Chapter 34 - Entitled

765 22 0
                                    

September 4, 2024 (0656 Hours)
Meredith's POV

"Mery...tapos ka na bang kumain? Umuna na si Erwin dahil sa misyon niya!" Paalala ni Hanz sakin.

Kinuha ko yung baril ko at linagay sa holster, "Oo...tapos na akong kumain mahal...sabay ba tayong papasok?"

"Oo...kaya nga kita hinintay eh!"

Sumunod na ako sa kanya sa labas ng gate at sumakay sa kotse. Dumating na kami sa gate ng school at pumasok. Pinark na ni Hanz ang kotse at sabay kaming pumasok.

Pagdaan namin sa corridors, parang iba na yung labels. Hindi na Grade 7, 8, 9, 10, 11 o 12. Types 1, 2 at 3 na ang mga ito.

"Oh...aakyat na ako sa room ko ha? Kita lang tayo mamayang lunch time!" Nagpaalam na si Hanz at pumunta na sa kanyang classroom.

Dumeretso na ako sa room namin. Hindi na Grade 11, section E ang tawag dito. Type 2, Class C na. Pumasok ako at nakita ko sina Maya at Sunny. Pinuntahan ko sila at nagtanong, "Ano ba ang mga ito?"

"Ito ang bagong system natin. Imbes pang-regular high school yung system natin, Division System na ito gaya ng Warsa!" Sumagot si Maya.

"Palalabasin pa tayo bago magsimula yung klase. Sabi nila, may short orientation daw matapos ang huling issue na nangyari!" Dagdag ni Sunny.

Narinig namin ang pagbukas ng isang announcement. Boses ni Superior Sylvia ang lumabas mula sa speakers, "Magandang umaga sa inyong lahat. I would like to ask everyone to please gather at the arena for some major announcements right now. This is your Superior Sylvia speaking. I would expect your full cooperation!"

Gaya ng sinabi niya, bumaba kaming lahat at pumunta sa arena. Napuno ito ng mga Shadows ng Rosethorn. May stage na inihanda sa harap naming lahat. Dumating ang ilang opisyal ng paaralan. Nakita namin si Superior Sylvia na nakatayo sa harap ng mic stand. Natahimik kaming lahat at humarap sa kanya.

"Magandang araw, mga Shadows ng Rosethorn. I assume that many of you have noticed the new signboards on your classrooms. Well, about that, our school system has been changed...and I would like a representative from the Shadow Council to explain this to you all for clarifications!" Pinatayo niya ang isang matangkad na lalaking Shadow.

Lumapit ang representative sa mic at nagsalita, "Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Ken Renato ng Shadow Council, at Strategics Adviser ng Shadow Army. Tungkol sa Division System ang pag-uusapan natin ngayon. I will tolerate questions right after these explanations!" He paused for a short moment saka siya nagpatuloy, "You will be divided by your performance in this system. There are three Types. Types 1, 2 and 3. Under these types are five Classes. Classes A, B, C, D and E. Type 1 is the highest rank, composed of the best and experienced Shadows. Type 2 for the average ranking Shadows with normal performance and evaluation . Type 3 is for the inexperienced and newbies. Now about the classes, they are just like sections. You will be placed in a certain class depending on your evaluation, and still, performance. Class A, for the best Shadows. B for good. C for normal. D for below average. And E for those who require training. Now, we're done with the basics, I'll be explaining how you'll get to a higher Type and Class. To move to a higher Type, you must accomplish all the classes. You must grow from E to A, so you could move to the next type. To move to a next class, you must be good both in school and in real missions. You must learn and prosper, or you'll be stuck in the same class and type or get downgraded! Now you are arranged in fixed types and classes according to your records and performances. That would be all!"

Pagkatapos ng kanyang paliwanag ay bumalik siya sa kanyang upuan. Muli na namang humarap si Superior Sylvia sa harap ng mic. Siya na naman ulit ang nagsalita, "Salamat po Major Ken. Hindi pa tayo tapos ngayon dahil may gusto pa akong sabihi sa inyong lahat. Hindi sana magbabago ang sistema natin ngayon kung hindi pa ito dahil sa mga taong humuli sa isang taksil at kalaban na nakapasok sa ating branch. Gusto kong pumunta sa harap ang mga taong ito!"

Habang binasa niya ang isang papel, sinampal ni Maya ang braso ko. Alam kasi niya na kami na ang tinutukoy ng Superior. Nakinig kami habang sinasambit na ni Sylvia ang mga pangalan, "Hanz Exfir. Meredith Venafuerte. Maya Miyumi. Sunny Altheo. Erwin Cruz. At Dan Callaghan. I would like you to be on stage please!"

Lumakas yung tibok ng puso ko. Hinila kami ni Sunny papunta sa stage. Sumali na rin si Hanz samin. Maya-maya pa ay dumating na rin si Erwin. Sabay kaming umakyat sa stage sa harap ng lahat ng Rosethorn. We lined up next to the Superior, facing all of the Shadows.

Inakbayan ni Superior Sylvia si Sunny, "These people captured the parasite, and brought our school to the right place. In our past system, we were lost, unaware that we were being manipulated all along by a hidden tyrant. At ngayon!" Humarap siya samin, "Gusto sana kaming hihingi ng tawad, dahil inakala namin nung una na kayo yung mga taksil, when you were actually rebelling to show us the truth. At, gusto rin naming magpasalamat sa inyo, dahil tinaboy niyo ang masamang tao na nasa likod ng lahat ng problema sa Rosethorn. Ano nga ulit ang pangalan ng grupo niyo?"

Hinila ni Sunny si Maya para siya ang makasagot sa tanong niya. Lumapit si Maya sa mic, at sumagot siya bakas ang kaba at saya, "We are the Lost Heartz! And we were just assisting the man behind all the enemy's fall. Nahuli namin ang kalaban dahil kay Heneral Dan Callaghan ng Warsa. Wala siya ngayon, pero he deserves the bigger credit!"

Ngumiti si Superior Sylvia sa kanya. Umatras si Maya at si Superior Sylvia na naman ang nagsalita, "Kahit gano paman kaliit o karami ang nagawa ninyo! You all deserve to be thanked by the Shadows of Rosethorn! Let's all give 'em a hand!"

Pumalakpak ang lahat ng Shadows na nasa harap naming lima. Hindi nga namin inaasahan na ganito ang mangyayari ngayong araw. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila, nakangiti at masaya, lalo na si Maya dahil siya ang bumuo ng grupong ito. Tumingin si Hanz sakin na nakangiti. I smiled at him too. It was a glorious moment for the Lost Heartz, and we just made our way to Rosethorn's History!

Rosethorn AcademyWhere stories live. Discover now