Chapter 10 - Remnants of the Slumbering

1.4K 46 0
                                    

August 5, 2024 (1700 Hours)
Dan's POV

Nakatayo lang ako sa tuktok isang burol ng Coldswood Forest. Dito kasi ako tinuturuan ng mentor ko noon bago ko pinalitan ang puwesto niya bilang heneral.

Hawak ko ang journal ni Mark, ang journal niya bago siya umalis. Binuklat ko ito at hinanap yung isang pahina. Nakita ko ito at binasa ko to. Nakasulat pa ito sa Ingles.

*
*
*
Entry No. 143, Year 2020

I was imprisoned for almost a year my dear Dan. I almost killed you, but I know your soul is strong enough to fight your body. They're yet only the Burning Trinity, but the 666 hasn't risen yet. If the first of the Burning Trinity appeared in August 2018, then after six years, six months and six weeks, the real vessel of hell will rise. No one knows who it is, or what it'll be, even the High Priests can't see the blinded future. A future fogged by the 666. A future, distorted by Satan, the devil himself, that even our lord God can't see. But the 666 can't rise without one of the Burning Trinity. That is their purpose. To be a key. The three of us have killed all, but I'm not sure if all are really dead. Mark those words. If you are reading this, see me in my favorite hill. I have something else to tell you. Welcome back, my disciple...

-Your Mentor, Mark Yaeger, 12th Hunter

*
*
*

Matapos ko itong nabasa, agad akong tumingin sa ibaba ng burol. May bahay sa harap nito. Ang lumang bahay ni Mark. Kung saan lahat nagsimula. Mag-isa lang ako ngayon dito. Wala akong iniisip kundi ang mga sinabi niya sakin pagkatapos ko itong mabasa noong mga panahong iyon.

Tumingin ako sa mga bundok na pumapaligid sa isang lake na may bahay sa tabi nito, na nasa baba lang mula sa aking kinatatayuan.

Kung nasa labas ka na ngayon, magpakita ka na sakin...

Meredith's POV

Nakababa na ako sa kusina. Nakita ko si Hanz na nagluluto ng dinner habang nakaupo naman si Erwin sa harap ng lamesa.

"Kung gutom ka na Meredith, maghintay ka lang ng three minutes...malapit na itong maluto!" sabi ni Hanz na hinahalo ang mga sangkap sa loob ng frying pan.

Nakangiting tumingin si Erwin sakin at nagtanong, "Gutom ka na ba?"

Ngumiti rin ako sa kanya, "Ah hindi pa! May gusto nga pala akong sabihin sa inyo!"

Lumingon si Hanz sakin, "At ano naman iyon?"

Nagdalawang isip akong sabihin ito sa kanila, "Ummmhh...si Hanz lang ang makakasagot nito..."

"Ano nga sabi eh!" Nairita si Hanz.

"Noong bago ka pa lang naging Shadow, may panaginip ka na bang...weird?"

He paused for a moment. Kumunot yung noo niya, "At anong klase of 'weird' naman iyon?"

Kinagat ko ang labi ko. Sinabi ko sa kanya, "May napanaginipan ka na bang isang Shadow na walang mukha?"

Biglang lumaki yung apoy at naging kulay bughaw. Humina ito pagkatapos ng ilang saglit at napatingin si Hanz sakin. Nagulat na lang si Erwin sa biglaang pangyayari. Iniwan ni Hanz ang luto niya, "Shadow na walang mukha? Baka Hunter yung tinutukoy mo!"

"Nangyari na ba yan sayo?"

He smirked, "Not a chance. Wala na ngang Hunters eh! Apat nga lang sila dito sa Earth pero umalis naman pagkatapos ng Demon Wars"

Rosethorn AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon