kanyang labi. Wala namang nasabi si Miss Aimee. Nagsalita ulit si Dan, "Hanz...isusuko mo ba talaga ang iyong sarili sa Insurgence?"

Tumingin ako sa mesa. I nodded, "Handa naman ako. Wag kayong mag-alala sakin. Gusto naman nating lahat na maibalik na si Meredith dito!"

Everything became silent for the third time. Sigurado na ako sa gagawin ko. Wala na itong atrasan. Sa wakas ay nagsalita na si Miss Aimee, "Magpapahanda ako ng isang Thrusterwing. Lumapit ka lang sakin Hanz kung handa ka na!"

Umalis si Miss Aimee at naiwan kami ni Dan sa loob. Tumingin ako sa kanya. Paglabas ni Miss Aimee ay may sinabi siya, "That's why there's been a huge Guardian Movement the day before Meredith was taken. Naghahanda pala sila para sugurin ang Detainment Facility!"

*
*
*

Erwin's POV

Nagring yung cellphone ko at sinagot ang tawag ni Commander Aimee.

"May plano nang nabuo ang dalawa, but they are too late. You need to get Meredith before the Guardians would take it out of her! The Triple Six must not rise, or the next harbinger of hell will arrive. You know the location! Baguio. Insurgence Bio-Storage Base. Equip yourself and get there before dawn. I'll send more details to you when you arrive!" Sabi niya sakin.

Pagkatapos niyang magsalita ay tinanong ko siya, "Ano ba ang plano ni Hanz at Dan?"

"Isusuko ni Hanz ang kanyang sarili. Isa siyang Morpher, carrier ng Bio-1 Virus. He'll trade his life for Meredith!"

"Teka lang...kukunin ko si Meredith mula sa base na iyon, saka pagdating naman ni Hanz dun ay wala na pala siya. He'll be risking his life for nothing!"

"That's the least of our problems. Meredith is our top priority. She has something in her that shouldn't be taken by the Guardians, or we'll all fall. You got your mission!"

Nawala na ang kanyang boses. Pinasok ko ulit sa bulsa ang aking cellphone.  Nag-aalala naman ako kay Hanz. Isusuko niya ang kanyang sarili para lang sa wala. Wala naman akong magagawa diyan dahil sumusunod lang naman ako sa utos ng Xyndicate. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Para ito sa kaligtasan ng lahat.

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now