Chapter 69 - Missing Matters

648 12 0
                                    

December 4, 2024 (0900 Hours)
Aimee's POV

"Any sign of them?" Tinanong ko ang mga staff sa Black Mountain, pero wala pa rin silang nakukuha na impormasyon matapos ang halos isang araw na pagsisiyasat.

Kinuha ko na ang isang folder at kinumpirma na nga ang mga laman.

Meredith Jane Venafuerte. KIA.
Hanz Exfir. KIA.
Dan Yoshida Callaghan. KIA.

Napatay daw sa pagsabog ng flagship ang tatlo. Hindi na nahanap ang kahit isang clue tungkol sa kanila. Si Todd naman, ayon sa iba ay nakatakas bago pa sumabog ang flagship. Hindi naman niya nakuha si Meredith, so hindi siya nagtagumpay.

Mula sa sumabog na flagship, may napulot kaming data na nagbigay samin ng impormasyon kung ano talaga ang pinaplano nina Todd. Akala namin gagamitin lang niya si Meredith para magsimula ulit ng pangalawang Demon War, pero hindi pala.

Ang totoong balak niya ang kunin ang mga kapangyarihan ng Burning Trinity ng Triple Six Theory, at ilagay ang mga ito sa kanya. He wanted to get Dan's Hellmorph Powers, pero hindi niya to kayang gawin dahil malakas si Dan, kaya si Meredith na lang ang napili niya dahil mas mahina pa siya kesa kay Dan.

Nakuha na niya ang kapangyarihan ng isa sa Burning Trinity. Ang powers ng Undead Assassin na kagaya kay Hanz. May Bio-1 Virus na si Todd, pero hindi niya to binigay kay Rave dahil baka kung mapano pa ito.

About his real plan. Ipapasok niya ang mga kapangyarihang ito sa kanya. Gagawin niya ang isang demonic ritual na gagawa sa kanya into a demon. Either Dan or Meredith, Hellmorph, is the key to start a demonic ritual. Ang gagawin lang ni Todd ay kontrolin ang Hellmorph at utusan itong magsimula ng ritual gamit ang demonic language, since walang tao ang nakakaalam dito. Once the ritual is complete, bubukas ang isang hellgate kung saan lalabas ang isang demonyo na kakausapin ni Todd. Hihingin niya mula sa demonyo ang isang hiling na ilipat sa kanya ang mga kapangyarihan ng Hellmorph na kanyang ginamit sa ritual, upang siya ay maging Hellmorph.

Pagkatapos ng transfer process, magiging Hellmorph na si Todd, at mamamatay yung Hellmorph na kinunan niya ng kapangyarihan in exchange for his wish from the demon.

Ilalagay naman niya ang Bio-1 Virus sa kanyang sarili, at hahalo ito sa kanyang demon blood. Magiging Half-demon, half-mutant na siya. Isang bangungot. Ayon sa file na nahanap namin, si Todd ang magiging Anti-Hunter. Sinabi din dun kung paano niya mababasa ang isip ng mga Hunter at makuha ang kanilang mga Kill Switches, kung saan magagamit niya upang patayin ang mga ito.

Anyways, hindi niya nakuha si Meredith. Aatake na rin kami sa ilang mga Guardian Bases bilang paghiganti sa kanilang pagsalakay samin. Napinsala nila ang Tolevo at Ralandan, so kailangan silang magbayad.

Dumating si Venice at sumabay siya sakin sa paglalakad. Naging simula ng aming usapan ang kanyang tanong, "Sigurado ba kayo diyan, na patay na sina Dan, Meredith at Hanz?"

Kumunot yung noo ko, "Sabi nila, wala na daw sila, pero naniniwala ako na buhay pa sila. Kilala ko ang babaeng iyon!"

"At nasaan na ba sila ngayon sa tingin mo?"

"Yan, sila lang ang may alam!"

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now